Chapter 14

7 2 0
                                    

Samantha's POV

Sa aming pagkukulitan ni Alisson ay may dalawang estudyanteng kumuha ng aming atensyon.Hindi namin alam kung taga kabilang section ang dalawa o talagang hindi pa lang kami lahat pamilyar sa isa't-isa.Ang dalawang lalaki'y tila naglalaro lamang ng kanilang kapangyarihan pero makikita sa kanilang mukha ang confidence sa ipapakitang magandang combo move na gawa nila bukas.

Ang isang lalaki'y may hawak ng isang flute o recorder kung hindi ako nagkakamali.Nakapalumanay ng tonong kanyang tinutugtog.Bawat ihip niyang ginagawa sa recorder ay unti-unti namang humahampas ang hangin na parang pinapasunod niya ito.Habang nakapikit at  dinarama ang sariling tugtog ay tila nakakagawa na siya ng ipo-ipo sa kanyang harapan.
Habang ang kasamang lalaki nama'y umiindayog sa saliw ng musika.Iniikutan niya ang ipu-ipo habang sumasayaw.Nagulat kami ni Ali ng makitang tumigil ang lalaki sa pagsasayaw at humigop ng unting hangin mula sa ipo-ipo.Napapikit ang lalaki mula sa kanyang pagkakahigop.Pagmulat ng kanyang mata ay puti na lamang ang kulay ng mga ito.Unti-unti siyang umaangat sa lupa na parang binubuhat siya ng hangin.

Habang manghang-mangha kami sa panunuod ay tumunog na ang bell na hudyat ng pagtatapos ng first subject.Nakababa na uli sa lupa ang lalaki kanina at makikita sa dalawang lalaki na masaya na sila sa kung anong na ensayo nila.

"Bye Sam,kita na lang tayo mamayang break."wika ni Ali habang papalayo.Sinimulan ko na ring maglakad,binilisan ko na ang lakad ko para maka-upo sa gusto kong pwesto.Ayokong pagkarating ko doon ay uupo na lang ako sa isang upuan dahil no choice na ako.

Bakit ba kasi ang layo ng second subject ko! Marami pa naman akong kasabay na naglalakad kaya sigurado akong hindi pa ako late,marami pang pwestong pwedeng upuan.

Matapos kong maglakad ng mahigit sampung minuto ay narating ko na ang building ng aking second subject.Sa wakas at marami pa ngang bakanteng upuan.Pumunta ako sa pwestong malapit sa may bintana.Ito ang lugar na gusto ko dahil parang hindi ako minsan makahinga pag ang katabi ko'y purong pader lamang.Hinihingal akong umupo at kinuha ang aking assignment upang icheck kung may kailangan pa ako ditong baguhin.

"Ahm,may nakaupo na ba dito? Can i sit beside you?" ani ng isang malalim na boses.Hindi ko muna siya nasagot dahil tinatapos ko na ang revision ng isinulat kong tula.

"Ohh...o-kay?...mukhang nakakaistorbo ako.Wala namang nakaupo eh.Tatabi na ko ha." ulit na wika ng lalaki sa gilid ko.Marahil ay napuna niyang hindi ako makakasagot kaya siya na ang gumawa ng desisyon para sa sarili niya.

"Yah.Sure,go on.Upo ka lang."sagot ko naman na hindi pa rin lumilingon sa kanyang lugar.

Saktong pag-upo niya ay natapos ko ng irevise ang isinusulat ko kaya sumulyap na ako sa kanyang pwesto upang tignan kung naupo nga ba siya rito.Nanigas ang aking katawan mula sa pagkakaupo ng makita kung sino ang nakapangalumbabang lalaki sa tabi ko.Ikaw nanaman!?Mabilis akong lumingon pabalik sa papel na hawak ko at dito na lang itinuon ang aking mga mata.Ayokong tumingin sa tabi ko.Ang kailangan ko ngayon ay kumalma.Mark is sitting beside me.Hindi pa rin nagbabago ang kanyang mukhang napakahirap ipinta.Mas blanko pa ang kanyang mga titig kaysa sa scratch paper ko tuwing Math.

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba ang lahat ng ito.I mean ang daming bakanteng mga upuan,bakit kailangang sa tabi ko pa siya diba.Parang mababali ang leeg ko dahil sa paninigas nito.Hindi ako makalingon sa kabila,para akong pasyenteng may stiffneck na nangangailangan ng neck brace para hindi makalingon.

