Chapter Nine: #Pagsubok #HardestPartinLove

91 2 2
                                    

HEY GUYS! THANK YOU FOR READING. MARAMI PANG MAGAGANAP SA LOVESTORY NINA INO AT CEL. SO SANA PATULOY NIYO PO ITONG SUPORTAHAN. DON'T FORGET TO VOTE. :-)

"Congratulations, Carie. You are officially enrolled, again. It's nice to have you back. " wika ni Coach Joshua Biscocho, and volleyball coach ni Carie. "Sana naman ay hindi kana mawala sa school this time. "

"Hindi na Coach. " sagot niya.

"So, see you around. And welcome back. "

Tumango lang siya. Habang naglalakad si Carie sa hallway ay napadaan siya sa bulletin board kong saan nandon parin nakadikit ang malaking cartolina na idinikit ni Ino for Cel. Habang nakatitig siya don ay naririnig niya ang mga sinasabi ng mga dumadaan sa likod niya.

"Ay si Carie oh? "

"Gosh, nakita niya yung nakasulat. "

"Bakit siya bumalik?"

"Nagkabalikan sila?

"Hindi. Si Cel na ngayon ang girlfriend. "

"Sayang sila. "

Hindi maiwasan ni Carie ang mapaluha sa mga naririnig niya. Pinilit niyang humakbang paalis sa harap ng bulletin board na iyon.

"Hi, Carie. Welcome back. Ito pala ang bagong magazine ng school. Latest updates yan sa mga nangyari last sem. " iniaabot ng dalawang estudyante ang latest issue ng school nila kong saan sino Ino at Cel ang bagong cover.

"Ano kaba? Hindi muna siya dapat binigyan. Ex siya ni Ino. "Pabulong na wika ng isang estudyante.

"Akala ko siya ang nang-iwan. Malamang hindi siya masasaktan. " anito.

Sa loob ng magazine nakalagay ang mga pictures noong mini-concert event kasama na doon ang sorpresa ni Ino kay Cel. Sa puntong iyon ay punong-puno siya ng pagsisisi na iniwan niya ang taong minahal. Ilang sandali ay nadaanan siya ni Era.

"Car, naka-enrol kana?"Tanong nito.

Hindi ito sumagot dahil malayo na ang tingin nito. Nakita ni Era na hawak-hawak nito ang magazine.

"Alam mo na ang mga nangyayari dito? "

"Ang sakit. Hindi ko kaya, Era. "

"Wag ka dito umiyak. Wag mong hayaan na makita ka nilang ganyan. "

"Mr. Abueva. Pakilagay nalang po ang name of the person to contact in case of emergency. " pakiusap ni Annie na tumutulong sa amin ni Ino na mag-enroll. Sa school kasi namin ay tinutulungan kaming mag-enroll para mas mabilis.

Napatingin muna siya sa akin bago niya sinulatan ang form.

In case of emergency please contact Ana Marcela Yvalles. Pangalan ko ang isinulat niya. :-) Ang lakas talaga ng topak nito kahit kailan.

"Sira ulo ka talaga. " wika ko.

"Para in case may mangyari sakin ikaw ang unang tatawagan. Diba?"

"Oo na po. "

Ibinigay na namin kay Annie ang form at ng matapos ang enrollment ay naisipan naming magkape sa coffee shop ni Aling Silvia.

Pagdating namin ay nakangangang binati kami ni Manong guard.

"Oh?kayo na?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Tinapik ni Ino si Manong guard sa balikat. "Balang araw manong. Habang nakatayo ka dito sa labas, makikilala mo rin ang taong magmamahal sayo." Anito.

"Aasahan ko yan boy ah?"

Habang hinihintay namin ang order namin ay nagpaalam muna ako na magbabanyo. Nang makarating ako sa cr ay natagpuan ko doon si Carie. Nagreretouch siya ng make up niya at halata ang pamamaga ng mga mata niya.

Ino's Plan ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon