Paggising ko ay agad ay agad akong napangiti. "Boyfriend ko na siya. " hindi ko maipaliwanag ang labis na sayang nararamdaman ko! Ganito pala ang pakiramdam no? Ang sarap gumising sa umaga. Parang ang gaan-gaan ng buhay. Ang sarap mabuhay. Ang sarap magmahal.
"Good morning Miss change status. " makulit na bati ni Efin pumasok siya sa kwarto ko.
"Change status ka jan. " pangiti-ngiti lang na wika ko.
"Hindi pa ba? Oh my! Kinikilig parin talaga ako hanggang ngayon! Ahhh!!!"
"Nasan siya?" Haha. Okay, kahit nahihiya ako sa kaibigan ko ay pinilit kong tanungin sa kanya kong nasan ito.
"Malay ko ba? Eh di hanapin mo. Boyfriend mo naman siya eh. Ayeeee!" Binato ko siya ng unan at tumungo sa cr para maghilamos at magtoothbrush.
Pagbukas ko ng pinto ay siya agad ang nakita ko. Agad na hinila niya ako sa bewang at niyakap ng mahigpit.
"Good morning, girlfriend. "
Hindi ko maiwasang mapangiti. "Girlfriend talaga ha?"
"Yes. Ayaw mo? Haha"
"Parang pareho yata tayo ng panaginip. Sinagot kita sa panaginip ko diba? "
"So, nananaginip parin pala tayo ngayon. Hahaha. "
Hinwakan niya ang kamay ko at sabay kaming bumaba at tumungo sa kusina. He offered me a chair at inilapag niya sa lamesa ang hinanda niyang breakfast. :-)) Gumising siya ng maaga para gawin to? Aba..
"Sabi ni Efin favorite breakfast mo daw ang egg sandwich at gatas. So.. I prepared it for you. " anito. Tumayo ako kunwari para maghugas ng kamay but I took that time para tumili ng silent mode. Oh my gosh! Lord, ganito na ba talaga ako kabait para bigyan mo ko ng isang tulad niya? Inayos ko ang sarili at bumalik sa kinauupuan ko.
Sa totoo lang ay sobrang awkward talaga ng pakiramdam. Hindi ko alam kong paano ko siya tatratuhiN dahil ngayon palang naman ako nagkaboyfriend. :-)
Habang kumakain ako ay nakangiting nakatitig lang ito sa akin.
"I Love You. "
Napabaling ako sa kanya. "Pumikit ka. " utos ko. Nakangiting pumikit din siya. Tahimik na kiniskis ko ang kamay ko sa puwet ng kaldero. Haha, kunwari ay pinisil ko siya para gumuhit ito sa mukha niya.
"Ang pogi-pogi mo talaga! Hahaha."
"Pasalamat ka girlfriend kita kundi hindi talaga ako papayag na pagtripan palagi ang mukha ko. Hahaha. " Paano niya nalaman na pinagtripan ko ang pagmumukha niya? :D
Tumayo ito at tinitigan ako na parang wala ng bukas. He touches my face and slowly moved his face on me... I was about to feel those lips again ng...
"Wow! Egg sandwich!! " biglang nagsulputan sina Efin at Marco sa kusina. Panira moment naman oh? Haha.
"Goodmorning lovebirds!" Bati ni Marco.
"Hey, good morning. "Bati din ni Ino. "Amm. Tamang-tama, pinapatawag kayo ni Aling Silvia sa pool area. " palusot nito para makaalis na ang dalawa dahil pinutol nito ang moment namin. Haha.
"Magbibreakfast din kami ng honey ko.. " rasonpa ni Marco.
"Pagkatapos nalang namin. Kayo naman.. " palusot pa nito.
"Sabay-sabaynalang tayo para masaya. "
Natawa nalang ako sa inaasal ng dalawa. Haha, nagpatuloy kami sa pagbibreakfast at tinulungan ang mga kasambahay sa pag-aayos na ng party para bukas.
Ako ang in-charged sa table setting kaya abala ako sa pagdedesign ng mga tables ng maramdaman ko siya. Nakayakap siya sa likod at pasimpleng humali sa pisngi ko. :-)
BINABASA MO ANG
Ino's Plan ♥
RomanceOne of the best feeling in this world is when the person you love.. Loves you back. ♥♥ Especially if that person was... Ino Abueva, one of the most hottest dude I met. Pangarap siya ng lahat. Ako naman, eto.. Pa-crush2 lang. Pero hindi ko inaasaha...