Chapter 18

8 1 0
                                    

YE-JUN's POV

Nagkatinginan kami ni Cheng ng makita ang ginawang combo move nila Yuki.Napailing na lang ako sa prustrasyon.Sinong mag-aakala na gagamitin ni Yuki ang ability niya sa ganoong paraan.Ngayon ay hindi na namin alam ni Cheng ang gagawin.Maaari kaming masabihan na nanggaya kung buhawi rin ang gagawin ko,at hindi namin yun gusto.

"Ye-jun anong gagawin natin."mahinang bulong ni Cheng habang nakakapit sa laylayan ng aking uniporme."Alam mo namang hindi ko kayang nakawin ang kapangyarihang hindi ko nakakain,kahit tumugtog ka pa ng ibang istrumento ay walang mangyayari dahil hindi ko nakakain ang tunog."

Tama si Cheng.Kahit tumugtog pa ako ng gitara,snare drum o kahit ano pang instrumento yan ay hindi niya magagamit ang ability niya.Cheng is a power eater.Kakainin niya ang kapangyarihang una mong ibabato sa kanya at ito'y otomatiko niya ng magagamit na parang kanya talaga.Ngunit may mga kahinaan rin siya.Hindi siya nakakakain ng mga waves tulad ng lightwaves at soundwaves.Kung ang mga kapangyarihang ibabato sa kanya ay hindi gawa sa atom at pawang energy lamang ay wala siyang magagawa upang maiwasan ang atake kundi ang umilag rito.

Wala akong maisip na iba dahil sa kaba.Hindi ko hahayaan na bumagsak kami,kailangan kong maka-isip ng iba pang act bukod sa naensayo namin kahapon.Habang nag-iisip ay nakarinig ako ng mga tapik.Pag-lingon ko sa aming gilid ay nakita ko ang isa naming kaklaseng hindi mapakali sa pagkakaupo.Nakaupo ito sa bench habang iniyuyugyog ang hita't tinatapik tapik ito,implikasyon na ito ay kinakabahan.

Habang pinakikinggan ang mabibilis na tapik ng kabadong kaklase ay mabilis naman akong nakaisip ng maaari naming ipalit sa kung ano na ang aming nainsayo.

Tama... hindi pwedeng kainin ni Cheng ang tunog na nililikha ko....pero pwede nyang kainin yung istrumentong gagamitin ko.Mabilis akong lumingon kay Cheng at binigyan siya ng isang ngiti.Ipinaliwanag ko sa kanya ang nais kong mangyari,mamaya sa aming presentasyon.Nakuha niya naman agad ito't napayakap sa'kin dahil sa labis na tuwa.Yep,I'm hella smart.

Dahil matagal tagal ba bago kami sasalang ay dali-dali kaming umalis at lumabas ng mismong loob ng Arena para bumalik sa loob ng waiting room kung saan kami nag-ayos kanina.Mabuti na lang at lagi kong dala ang aking snare at gitara kung sakaling kakailanganin ang mga ito.Madalang ko gamitin ang aking violin dahil hindi ko pa ito halos kontrolado.Nakakatakot itong gamitin sa mga laban tulad nito.Patakbo na kaming lumabas ni Cheng sa waiting room sa oras na nakuha ko ang aking snare drum.

Saktong pagbalik namin sa loob ay kami na ang tinawag upang isagawa ang combination attack na aming nabuo.Kinakabahan man dahil wala kaming ensayo sa aming gagawing pakana,ngunit tila naeexcite ang aking katawan sa kaisipang ito.May thrill ang aming gagawin dahil hindi ko sigurado kung gagana nga ang nasa isip ko.Pero ika nga nila "There is no harm in trying".

"Handa ka na Cheng?" sabay lingon sa kanya.

"Pinanganak ata ako para maging handa." balik niyang usal at itinaas baba pa ang mga kilay na animo'y walang kaba sa katawan.Alam kong kabado siya kahit na ganito ang kanyang ipinakita sa'kin.Saulong-saulo ko na mga galaw niya mula ulo hanggang talampakan,at alam kong kaya lang ito ang kanyang 'tinuran ay para ipakita sa'king may tiwala siya sa kung ano man ang gagawin ko.

Hindi ko na patatagalin pa 'to.Agad kong hinawakan ang drumstick at ito'y ipinukpok sa aking snare upang lumikha ng isang ritmo.Sunod-sunod na mabibilis na pagtapik ang aking ginawa.This is my ability,Intrumentry. Using instruments as my power. For me, music gives life even in small things. Ayon nga sa isang kasabihan "Music is the strongest form of magic."

Patuloy lang ako sa aking pagtambol.Alam kong bawat palo ko'y may epektong nagagawa kay Cheng.Nakita ko kung paano lumiwanag saglit ang kanyang singkit na mga mata.Sa isang iglap ay bumilis ang bawat kilos niya.Agility,kaya kong magpabilis sa pamamagitan ng pagtapik ng tambol,nagagawa ko rin namang pabagalin ang movement ng iba sa pagtambol ko naman ng mabagal.Nang napapansin kong sapat na ang kanyang bilis ay ihinanda ko na ang aking sarili.

"Cheng! salo!" ibinato ko patungo sa kaniyang direksyon ang drumsticks na aking ipinanghahampas sa tambol.

Agad na tumalima ang aking kaibigan matapos kong isigaw ang kanyang ngalan.Nakita kong nagpakawala muna siya ng maraming hangin sa kanyang katawan bago ibinuka ang mamula mula nitong labi.Isang malakas at mahabang higop ang kanyang ginawa.Kitang kita ng aking maliit na balintataw kung papaanong ang mahabang stick na aking ibinato patungo sa kanya ay walang kahirap hirap niya lamang nalunok at nilulon.

Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa maingay na arena,dulot ng mga kantyawan ng mga nanunuod.Napapikit ang lahat, maging ako, nang isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa paligid.

Unti-unti akong nagmulat ng mata nang makabawi sa pagkasilaw nito. Napatitig ako sa lalaking kaharap ko ngayon sa loob ng arena. Itim na vest na pinapartneran ng itim na pantalong maong ang suot nito. Nanlilisik ang kanyang mga singkit na matang napapalibutan ng eyeliner na bumagay naman sa suot nitong itim na hikaw sa kanyang tenga. 

Kaharap ko ngayon si Cheng sa kanyang Rock form. Ibang-iba sa palangiti't isip batang Cheng na tila ba akin nang naging bunsong kapatid sa pagtira namin sa paaralang ito.

"Gawin na natin Ye-jun!!" maangas na sigaw nito sabay labas ng dila habang nakataas ang mga kamay na animo'y sikat na rakista ng isang popular na banda. Tinanguan ko siya bilang senyas ng aming pagsisimula.Gamit ang aking kamay, patuloy lang ako sa pagtambol sa aking snare upang magbigay ng bilis at suporta kay Cheng.

Dahan-dahan siyang naupo na tila ba siya'y kasapi dati ng isang gang sa Japan bago ilapat ang kanyang maputing kamay sa maalikabok na sahig.Malakas agad na hampas sa sahig ang kanyang ginawa.Nadama ko agad ang bibrasyon ng lupa sa lakas ng impact ng kanyang ginawa. Lakas at  bilis ang aking binibigay sa kanya upang magawa ang malakas na pagtambol sa lupa. Unti-unti ko nang nararamdaman ang lindol at pag-iba ng istruktura ng lupang aming tinatapakan. Mabilis na umalsa ang batong sahig na tila naging bundok ng bato sa laki,na halos sumakop sa kalahating parte ng arena. Masyadong malakas ang impact ng aming nagawa. Mabuti na lang at may invisible shield spell na inilagay ang mga professors na siyang naging panangga upang walang mga estudyanteng masasaktan.

Malakas na hiyawan ang nagpabalik sa aking ulirat mula sa pagkamangha mismo sa aming nagawa. Natawa na lang ako nang makita ang kapartner kong si Cheng na nakataas pa rin ang mga kamay sa ere. Ngumisi siya ng mapatingin sa gawi ko at agad akong hinila paalis ng stadium.

"Hindi ba't tunay na kamangha-mangha ang kombinasyon ng mga skills niyo. Ngayon, atin namang tunghayan ang nainsayong combo skills ng susunod na pares."  anunsyo ng nagsasalita. 

Nakasalubong namin ang isa sa mga bago naming kaklase,kasama si Allison. Tulad namin kanina, kitang-kita sa kanilang mga mata ang kabang nadarama. Wala sa ability ko ang mind reading pero nababasa ko base sa ekspresyon ng kanilang mga mukha na sila at kami kanina ay nasa parehas na sitwasyon.Goodluck na lang mga chikababes sa combo skills na naisip niyo.

Bago tuluyang makalabas ng hallway ay naramdaman kong biglang lumakas ang aura niya. "Let's see what you can do Samantha Artiaga," bulong ko bago tuluyang lisanin ang lugar.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now