*BAGO NATIN E-CONTINUE ANG INO-CEL LOVESTORY! I WOULD LIKE TO SAY THANK YOU SA PATULOY NIYONG PAGBABASA. HI NGA PALA SA CIRCA PALZ FRIENDS KO, FAMILY AND FRIENDS. I LOVE YOU ALL! KUNG NAGUGUSTUHAN NIYO PO ANG STORY NINA INO AND CEL. HELP ME SHARE IT TO YOUR FRIENDS PO. THANK YOU :-) OKAY, KILIG PA MORE!!! *
"I'm getting married. "
Naghiyawan ang mga kaklase ko ng nag-announce ang English teacher namin na si Miss Liza na ikakasal na siya. Ganun nalang kami kiligin kasi minsan niyang ikwenento sa amin ang lovestory nila ng kanyang boyfriend na ngayon ay malapit niya ng maging asawa. Si Miss Liza ay dating sikat na artista. Naging bida siya sa isang napakagandang teleserye sa edad na 17. Nakatambal niya ang kasing edad niya na si Yves na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Sa sobrang kasikatan ng loveteam nila ay lahat ng kaNilang tagahanga ay alam ang bawat detalye ng kanilang wagas na pagmamahalan. Kahit mismo ang detalye sa pag-aaral nilang dalawa ni Yves ay alam nila. Nag-aaral na rin kasi sila habang abala sa showbussiness. Umabot ng dalawang taon ang kanilang pagniningning bilang artista at bilang isang celebrity couple. Pero isang malubhang sakit ang tumapos sa kanilang pagmamahalan. Nagluksa ang lahat ng kanilang tagahanga ng mamatay sa sakit na Leukemia si Yves. At dahil doon ay tuluyang nilisan ni Miss Liza ang mundong kinalakihan niya para tulungan ang sariling makalimot sa napakasakit na yugto ng kanyang buhay. Pero lubos na hindi niya matanggap ang lahat. Minsan siyang nalulong sa alak at droga dahil sa labis depresyon. Lagi na siyang tulala at laging takot na mawalay sa kanyang mga magulang dahil baka mawala din ito sa kanya. Dahil sa depresyon ay napilitan ng ipatingin sa psychiatrist si Miss Liza kung saan ang naging doktor niya si Doc. Enrique. Ang 26 years old na Psychiatrist na tumulong na gumaling siya. Tinulungan nitong maiangat siya sa depresyon at gamutin ang sugatan niyang puso. ♡♡ Yes, they fell in love to each other. Nahanap ni Miss Liza ang muling bubuo ng kanyang nawasak na puso. Pero hindi naging madali ang kanilang relasyon dahil nalaman ng mga magulang ni Enrique na minsan siyang nalulong sa droga at hindi ito nababagay kay Enrique. Sapilitang nilayo nila si Enrique kay Miss Liza kong saan ay muli na naman siyang nabigo. Pero pagkatapos ang isang linggo ay muling nagbalik si Enrique at talikuran ang propesyon dahil sa kanyang wagas na pagmamahal kay Miss Liza. Hanggang sa wala na rin silang nagawa at tumagal pa ng maraming taon ang relasyon nila hanggang sa dumating araw na niyaya na siya nitong magpakasal. Sa lahat ng kanyang napagdaan sa pag-ibig ay natutunan niya dapat lagi kang handang masaktan. Kasi maraming puwedeng mangyari sa isang relasyon na hindi niyo parehong inaasahan. Basta kahit anuman ang mangyari, sa dulo ay may surpresang naghihintay. :-) Now, she's happily in love with Enrique. At alam niyang kung nasaan man ngayon si Yves. Masayang-masaya na ito na sa wakas ay nahanap na niya ang kanyang tunay na loveteam forever. :-)
"So, Miss Liza. Ano pong balak niyo after getting married? " tanong ng kaklase ko.
"I'm planning to settle my new life abroad. " sagot nito. Tila naghinayang lahat dahil aalis na sa school si Miss Liza pagkatapos ng kanyang kasal.
"But of course, before I leave.. May iiwan ako sa inyong magandang alaala na sana ay balang araw kayo rin ay makahanap ng isang katulad ng Enrique ko. I know, hindi lang ako basta-basta takbuhan ng mga love problems niyo.. Para niyo narin akong second mom, second ate here. So now, iniimbitahan ko kayo na pumunta sa Promise Room. "
"Promise Room? Saan yun Miss?"
"Nasa 8th floor siya. Before I leave I want you to share to me your greatest promise sa isa sa pinakamahalagang tao sa buhay niyo. I'll keep that promise for you. Gusto ko balang araw, malaman ko nalang na isa sa nga pinangako niyo sa promise room na iyon ay nagawa niyo. Bakit ko ginagawa to? Kasi most of you here, lumalapit sakin to ask for some advice. Gusto ko balang araw, malaman ko na kahit walang advice ko o nang iba.. Nakaya niyong lampasan ang bagay na akala niyo ay hindi niyo kaya. Alam kong kaya niyo guys. Kaya niyo. So, hihintay ko kayo sa promise room. You are dismissed now. "
BINABASA MO ANG
Ino's Plan ♥
RomanceOne of the best feeling in this world is when the person you love.. Loves you back. ♥♥ Especially if that person was... Ino Abueva, one of the most hottest dude I met. Pangarap siya ng lahat. Ako naman, eto.. Pa-crush2 lang. Pero hindi ko inaasaha...