Chapter Six: Pag-ibig Na Kaya? :-)

120 4 1
                                    

"This is the only thing I can do for my son. Gusto kong makabawi sa lahat ginawa ko sa kanya. " wika ng Mommy ni Ino sa Daddy nito.

"Ginusto niyang maging palaboy, hayaan mong maging palaboy. Total wala naman siyang inisip kundi ang mga kabulastugan niya. He's such a dissapointment. "

"Si Ino, ay anak mo parin. Anak mo parin siya anuman ang gawin niya sa buhay niya. I regret everthing I've done to him. If only I could change everything just to bring him back. Hahanapin ko si Carie. Kung kailangang lumuhod ako sa harapan niya mahalin niya lang uli ang anak natin,  gagawin ko. "

"Kaya  siya iniwan ni Carie kasi wala siyang kwenta. Paano siya makikibagay sa mga kaibigan natin kung siya lang ang pinakababa ang narating. Nakakahiya. "

He left his wife with tears dahil sa mga masasakit na sinabi nito.

Dinala ko ang ilang materials para sa mga designs para kahit nasa school ako ay makatulong parin ako sa paggagawa sa gawain ng mga kasambahay. At the same time patuloy parin ako sa pakikipagcommunicate sa mga kamag-anak ni Aling Meldred. 2 hours ang vacant ko kaya super loner ako ngayon dahil may mga pasok sina Efin at Ino. Habang nagugupit ako ng mga coloring papers ay sumagi na naman sa isip ko si Ino. Sa mga puntong iyon ay ini-imagine ko kung anong klaseng relasyon meron sila ni Carie. Dahil kaharap ko naman ang laptop ko ay sinubukan kong hanapin si Carie sa facebook. Hindi ko alam ang buong pangalan niya kaya hinagilap ko siya sa timeline ni Ino. Magkasintahan sila dati sigurado marami silang pictures together. While scrolling down the mouse nakita ko rin sa wakas ang larawan nila. Nasa tuktok sila ng bundok kung saan masaya silang magkayakap at tila hindi maipaliwanag ang mga ngiti nila sa isa't-isa. Bigla akong pinaghinaan ng loob. Nagpatuloy pa ako sa pagscroll. Marami pa akong nakitang pictures of them together. Kahit ako mismo, ay nanghihinayang para sa kanilang dalawa. They look so happy together. Huhu, sobrang bagay pa nila kasi ang ganda-ganda ni Carie. Kamukhang-kamukha niya si Ingrid De La Paz. Huhuhu.

"Hey!"

Mabilis na isinara ko ang laptop ng biglang madaanan ako ni Ino. Kasama niya ang mga kaklase niyang lalaki. Nagpaiwan siya at naupo siya sa tabi ko.

"Ba't loner kana naman?"

"Lagi naman akong loner, eh. Haha. "

"Next time magtext ka ha? Para masamahan kita. "

"Paano pag may klase ka?"

" Walang karapatan ang teacher ko na pagbawalan ako."

Ang hangin. HAha. Natawa ako sa sinabi nito.

"At bakit?"

"Kasi kapag nawalan ako ng magiging girlfriend at magiging asawa balang araw dahil hindi ko na samahan ipapa-shoot to kill to talaga siya! Pagsisisihan niyang hindi niya ko pinayagan. Hahaha. "

Para talagang sira-ulo to? Kung makapag-shoot to kill akala mo miyembro ng nakakatakot na gang. Haha.

"Sira ulo ka talaga. "

Ilang sandali ay niligpit niya ang mga nakakalat na papel na lamesa at inilagay niya sa paper bag ko ang mga nagawa ko nang designs.

"Teka? Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Kakain na tayo. Mamaya na yan. "

Binitbit niya ang mga gamit ko at tumungo kami sa food court. Of course, nagtitinginan na naman ang mga estudyante sa min. Ilang sandali ay hinarang kami ng dalawang baklang may dalang camera.

"Hello Ino? Is Ana Marcela your new girlfriend?" Tanong ng isang bakla na may false eye lashes pa. Pwede pa dito yun? Haha.

Hindi sumagot si Ino pero ngumiti lang ito at inakbayan ako.

Ino's Plan ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon