Chapter 9

10 4 0
                                    

Wews naman pala sa layo ng building na itwohhh.Fresh akong lumayas sa first subject tapos hagardo bersosa akong dadating sa second,ewan ko na lang ha.Luminga linga ako upang humanap ng mauupan.Wala na sa likod,lahat okupado na.Sa harapan naman ay nandon na lahat ng matatalino't magagaling sa klase.So saan ako uupo ngayon ha.Iyon! may isa pa sa gilid.Hindi ako natuwa sa nakita ko.Nakadukdok na lalaki ang siyang katabi ko.Not just an ordinary boy,he's wearing a black uniform.Psshh,arrogant Elites.

Bumukas ang pinto at pumasok ang gurong magtuturo.He has this weird positive aura.Para siyang si Ms.Lily na hindi mapuknat ang pagngiti.Kung hindi ko lang kilala kung sino ang lalaking kapatid ni Ms.Lily,tiyak siya na ang inakala ko.He wears a violet suit with a yellow and green patterned necktie.Aren't those too colorful?Actually...yah,makulay siya tignan pero it suits him very well.Siguro kung iba ang nagsuot niyan ay napagtawanan ko na.Pero looking at him wearing that suit,damn,pretty handsome to me though.

Namangha ako ng magsimula na siyang magsalita.Napakatatas niyang magTagalog at magIngles.Ipinaliwanag niya sa amin ang ilang bagay na nagpapaunique sa mundo.Ano ang iniba ng mundo natin sa ibang planeta.Marami rin siyang sinasabi at mga trivia tungkol dito.Aliw din kami sa mga benta niyang jokes.Sa una,I thought that he was a Science teacher.Pero ng ipinaliwanag niya na kung bakit ganoon ang kanyang introduction sa topic ay nakuha ko naman agad ito.

"After i dicussed all of that.I'm pretty sure na napapaisip na kayo on how your world would look like.I mean,iba-iba tayo ng gustong maging itsura ng mundo natin right?So for now,your assignment for me is to write something whether it's an essay,poem,a story,anything you like.Just write what your world would look like kung ikaw ang masusunod sa magiging itsura nito.In this activity,I would like you to think that you are the creator of the world." wika ng aming guro bago lumabas ng silid.

Nakadukdok pa rin yung lalaki sa tabi ko.I know Elite na siya,pero hindi ba't kabastusan naman 'tong ginagawa niya na ito.Nagsimula ng magtayuan ang mga estudyante.Bago lumabas ng silid ay napapatingin sila sa direksyon ko.Ano ba ha! simula ng lumipat ako dito puro na lang sila tingin ah.Hindi naman masama ang tingin nila,yung iba nga eh parang takot at nag-aalala pa.Hindi lang naman siya yung nakaitim sa klase kanina ah,pero bakit parang sa kanya ilag lahat.Wala man lang nagtangkang tumabi sa kanya.

Tumayo na ako para umalis na rin sana nang makitang hindi siya natitinag sa kanyang pagkakadukdok.Hindi ba siya nagugutom? Well kasi ako gutom na.Babayaran ko pa yung nakuha ko kay Belle kaninang breakfast.Nasa ganoon akong pagtitig nang medyo gumalaw siya sa pagkakadukdok.Pustahan tulog yan.Lumapit ako ng unti sa gawi niya at nakitang siya ang Elite na nakabungguan ko kanina.Gwapo ka pala pagtulog eh,tulog ka na lang.Mas lumapit pa ako at nakitang pawis na pawis ang kanyang mukha at nakakunot ang kanyang makapal na kilay.

"Urgh uhm"

Agad kong sinalat ang kanyang noo't leeg ng marinig ang mahina niyang ungol.Ang init niya nga! Inaapoy siya ng lagnat! Kailangan siyang madala sa infirmary.

"Paano kita madadala niyan kung ako lang mag-isa." mahina kong usal ng maisip na sa bigat niya'y lupaypay na ako wala pa man kami sa dapat puntahan.

Naalala ko ang madalas gawin sa'kin ni Mama kapag nilalagnat ako.Kaya lang...wala akong bimpo....

"Pwede na siguro 'to no?" bulong ko sa sarili pagkakuha ng dala-dala kong extra tshirt sa bag.Kinuha ko ang aking tumbler at binuhusan ng paunti-unti ang makapal na tela upang masiguradong walang matatapon dahil sayang.Nang madamang malamig na ang tela ay ipinunas ko na ito sa kanyang mukha't leeg.Inalis ko siya sa kanyang pagkakadukdok at ipinatong ang kanyang uluhan sa aking bag na nasa aking hita.

"Mas madali kitang mapupunasan pag ganito."

Sa tuwing nararamdaman kong umiinit siya ay pinupunasan kong muli ang mga parteng alam kong pinupuntahan ng init.Madalas din kasi akong lagnatin,nasaulo ko na marahil ang pagpupunas ni Mama sa katawan ko.Hindi ko na lang dinamay ang kanyang tiyan at beke meshelet ke pe yeng ebsh nye.

"Hele eng gwepe me pele ne? Kung di ka lang Elite shinota na kita." ani ko habang hinahaplasan ng basang tela ang kanyang maamong mukha.Hindi ko napansin na unti na lang ang tubig sa aking tumbler at last na buhos ko na yun sa tshirt.Pinunasan ko muli ang kanyang mukha,leeg,kamay,maging ang batok ay dinamay ko na rin.Ayaw talagang bumaba ng kanyang temperatura.Hindi maganda kung magpapatuloy lang ang kanyang lagnat.

Ihiniga ko muna siya sa apat na pinagdikit dikit na upuan at iniulo sa aking bag.Lumabas ako para humingi na ng tulong.Kumakalam man ang sikmura dahil sa gutom ay kailangan ko munang makasiguradong nasa ayos muna na kondisyon ang Elite na iyon bago kumain.

Hindi pa man ako masyadong nakakalayo ay may naulinagan na agad akong tinig na papalapit.

"Sam/Sammy!" napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw.Si Ali at Belle!ayos!

Tumakbo ako patungo sa kanila at ganun din naman sila sa akin.Pagkalapit na pagkalapit nila ay sinalat na agad nila ang aking katawan at tila chinecheck ako na animo'y mga doktor.

"Ayos ka lang girl? wala bang masakit sayo?"
"Oo nga bessy,hindi ka ba niya sinaktan?"

Tanong nilang dalawa na nagpagulo sa akin.Ako?sinaktan ni? luh nakikinig lang ako sa teacher eh,sino namang mananakit sa'kin don.

"Wala.Wala namang masakit.Ano ba namang tanong yan."

"We're just worried.Pagkarinig na pagkarinig pa lang namin ng balita ay agad ka na naming hinanap.Then naalala ko na dito ka sa building na 'to nagpunta." sabi ni Ali na alalang-alala sa akin.

"Balita?"

"Yes,the rumor.Kalat na sa buong Academy na ang bagong Tyro student ay nakabunggoan lang naman ang isang Alpha.Sino bang bagong Tyro dito eh ikaw palang naman.Nang narinig namin na Alpha ang nakabanggaan mo eh tumakbo na kami agad mapuntahan ka lang." sagot naman ni Belle.

"Ano yung Alpha? Elite yung nakabanggaan ko kanina."

"Nah,mahabang kwentuhan pa yun.As long as you're fine,okie na yon.Tara na,gutom na ako." ani Belle sabay hatak sa braso ko at kamay ni Ali.

Nagpabigat ako para mahinto kami sa paglalakad.Bawal ko siyang iwan nang ganun-ganon lang.Besides,nasa kanya yung bag ko.

"Teka,teka,teka lang.Kaya ako nagtatakbo kanina ay para humingi ng tulong.Now that you're already here,tulungan niyo na ko.Dalhin natin sa infirmary yung nilalagnat na Elite na naiwan sa room.Ang taas taas ng lagnat niya.Kaya ako natagalan sa pag-alis dito ay sinubukan ko munang pahupain yung init niya.Pero naubusan na ako ng tubig na panghilamos sa kanya.Kailangan niya na agad madala."

"Elite?! Di ba ang sabi ko sayo eh lumayo ka sa kanila.You don't know what they are capable of.Hindi basta-basta ang lakas nila.Wala silang pakialam sa mga tulad nating Tyros dahil tingin nila sa atin ay mahihina lang.Basura lang tayo sa mga tulad nilang malalakas" madiin na wika ni Belle.

"I know.Pero hindi rin basta-basta ang lagnat niya.Tao rin siya Belle.All I know is that I need to take care of him.Hindi ko intensyon na lapitan siya.Wala akong intensyon na makipagkilala o makipaglapit sa kanya.Ang kailangan ko lang ay masiguradong ayos yung lagay niya.Ako yung huling tao sa room.Ako yung huling nakakita sa kanya.Nalaman ko pa na may sakit siya.I will feel guilty kapag may nangyaring masama sa kanya dahil hindi ko siya tinulungan."

I know.Narinig ko mismo sa kanya kung paano lang nila tignan ang Tyro na katulad ko.Kung paano niya ko sabihin ng walang kwenta.Andun ako.Masakit,pero magiging worth it ba kapag pinabayaan ko lang siya dahil sa nasaktan ako.Magiging worth it ba yon.

"Tutulungan niyo ba ko o hindi?"wika ko habang matamang nakatingin sa kanila.

Nakita kong nagtinginan muna sila bago ibinalik ang mata sa akin.

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now