Chapter 12

11 4 0
                                    

Mark's POV

"Hell no! N to the O to the No,No,No.Uh uh,hindi mo ko mapapabalik sa lugar na yon darling."maarteng wika ni Natasha habang nilalagay ang mga kolorete niya sa kanyang mukha.

Kung sa iba,ang tingin nila sa make-up ay kahinaan dahil pilit mo lang daw tinatakpan ang mga flaws at insecurities mo,ibahin mo kay Nash.She,I mean...He still looks majestic even without it.Para kasi kay Natasha,walang masama sa paglalagay ng make-up.Ika nga niya ay "Hayaan mong maging confident sila sa paraang gusto nila.Don't judge someone who's just trying to make thereself comfortable." Yan ang lagi niyang isinasagot sa tuwing tinatanong siya kung bakit siya naglalagay ng make-up.

"Oh come on.Hindi niyo man lang ba namimiss kahit unti ang cafeteria." anas ni Hayato habang pinipilit din si Natasha at ang dalawang kambal na kapatid.

Sabay-sabay umiling yung tatlo.Awts gege.Kami na lang siguro ni Hayato.Hindi pwedeng palagpasin ko 'to.I know she's there.That girl,the one that took care of me.Umismid muna ako bago tumingin sa kanila.Tinignan ko si Hayato,alam kong alam niya na kung ano ang tingin na yun.He nodded.

Sumimangot si Hayato ng kahit ang mga kapatid ay hindi niya napapayag na sumama.Hinatak na ako nito't padabog na lumabas sa HQ ng Alpha.Umirap muna siya sa tatlo bago ako binulungan na magpout din daw ako para maawa sila.And i did,ang laki kong uto-uto 'pag si Hayato na ang nag-uutos.Padaskal niyang isinara ang pinto para kunyari ay talagang nagtatampo siya.

Mabagal lang ang ginagawa naming lakad ni Hayato.Wala pa mang ilang saglit ay naririnig na namin ang sigaw ni Natasha.Nagkatinginan kami ni Hayato at sabay ngumisi.Alam naman namin na hindi kami matatanggihan ng mga 'to.Hingal ang tatlo ng marating nila ang aming lugar.Nginitian ko si Natasha,ngiting nang aasar.Tinaasan niya lang ako ng kilay at umirap.

Inakbayan naman ni Hayato ang kanyang mga kapatid.Nauunang naglalakad si Natasha.Napakagalante ng lakad nito.Halatang maarte't sopistikada.Sumasabay sa indayog ng kanyang katawan ang mahabang tuwid na buhok nito.Nakasunod sa kanya si Gem at Minai habang kaming dalawa ni Hayato ang pinakahuling naglalakad.

I try to practice my smile pero hindi ko talaga magawa.I just can't.Parang isang napakalaking hamon sa'kin ng pag ngiti.How can I impress her kung ang alam ko lang ay maging masungit at sumimangot.What if napakalaking turn off sa kanya ng simangutin na mukha.

Naramdaman ko ang akbay sa akin ni Hayato.He smiled as he tap my shoulders.

"Kalma.I think you look cool with that serious face." sabi niya.Knowing that he has a fair and clean heart,naniniwala akong hindi siya nagsisinungaling.Lahat ng estudyante maliban sa Alpha ay ilag sa akin.Maybe because I don't look like I'm approachable at all.Never pa nila ako nakitang ngumiti.Bawat tingin ko sa kanila'y nagiiwas agad sila ng tingin dahil sa binibigay kong malamig at blankong tingin.I always wear this resting poker face,that makes 'em think that I'm callous and ruthless.

Yinakap ako ni Hayato at pumasan sa aking likuran.Argh! Ano sa tingin niya magaan siya?Pilit ko siyang inaalis sa likod ko pero wala,matindi talaga ang pagkakapit niya,seryoso talaga siyang pumasan hanggang sa cafeteria?

"Hayato! Bababa ka diyan o ibabalibag kita." ani ko.Imbis na bumaba ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakayapos sa akin.

Papalapit na kami sa cafeteria kaya dumarami na rin ang mga estudyanteng aming nakakasabay.Marami na ang nakakapuna sa amin.Ang iba'y mukhang gulat dahil dito kami kakain,habang ang karamihan ay tuwang-tuwa at kinikilig sa aming pagdating.

Bumaba na si Hayato sa likuran ko ng marating na namin ang harap ng cafeteria.Nagtinginan muna kaming lima bago binuksan ni Natasha ang pintuan.Hindi pa man kami nakakahakbang papasok ay marami na agad ang nakatingin sa may pintuan.Biglang umingay sa loob dahil sa iritan at sigaw ng mga estudyante.This is why we decided that we will not eat here anymore.Parang napakalaking kasalanan ang pagtapak namin dito.But i had no other choice,I need to see her again.

Hindi kami halos makagalaw dahil ginigitgit kami ng ilang mga estudyante.
"Hayato Senpaii! Punlaan mo na ako.Diligan mo ako Hayato Senpai!"

"Miss Natasha,bibigyan kita ng marangyang buhay basta sa'kin ka habangbuhay."

"Ishii chan isang Yamete kudesai naman diyan."

"Hai!hai,Minai chan at Gem chan! Ara~ara~"

"Miss Natasha paarbor ng make-up!"

Ilan lang yan sa mga sigaw ng mga walang galang na estudyante dito.We can't hurt them kahit gustong gusto na namin wasakin yung mga lalaugan nila.It's against the rules.Hindi pwedeng gumamit ng ability sa loob ng school premises para manakit ng estudyante.Unless we challenge someone and they accept the challenge.

Hinawakan ni Natasha ang mga nakayukom kong kamay.Hinila na lang nila ako para magpatuloy na sa paglalakad.Ishii used her ability on us.Alam niyang mapupuno ako at si Hayato kung patuloy lang naming maririnig ang mga bastos na bunganga ng ilan sa mga estudyante.Wala akong marinig ni isang tunog sa paligid ko.Natatanaw ko na ang lugar na madalas naming upuan noon.Papunta na kami doon ng makita ko siya.I knew it was her.Hindi man malinaw sa akin ang kanyang mukha noon ay tiyak akong siya ang babaeng hinahanap ko.Samantha Bless Artiaga,ang Tyro na nakapagpatibok ng puso ko.

----------------------------
Third Person's POV
Napatigil sa paglalakad ang lalaking Elite ng masilayan na ang babaeng hinahanap.Labis na tuwa ang kanyang nadarama habang tinitignan sa malayo ang babae.Kasama nito ang dalawang kaibigang tumulong sa kanya nung panahong mataas ang kanyang lagnat.

Sa kabilang banda naman ay hindi mapakanali si Sam dahil parang may mga matang nakatingin sa kanya.Nang igala niya ang kanyang mga mata upang hanapin ang pares ng matang nakatingin,ay lumapag ang kanyang mga mata sa Elite na miyembro ng Alpha.Matagal ang naging titigan ng dalawa.Pinipilit ni Mark na maglabas ng isang ngiti ngunit hindi niya talaga ito magawa.Parang silang dalawa lang ang taong naroroon ng oras na iyon,cliche kumbaga pero ito pala talaga ang nararamdaman ng mga pusong tumitibok ng may pagmamahal.Nawala lang sa pagkakatitig si Sam ng hatakin na siya ng mga kaibigan dahil gutom na ang mga ito.Mabilis pa siyang sumulyap-sulyap sa kinaroroonan kanina ng lalaki ngunit hindi niya na ito nakita pa.

Makalipas pa lamang ang ilang saglit ay may tinatanaw sa di kalayuan ang kaibigan ni Sam na si Ali."Ang Alpha nga ba iyon." mahinang usal ng kaibigan ni Sam habang nakatingin sa ikalawang palapag ng cafeteria.

"Saan!?"nagkukumahog na tanong ni Sam habang hinahanap kung saan nakatingin ang kaibigan.Napatingin siya kung saan nakatingin ang kaibigan.Doon niya nga nakita ang Alpha na masayang kumakain sa tila veranda na kainan.

Napatingin siya sa pwesto ni Mark na nakatingin rin pala sa kaniya.Sabay silang nag-iwas ng tingin ng magtama ang kanilang mga mata.Parehas silang hindi mapakali sa kanilang mga inuupuan.Napapakagat labi si Sam sa kanyang labi dahil sa tensyon na namumuo sa kanilang dalawa kahit na magkalayo pa sila.Nagtatakip naman ng mukha si Mark dahil nahihiya siya sa babae,kapag hindi nakatingin si Sam ay siyang lihim niyang pagtingin lagi sa pwesto nito.

"Sino ba talaga ang Alpha?" wala sa sariling natanong ni Sam habang tinutusok tusok ang pagkaing hindi niya naman magalaw-galaw.

"Let us intoduce them to you bessy." wika ng kanyang dalawang kaibigan na sabik na sabik na sa pagpapakilala.

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now