Chapter 4

19 4 0
                                    

Binigyan niya muna ako ng isang ngiti bago niya ipinaliwanag ang lahat.

Ang daan patungo ng Academy ay ang kweba sa ilalim ng talon.Kailangang itago ang Academy sa Shadow clan dahil sa masama nilang intensyon sa mga sacred lights,dahil dito ay naisip nilang ilagay ang Academy sa lugar na walang makakaalam kung nasan nga ba ito.Sa kabilang dulo ng tunnel na amin nga ngayong binabaybay ay matatagpuan ang Lake Hedlock.Gamit ang kani-kaninay van lamang kung tignan ngunit naiiba ng porma ay tinatahak namin ngayon ang ilalim ng tubig upang makarating na sa nasabing lawa.

Dahil siguro sa nerbyos ay hindi pa rin nagigising ang aking ama.Kami naman ni Mama ay manghang mangha pa rin sa kung paanong ang isang van ay naging submarine.Madilim sa labas ngunit tiyak kong tubig pa rin ito dahil maaninag mo ang mga bulang dumidikit sa bintana ng submarine.

"Malapit na tayo sa labasan"ani Ms. Lily na tila hindi nangangalay ang mapulang labi mula sa pagkakangiti.

Napatingin ako sa harapan at nakita na ngang papalapit na kami sa liwanag.Malapit na kami sa kabilang dulo ng kweba,sa aming destinasyon.Sumibol nanaman ang lungkot at pangamba na aking nararamdaman.Iniisip kung paano mabubuhay ng malayo sa aking mga magulang at kung anu-ano ang kakaharapin ko sa loob ng sinasabi nilang paaralan.

Nakalagpas na kami sa liwanag.Makikita mo sa labas ang iba't ibang isdang lumalangoy palayo sa aming sinasakyan.Asul na asul ang malalim na tubig.Nararamdaman kong umaangat na ang submarine.Hindi ako mapakali't parang sinilihan ang aking katawan dahil sa kabang nadarama.Namalayan ko na lang ay hawak na ako ng kagigising ko lamang na ama na tila'y sinasabing hindi ko kailangan matakot pagkat naroon sila.Binaybay namin ang ibabaw na bahagi ng lawa gamit ang kanina'y submarine na ngayo'y isa ng bangka.

Napatingin ako sa langit.Tanging kapirasong  parte lamang ng kalangitan ang mababanaag.Ang lawa ng Hedlock ay nasa loob mismo ng isang malaking kweba.Halos araw na lamang ang makikita sa malaking butas nito.Para kaming nasa bulkan,may malaking crater sa taas na sapat para masinagan ang loob,ng araw.

Hindi ako makapaniwala sa ganda ng lugar.Kumikinang ang malinis na tubig.Napapalibutan ng mga puno't halaman ang lugar.Sa aking pagmamasid ay hindi ko napansing nakadaong na pala ang aming sinasakyan.Pinindot ni Sir Brook ang remote na siyang kumokontrol sa sasakyan at nagbalik na ito sa pagiging van.

Konkretong daan na ngayon ang aming tinatahak."Kung mapapansin po ninyo ay kalsada na ang ating dinadaanan,papasok na po tayo ngayon sa gate ng city proper".Tumingin ako sa labas at isang malaking gate nga ang siyang nasa daan.Nang nasa tapat na kami nito ay bumukas na ito ng mag-isa.Madidinig ang malakas na tunog ng paglangitngit ng metal na gate na dahan dahang bumubukas.

Pagkapasok na pagkapasok ay bubungad na agad sayo ang tila maliit na bayan.Tama nga sila,nasa loob na ang lahat kaya hindi na namin kailangan mag-alala sa mga gamit kong kakailanganin.Maraming tindahan sa paligid,ngunit parang walang tao't sarado ang mga ito.Lahat ng makikita sa isang bayan ay makikita dito,ang kaibahan lang ay tila walang katao tao sa city proper na dapat ay puno ngayon lalo na't maaga pa naman.Itatanong ko sana kung bakit ganito ang itsura ng pamilihang bayan ngunit di ko na lang itinuloy dahil baka ipaliwanag naman nila sa'kin ito sa orientation.

Sa di kalayuan ay may malaking establisyimentong angat sa lahat ng mga gusali.Mataas na pader ang nakaharang sa paligid nito.Papalapit kami ng papalapit dito.Tumigil kami ng nasa harap na kami ng kanina ko pang tinitignan na imprastraktura.Kung malaki na kanina ito sa malayong tingin ay napakalaki pala nito sa malapitan.Hindi rin biro ang laki ng gate na amin ngayong papasukan.Ang pader na harang ay tila taas ng tore ng kuryente.Walang mapagsidlan ang aking pagkamangha sa aking nakikita.Kung hindi ako nagkakamali ay ito na ang gate papasok ng Academy.Shadow clan ba talaga ang kalaban namin? Eh parang anytime may Titan na sisira sa pader na to eh.

Pumasok na kami sa malaking gate na tama nga akong ang Academy na pagaaralan ko ang nasa loob.Napanganga na lang ako ng bumaba na kami ng sasakyan at makita ang ganda ng paligid.Bubungad sayo ang isang malaking hardin.Makikita ang mga naglalakihang matatayog na puno ng pine trees.Mga bulaklak na iba-iba ang kulay.May maliit na pond sa gilid at sa gitnang parte ng garden ay may isang fountain na kakaiba ang disenyo.Nais ko pa sanang alamin kung ano ang ibig sabihin ng disenyo ng fountain na nakita ko ngunit nagmamadali kami para sa magiging paglipat ko.Hindi ko aakalain na may ganitong uri ng lugar.

Nilalakad na namin ang pasilyo ng skwelahan.Papunta kami sa office ng kanilang headmaster.Maririnig mo na lamang ang malakas na paghakbang ng aming mga paa dahil sa katahimikan.Wala kang maririnig na ibang tunog,kahit na huni man lang ng kuliglig o ibon.

Habang kami'y naglalakad ay iginagala gala ko na ang aking paningin upang maging pamilyar sa itsura ng paligid.Gawa sa matitibay na bricks ang academy.Kay ganda rin ng mga chandelier na nakasabit at nagbibigay liwanag sa aming nilalakaran.Hindi rin naman kalayuan ang opisina kaya't narating din namin ito sa saglit na oras lamang.

Kumatok muna si Sir Brook bago buksan ang pinto.Isang malaking kwarto ang bumungad sa amin.Makintab ang napakaputing sahig nito't mababanaag mo na halos ang iyong sarili sa repleksyon.Sa gilid ay makikita ang isang napakalaking flag.Marahil ay ito ang flag ng school.
Sa gitna ng tela ay makikita ang isang kakaibang batong nagniningning ng kulay luntian.Katulad ng nakita kong disenyo ng fountain kanina ay may tatlong taong nakaikot dito.Isang lalaking may hawak ng malaking espada.Babaeng mahaba ang buhok.At isang lalaking nababalot sa isang cloak.Sa paligid ng tatlong tao ay maliliit na puting liwanag na siyang pumuno sa telang nakasabit.

Napalingon akong bigla sa harap ng gumalaw ang nakatalikod na swivel chair.Isang lalaking tila nasa edad trenta pataas ang siyang nakaupo dito.Kung mamasdan mo siyang mabuti ay definition siya ng isang Sugar Brother.Oh yas! yas! yas! hindi katandaan ang itsura ng fafa mo.Parang nangungusap ang kanyang mga mapungay na mata.Ang kanyang labi ay parang nililok ng isang iskultor na bihasa't nagtapos sa Greece ng Bachelor of Sculpting,Major in Carving.Chos! Iba ang kanyang tindig,bagay na bagay sa kanya ang suot niyang amerikana.Para siyang modelo kung titignan.

"Come take a seat,wag na kayong mahiya." paanyaya nito sa amin.

Agad naman kaming tumalima ng marinig namin ang kanyang sinabi.Naupo kaming tatlo nila Mama sa sofa habang ang dalawang naghatid sa'min dito ay nakatayo lamang ng tuwid sa tabi ng mesa ng headmaster.

Hinihintay lang namin silang magsimulang magsalita't magpaliwanag bago kami magtanong at makisabat.Alam kong hindi magiging madali ang buhay ko dito kumpara sa labas kaya inaasahan kong mahaba habang paliwanagan ang mangyayari.Here i am trembling again.Faking a smile to hide the nervousness i feel inside.Hinawakan ko ang kamay ni Mama't Papa,ngumiti saglit at tumingin sa headmaster para pakinggan ang nais niyang sabihin.

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now