Chapter 1

55 5 5
                                    

Ihinilig ko ang aking ulo sa bintana ng bus,tinitignan ang daan patungo sa paaralan ko;Magsaysay Emil National High School.Isang kilalang pampublikong paaralan dahil na rin sa mga napanalunan nito sa iba't ibang aspeto;mapa Sports,Academics,Cookingfest at marami pang iba.Salamat sa mga estudyanteng mahuhusay at binigyan ng grabeng talento para makilahok sa mga bagay na ganito.Habang ako heto,tao lang hindi pa sure.

Sabi kasi ni Mama,nung ipinanganak niya ko,ay umilaw raw ang aking pulso ng mga... siguro limang minuto.Pagkatapos daw nun, nawala na lang ito na parang bula at normal naman daw lahat ng test na ginawa sa'kin.Tama! siguradong tao ako.Wala lang talagang spesyal sa'kin.Hindi ako kagandahan,hindi ako matalino,wala akong talento.Kung matatawag na talento ang pagsulat,siguro nga meron ako.Pero walang nakakaalam na hilig ko ang pagsulat,kaya kahit may laban sa mga editorial writing,hindi ako nasasali.Hindi ako nabibigyan ng oportunidad na ipakita ang talento ko.Isa lang akong gumagalaw na patatas,taong patatas kumbaga.

Heto ako't tinatahak mag-isa ang pasilyo papunta sa room ko.Masasanay din siguro akong mag-isa,not now but soon.Third week pa lang kasi ng klase eh nagdecide na ang magulang ni Alisson na ilipat siya ng paaralan.Hindi ko alam kung saan,kasi hindi ko na natanong at masyadong biglaan.Alisson is my bestfriend since grade 4.Kaya ngayong grade 11 na ako,medyo nahihirapan akong mag cope up na wala yung bessy ko.Pumapasok akong mag-isa,pumupunta ng comfort room mag-isa,nagbebreak ng mag-isa at umuuwi ng mag-isa,na dati kong ginagawa kasama siya.

Naupo na ako sa aking upuan ng marating ko ang room at idinukdok ang ulo sa arm rest nito.Narinig kong tumahimik ang room hudyat na nandiyan na ang guro.Isang nakakainip na lecture nanaman para sa araw na ito.Kahit sa pagkain ay naiinip ako.Ang hirap pala ng walang kaibigan,paano kaya kinakaya ng mga loner yun.Gusto ko na ulit makita si Alisson.Bago bumalik ng room ay dumaan muna ako sa CR at inayos ang mukha kong hagardong hagardo na.Umihi na rin ako upang hindi ko na kailangan mag excuse mamaya.Malapit na ring matapos ang lunchbreak kaya bumalik na ako sa room at nilibang na lang ang sarili sa pagkalikot ng cellphone ko.Dumating na ang guro namin ng tumunog ang bell.Medyo hindi ako nainip dahil magaling naman ang pagtuturo ng teacher namin ngayon.Siya ang bagong favorite teacher ng SHS student.Kahit sino naman magiging favorite siya noh,kahit sabihin mong lalaking mas straight pa sa buhok na nakaPalmolive,lahat ng yan babaliko.If i know marami sa mga lalaki sa'min eh ayaw na lang umamin pero gusto na talagang idate si Sir.Ganun katindi ang karisma niya.

He is such a majestic creature,pinagpalang nilalang kumbaga.Siya yung taong alam mong ligayang ligaya si Lord habang nililikha siya.Nag-awitan ang lahat ng anghel sa langit nang siya ay pinanganak.
Sir Rico Madrigal; hot[check],morenong fafable[check],mabango[check],may dimples[check],putok na putok ang malalaman na maskels [ay nako dayyy check na check,chunking chunky].
Huwag lang tayo mag stick sa physical appearance niya.Isa rin siya sa favorite dahil sa galing niya sa pagtuturo,maganda ang sense of humor ni Sir,at higit sa lahat napakabait pa.Oh pak daddy material ang papa mo.Kung pwede lang ang student-teacher relationship? Ay nako napakasalan ko na yang si Sir.

Sa aking pakikinig sa future hubby ko,i mean kay Sir Rico eh hindi ko namalayan na malapit na palang magtime.Tumunog na ang bell na hudyat ng tapos ng klase.

"Okay guys,see you next meeting.Ingat kayo sa pag-uwi.I love you all.Now,class dismiss."sabi ni Sir sabag alis ng kanyang eyeglasses sa mata na naging dahilan ng paglabas ng kanyang muscles.Kung nakakabuntis lang ang muscles,buntis na ko ngayon.

"Class give your appreciation!" sigaw ng aming class President.

"GOODBYE SIR,THANK YOU FOR TEACHING US TODAY!" sabay sabay naming wika.Bago lumabas ng room si Sir ay nagbigay muna siya ng isang matamis na ngiti na makakapagpalambot ng tuhod ng kung sino mang titingin sa kanya ng matagal.

Nagtayuan na kami at naiwan na lamang ang cleaners ng room.Tahimik ko na lang na nilakad ang daan papunta sa paradahan ng mga tricycle na dati rati ay kay-ingay namin ni Alisson habang naglalakad.

--------------------------
"Hi Ma,Hi Pa,nakauwi na ko."paalam ko sa kanila at matamlay na tinutungo ang aking kwarto.

Nagpalit na ko ng damit upang bumaba at magmano sa kanila.Usually pagdating na pagdating ko palang ay humahalik at nagmamano na ako,pero dahil nga sa 'di ko maintindihan ang sarili ko ngayon ay mas pinili ko munang magpalit upang umaliwalas naman ang aking pakiramdam.

"Ma,Pa mano po." sabay halik na rin sa kanilang mga pisngi.

"Oh musta ang anak ko,okay ka ba? musta ka sa school?"tanong ni Papa na naging dahilan ng pagpapakawala ko ng buntong hininga at pagdukdok sa mesa.

"I see.Oh siya para happy ka na,di mo ba naamoy ulam natin?"ani ni Mama kaya napasinghot ako.Napatili ako ng mahina't napangiti ng mahulaan kung ano ang niluluto ni Mama.

"CHICKEEENN CURRYYYY!"matinis kong sambit habang napalakpak.

Natawa na lamang sila Mama't Papa sa reaksyon ko.Pero napasimangot din ako dahil ito rin ang pinakagustong ulam ni Alisson kapag nandito siya bahay.

"Alam ko yang iniisip mo.Sa tingin mo ba gusto ni Alisson na nakasimangot ka.Eh ayaw na ayaw nga nun na malungkot ka.Smile ka na,bumulong sa'kin si Alisson na enjoyin mo daw yung ulam na luto ni Mama."pagpapatawang wika ni Papa kaya ngumiti na ako't hinampas siya sa balikat ng marahan.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang maisip si Alisson kung okay ba siya ngayon.Kung ano na ang ginagawa niya ngayon.I miss her so much.Pero tulad nga ng sabi ni Papa,mas gusto ni Alisson na enjoyin ko ang pagkain tulad ng lagi naming ginagawa pag curry ang ulam.

I smiled as i taste the mild sweetness with a pinch of spiciness aftertaste of our viand.Ito ang paborito naming aftertaste ni Papa at Alisson sa luto ni Mama.Gaganahan ka talaga sa sipa ng unting anghang.Nabusog ako ng sobra sa pagkain.Halos hindi na ko makatayo sa matinding kabusugan.Nakakaantok talaga kapag busog ka no?

Tumayo na ako't inayos ang hapag nang makitang tapos na rin si Mama't Papa.Matapos kong hugasan ang plato ay nagpunta na agad ako sa CR para magsipilyo't maghilamos.Pumunta ako sa kwarto nila Mama para mag goodnight.Matapos nito ay pumasok na ako ng aking kwarto para matulog.Pinatay ko na ang ilaw at binuksan na lang ang lampshade para magsilbing liwanag.Bago ko ipinikit ang aking mata ay tumingin muna ako sa buwan na tanaw na tanaw sa bintana ng aking kwarto.Iniisip na siguradong parehas kami ni Alisson na nakatingin ngayon dito.

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now