Alam kong maraming mga matang nakatingin sa akin ngayon.Mga matang tila nagtatanong sa kung ano ang nangyayari,bakit nagpaalam ang isang Elite na miyembro pa ng Alpha sa isang Tyro na tatabi siya rito.Mga mata ng selos at inis,lalo na ang mga babaeng gusto ng kitilin ang buhay ko.Marahan at maingat lang akong sumulyap kung nasasaan siya.Pero lalo akong nanigas sa kinauupuan ko ngayon ng magtama ang aming mga mata sa isa't-isa.

I can't breathe.Nasa tabi na ako ng bintana pero parang di pa rin ako makahinga.Nasusuffocate ako na di ko maintindihan.Hindi ko alam kung dahil ba sa nalaman kong sinusulyapan niya rin ako kaya hindi ako makahinga ngayon,o dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.Para akong nalulunod sa kanyang mga malalalim na mata,na sa bawat pagtitig mo rito'y palalim ng palalim ang paglubog mo't hindi ka na makakaahon pa.

"Okay class,who wants to start first.You know me,ayaw kong nagtatawag.Kung gusto niyong magpunta na sa harap para irecite ang piece niyo,then you can go." naputol ang aming matagal na titigan ng biglang nagsalita ang aming gurong hindi ko napansing pumasok.

May isang babaeng tumayo at naunang bumigkas ng kanyang piyesa.Maganda ang pagkakagawa niya rito.Bawat detalye ay maiimagine mo sa loob ng iyong ulo.Marami na ang nagsunuran pero nahihiya pa rin ako.Siguro maya-maya.Pagtapos ni ano....
Pero pano kung wala siyang assignment?

Iniisip ko pa lang kung may gawa ba siya ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nagtungo sa harapan.Aba?nababasa niya kaya ang naiisip ko kanina?

Sinimulan niya ang pagbasa ng kanyang takdang aralin.Sa hindi malamang dahilan ay parang nawawala lahat ng tao sa paligid ko.Siya lang ang tanging natitirang taong nakikita ko.Hindi ko namalayang nakatunganga na lang ako sa kanya't hindi na naririnig kung ano ang kanyang mga sinasabi.Ang gwapo kainis! Hmp! Mama parang gusto ko po ng Mark sa birthday ko.Nakikita ko lang na nagsasalita siya dahil sa pagbuka ng kanyang labi pero wala akong naririnig na lumalabas dito.Nasa ganoon akong pagtunganga ng lumingon siya sa lugar ko.

...At ito ang nais kong maging mundo ko.Mundong kasama ka.Karamay ka sa dusa at saya.

Eto na lang ang narinig ko sa kanyang mga sinabi dahil nagising ako sa pagkakatulala sa kanya.Nakatingin siya sa akin ng banggitin ang dulong bahagi ng kanyang piyesa.Ako? bakit sakin siya nakatingin?

Nang luminga linga ako ay napansin kong mas sumama ang tingin sa akin ng mga kababaihan.Puno ng inggit at galit ang naglalagablab sa kanilang mga mata.Ohh,scary...

Para mawala ang ilang mula sa kanilang mga titig ay tumayo na ako sa aking pagkakaupo't naglakad na papunta sa harapan.Hindi mawala wala ang pagsunod ng kanilang mga mata sa akin.Ganon ba ko kaganda?char.

Ang turo sa'min dati ni Sir Rico ay "always be yourself" sa harap.If you are being intimidated by their stares,try using the "what's on your mind"method.Iisipin mo lang na ang mga binabasahan mo o pinagsasalitaan mo sa harap,ay ang mga bagay na tumatakbo o ang iniisip ng utak mo.Halimbawa,gusto kong lahat ng binabasahan ko ay maging tenga,mga tengang handang makinig sa lahat ng sasabihin ko,mga tenga ang iisipin ko.

Huminga ako ng malalim pagtayo ko sa harapan.Pag-angat ko ng tingin sa aking mga kaklase ay nangilabot ako.Kahit saan ako lumingon ay mukha nung lalaking Elite ang natatanaw ko.Paglingon ko sa aming propesor ay mukha pa rin ni Mark ang nakikita ko.Siya ba ang tumatakbo ngayon sa isip ko!? Sinubukan kong ibahin ang iniisip ko't gawin silang mga walis tambo pero wala pa ring nagbabago,lahat ay kaitsura ni Mark!!

"Time is running,hija.Go on,don't be shy." wika ng aming guro dahil medyo natatagalan na ako dito sa harapan.

Gawin ko na lang yung isa ko pang alam na technique.Ang "huwag kang titingin sa mga kaklase mong may mga saltik para hindi ka mahiya't madistract" technique.Mas madali pa 'to.Wala naman sa criteria ang eye contact sa mga kaklase.Huminga ako ng malalim at sinimulan na ang pagbabasa ng aking tula.

"Sa mundo ko"

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now