Ending Part: #Ino's Plan

133 7 3
                                    

"Cel, tara.. Magpa-spa tayo para hindi tayo mukhang haggard sa wedding ni Ino.  Lalo kana. Dapat mas maganda kapa sa bride no? BAka sakaling... Magbago ba isip niya o, bumalik bigla ang alaala niya. " wika ni Carie at tumawa.

"Ikaw talaga. Alam mo namang hindi na mangyayari yun diba? At saka, siguro kapag nakita ko si Ino at si Jewel na masayang-masaya naman sa isa't-isa. Matatanggap ko rin naman siguro. "

Inakbayan niya ako. "Tama na nga yan. Tara na, hinihintay na tayo ni Efin sa labas. "

Pinauna ko na si Carie sa labas. Ako naman ay nagpaiwan sandali at naupo sa kama ko. Pinagmasdan ko ang singsing sa daliri ko. Sa puntong iyon ay pinigilan ko na ang luha ko.
Tama na Cel. Kailangan mo ng tanggapin na hindi lahat ng lovestory laging may happy ending. Isipin mo nalang na hindi teleserye ang buhay niyo. Isang napakagandang commercial  lang. Siguro balang araw, matatanggap mo rin ang lahat. Makakalimutan mo din siya... Isang araw, ang nararamdam mong ito ay maglalaho rin. Lahat ng feelings mo ngayon, hindi mo nato maaalala balang araw.

Dahan-dahan kong hinubad ang singsing sa kamay ko. Tumayo ako at inilagay ito sa kahong pinagsisidlan nito dati. Yes, dahil sobrang mahal na mahal ko siya sa loob ng maraming taon ang kahon na iyon ay inalagaan ko rin.

Inayos ko ang sarili sa harap ng salamin at bumaba na. Lumabas ako sa bahay na buo ang ngiti at nauna pa akong pumasok sa sasakyan. Nagkatinginan silang dalawa sa inaasal ko. Alam nilang pinaplastik ko lang sarili ko dahil alam nilang sobrang nalulunod ako ngayon sa lungkot at sakit.

"San tayo? " masiglang tanong ko.

"Basta." Sagot ni Efin.

Nagpa-spa kami katulad nga ng sinabi nila. Habang nag-eenjoy kami sa nagmamasahe sa likod namin dahil nagpapatawa din sila ay napunta na naman sa akin ang usapan.

"Bes? Wag kang magbabago ha?" Wika ni Efin.

"Haha. Magbabago? Bakit naman ako magbabago.? "

" Kasi.. baka magbago ka after Ino's wedding. Baka magalit ka sa mundo. Tapos manhater ka. Tapos hindi kana magmahal ulit. "

"Para ka talagang sira.. hindi ako magbabago no? Buong puso ko namang tatanggapin na wala na siya eh. "

" buong puso nga ba?"

"Ok sige. One half, haha. "

Ilang sandali ay sumabat si Carie.

"Alam niyo guys, ganyan talaga ang pag-ibig. Unfair. " aniya. "Wag niyo na nga masyadong isipin yan? Ako nga walang lovelife eh, haha. "

Natahimik kaming tatlo hanggang sa makatulog kami..

Tumungo na kami sa hotel kong saan kami magbibihis. Tumungo na kami sa kwarto namin kong saan katabing kwarto lang namin ang ilang imbitado rin sa kasal. Sa kwarto namin nakaantay doon ang mga make-up artist na in-charged daw sa aming general make over. Nandun din si Dhinna na inaayos ang mga gown namin.

Nagpasya kaming kumain muna bago tuluyang mag-ayos. Kasabay namin ang mga make up artist at si Dhinna.

"Grabe, everyone is SO excited na. Even me. " halatang excited na wika ni Dhinna.

"Siyempre, sosyal na wedding to eh. HAmakin mo lahat dapat  in ball gown attire. " wika ni Carie.

"I'm sure. Napaka-pogi ni Ino mamaya. Hihihi. " wika ni Mhai ang make up artist nila.

"Siyempre yung bride din no? " wika naman ni Dhinna.

Habang abala sila sa pag- uusap ay abala naman ako sa pagkain dahil malamang ay gugutumin at mauubusan ako ng tubig sa kakaiyak. Habang ang saya-saya niyong lahat. Ako naman ay malulunod na maya-maya sa sobrang sakit. Pagkatapos naming kumain ay sinimulan na kaming pagandahin ng mga make-up artist.

Ino's Plan ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon