Chapter 7

13 4 0
                                    

"Wake up sleepyhead! Anong oras na,we're going to be late 'pag di ka pa bumangon diyan."

Kahit inaantok pa ay pinilit kong tumayo.Heto ako ngayon at nagtitiklop ng higaan habang nakapikit,duh it's what you call talent.Nakita ko si Ysa na lumakad patungo sa cabinet.

"Oh,eto na yung bago mong uniform.Binigay sa'kin kanina ni Miss Lily.Charan! Kaya ano pa hinihintay mo ghourl,maligo ka na daliiii. Go,go,go.Our time is running girl."

Dali-dali akong nagtungo sa bathroom para maligo.Binilisan ko na lang ang pagsasabon at pagshashampoo.Ligong uwak na lang ang nangyari sa aking paliligo ng sumigaw nanaman si Belle na late na daw kami para sa breakfast.Luh! Malate na ko sa first subject ko no kaysa di ako makakain.

"Eto na lalabaasss na nga oh!"

Matapos kong magtapis ng twalya ay lumabas na agad ako para hiramin ang blower ni Belle.Inilabas na pala lahat ni Belle ang mga susuotin ko mula ulo hanggang paa para daw hindi na ako mahassle sa pagkuha ko sa mga ito.

****

"Waahhhhhhhhhh!! Hindi ako lalabas don ng ganto ang suot 'no!Asaaaa!!"

Suot ko na ngayon ang uniform at sobrang naiilang sa itsura ko dito.White ribbon ang siyang natali sa aking buhok.White long sleeves with a blue necktie,partnered with a  dark blue vest ang aking top.Ito ang pinakamalala sa lahat.Nakasuot ako ngayon ng isang dark blue skirt na napakaikli.Jusko mas maikli pa to sa pisi ng pasensya ko ah.Sa tantya ko dito'y 5 inches above the knee.The f!? Eh sa school namin dati halos magmadre na kami sa haba ng palda ah.Ayoko,ayoko,ayokoooo!!

"Oh come on,you look wonderful.See!" ani Belle ng ako'y itinapat niya sa salamin.Inayos niya rin ng konti ang aking buhok at iniharap ang aking katawan sa kanya.

"Just be yourself.Lahat dito ganyan ang suot.You don't have to be shy.Ang ganda mo kaya." wika niya habang pinaglalaruan ang buhok ko."Kaya isuot mo na sapatos mo't anong oras na.Mag-aagahan pa tayo."

Kinuha ko na ang aking bag bago ko isinuot ang aking sapatos.Katatapos ko pa lamang isuot ang aking sapatos ay hinatak na agad ako ni Belle at dali-daling tinakbo ang daan patungo sa cafetiria.

"Woahhhh! Ang lakiiiii.Cafeteria lang 'to? Bahay na to ah." wika ko ng marating na namin ang harap ng kanilang kainan.Late na nga kami dahil wala na kaming kasabay nung naglalakad patungo rito.

Napanganga na lang ako ng mapasok ang loob.Belle was right.Galing nga talaga kami sa iba't-ibang bansa.Nakita ko lahat ng sinabi sa akin ni Belle.Marami ngang Asyano.Nagkalat ang bawat lahi,sama-samang kumakain,nag-uusap at nagtatawanan.

Habang naglalakad kami patungo sa table na aming uupuan ni Belle ay napansin kong marami ang nakatingin sa'kin.May mga nakangiti,ang iba'y tumingin lang saglit pero nag-iwas din agad ng tingin para ipagpatuloy ang pagkain,meron ding mga kinulang sa buwan na umiirap-irap eh mukha namang tocino sa kapal ng blush-on.

Napuna ko rin na iba-iba ang kulay ng mga uniporme.Tatlo ang kulay na nakikita ko sa loob.Mostly mga nakaputing long sleeve tulad ko.Ang iba nama'y suot ang grey na long sleeve.Habang napakaunting porsyento lamang ng nakain sa loob ang nakasuot ng kulay itim na long sleeve.Ang pagkakapareho lang ng bawat isa ay ang blue necktie at ang dark blue vest at skirt.Pero,bakit lahat sila may pin badges ako lang ang wala.Kaya ba sila nakatingin kasi wala kong badge?

Tumayo na kami ni Belle matapos iwan ang aming gamit sa lamesang aming kakainan.Sinusundan pa rin nila ako ng tingin habang naglalakad kami ni Belle papunta sa buffet ng pagkain.Kahit na iniyuko ko na ang aking ulo ay ramdam ko pa rin ang kanilang mga titig.

Nakita kong kumukuha lang si Belle ng kung ano ang gusto niyang kainin kaya kumuha na rin ako ng plato at inilagay amg mga pagkaing nais ko.Bago umalis sa buffet ay nakita kong itinapat ni Belle ang kanyang badge sa isang screen.Tumingin siya sa akin at nagulat na wala akong pin.

"OMG girl bakit wala kang badge?"

"Hala,aba ewan ko den.Big deal ba yun? K-kaya ba nila a-ako tinititigan k-kase wa-wala akong badge?" naiiyak kong wika.

Lumapit siya sa akin at pinatahan agad ako.

"Hindi naman masyadong big deal... pero... paano ka kakain eh nandun pangbayad mo.Ahm ganito ilibre muna kita ngayon ha.Go get what you want,sagot kita.Tahan ka na dyan.Hindi ko naman kanina napansin na wala ka palang badge.Nakalimutan siguro ni Ms.Lily nung inabot niya yung uniform."

Si Belle muna ang siyang nagbayad ng umagahan ko.

"Sorry." wala sa loob na wika ko.

"Pwede ba stop saying your sorry.It's not your fault anyway.What we need to do is to ask for your badge later.Girl,sa lugar na to,iyon pinaka kailangan mo."

Tumigil muna siya saglit sa pagsasalita para sumubo ng pagkain.

"That badge is important.Every battle points you will earn from activities,projects,exams even sa battles,lahat yun ay natatransfer sa badge mo.Katumbas ng pera ang battle points kung wala tayo sa Academy.Mas malaki't mataas na battle points,mas malaking pera."

Pinindot niya ang kanyang pin badge at may lumabas na hologram sa harap namin.12,650,mga numerong nakasulat sa itaas na parte ng hologram.Sa medyo babang parte ay nakasulat ang kanyang pangalan,section at dormitory number.

"That one is my battle points.Kung makikita mo ay nasa taas siya na parte.There is a big gap between my battle points and my name.Kasi between those two ay isang monitor,tutunog ang badge mo kapag may bagong kaganapan na nangyayari sa school.Kesyo activity pa yan,project or battles or... what so ever.Hindi lang pera ang battle points.It's your grade.Whether you'll stay as a Tyro,rank up as a Senior going to Elite.The people wearing white long sleeves like us are called Tyros.Kumbaga we are the beginners,freshman kung sa lugar natin kung tawagin.Those people wearing grey long sleeves are called Seniors.Mas mataas sila sa atin,mas hasa na sila sa pag gamit ng ability nila.At yung mga taong nakikita mong nakasuot ng black long sleeves are the Elites.Mga hasa,magagaling,mahirap silang maging kalaban pero hindi pa sila ang pinakamalakas....

Tumigil siya saglit,luminga linga at bumulong.

Elites are the highest among the three ranks pero there's one cool thing.Hindi ko pa lang pwede sayo sabihin kase....Girrlll kulang na tayo sa orasss daliii magfifirst subeject na!"

Halos mabulunan na kami sa bilis ng paglunok na ginagawa namin.Anong nguya nguya,walang ganon girl.Dadaan lang sa bibig namin ang pagkain pero dinederetso na agad namin ito sa aming lalamunan.Matapos naming ibalik ang tray sa lagayan ay tinakbo na namin ang daan patungo sa magiging first subject namin.

Mabuti na lang at parehas kami ni Belle ng first subject.Pagkarating namin ni Belle sa room ay marami ng nakaupo pero wala pa ang teacher na magtuturo.Paika-ika kaming naglakad pataas sa last row dahil inaatay kaming dalawa.

Nakahawak kami ngayon sa aming mga tagiliran habang hinihintay ang aming Math teacher.

Nasa tabi ako ng bintana habang si Belle naman ay nasa kanan ko nakaupo.

"Ahm...Pwedeng maki-upo.Nalate kasi ako hmp,may nakakuha tuloy ng pwesto ko."

That voice... I know that voice... I smiled,tears streamed in my face.How i longed for that voice to be heard again.













Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now