Chapter 13

14 4 1
                                    

Samantha's POV

Nakangisi ang dalawa kong kaibigan na tila hayok na hayok na sa pagkukweto.Nagniningning ang kanilang mga mata at makikitang nanginginig nginig pa ang mga nagpupulahang labi dahil sa kasabikan.

"Sabi nga namin sayo dati.That Alpha is the best,the best among the rest.Char.Ang Alpha ang siyang unang pinakamalakas na grupong nabuo.Sila ang mga pinagsama-samang pinakamalalakas na estudyante ng Selten.Sumunod na nabuo ang grupong Elements na lagi lamang pumapangalawa sa Alpha.Hindi ito matanggap ng Elements kaya kalaban ang tingin nila sa mga ito."wika ni Ali na medyo pikit ang dalawang mata.May tama ata sa utak 'tong tao na 'to.

"Equal lang ang tingin ng Alpha sa isa't-isa kaya wala silang leader.Pero unahin ko ng ipakilala ang bad boy ng grupo.Tinawag siyang bad boy dahil sa kanyang bad boy looks.Wala pang nakakita na ngumiti siya kahit isang beses.Mysterious right? The guy I'm talking about is no other than,Mark Payumo.He is the artist in the group." ani Belle habang nakatingin sa lugar ni Mark.

"Artistry is his ability.He can turn his Arts into reality in just one command.Simpleng sketch?voila! kaya niyang buhayin.Mabilis ang kanyang mga kamay pagdating sa pag guhit.He is like a drawing machine or should i say,a printing machine.Don't mess with him kung ayaw mong idrawing ka niya na nakahimlay na sa kabaong mo." dagdag pa ni Belle na nagbigay kilabot sa buong katawan ko.

"That guy over there na katabi ni Mark? His name is Hayato Yokoyama.Maraming nagsasabi na he is a clingy type of guy.He always has this charismatic face that can attract you even you're a straight dude.At ang mga katabi niyang babae ay ang kanyang mga kapatid.They are called as "three curses".Tinawag silang ganon dahil hindi sila normal...

"What do you mean hindi normal,eh lahat naman ng nag-aaral dito eh hindi normal."ani ko pero mabilis lang sinupalpal ni Ali ang labi ko gamit ang kanyang hintuturo.

"Shhh patapusin mo muna ako.Unlike us,may kulang sa kanila.Naririnig ko minsan sa mga Seniors na may tawag sila sa mga ito."Hayato the blind","Gem Ishii the deaf" and "Minai the mute".Lahat sila ay pinanganak na may kapansanan.Pero hindi ito hadlang sa kanila.Kung iniisip mong sagabal ang mga ito sa kanilang pagiging malakas ay doon ka nagkakamali." wikang muli ni Alisson sabay lingon sa akin.

"Hayato has very sensitive senses.He can sense everything na sakop ng limang kilometro.Ultimong pagtulo daw ng pawis mo ay alam niya.Sikat ang kanyang victory speech na "I am not blind.I hear every heartbeat." Kung patalasan lang ng pakiramdam ay huwag na huwag mong hahamunin si Hayato." dagdag ni Belle.I'm getting more and more interested as the plot thickens.

"Si Gem Ishii ang gitna sa triplets at Minai na panganay ay pinaniniwalaang konektado sa isa't isa.Gem's deafness and Minai's muteness  are connected.Hindi nakakarinig si Gem pero nakakapagsalita siya.Hindi nakakapagsalita si Minai pero nakakarinig siya.Kung ano ang naririnig ni Minai ay siya namang isinasalita ni Gem.Gets? Pumapasok sa tenga ni Minai,lumalabas sa bibig ni Gem.Cool right!?
The three curses are said to be a symbol.Kung titignan mong mabuti ang kulay ng buhok nilang tatlo ay makikita mo ang resemblance nito sa YinYang symbol.
Minai has a hair,black as ebony that resembles the dark part of the symbol which is the Yin.While Gem Ishii has a hair,white as a snow that resembles the light part of the symbol which is the Yang.Then if you look at their brother,you can see that half of his hair is black while the other half is white.It is the two circles inside the black and white swirl.There is a good in the bad and also a bad in the good.He has a fair heart because he is balanced." mahabang turan ni Belle.At habang pinagmamasdan ko nga ang tatlong kambal ay tama nga ang sinabi ni Belle.

May isa pa silang miyembro na hindi nababanggit.Pero natatandaan ko siya.Her name is Natasha.Tinuro ni Belle si Alisson para iparating na siya naman ang magpakilala sa huling miyembro ng Alpha.

"Ang hindi pa nababanggit ay si Natasha,Natasha Jiratatprasot.Pero wag kang magpapalinlang.Ang kilala mong Natasha ay hindi isang Natasha kundi isang Nathan.Mukha lang siyang babae pero lalaki talaga siya.Magkaiba ang kanyang lakas depende kung siya ay naka He form o She form.Sa ngayon kung titignan mo ay mukha lang silang tulad natin na mahihina.Pero kapag pinakita na nila ang kaya nilang gawin ay dapat makikita mo kung bakit sila ang naging pinakaunang grupong nabuo." wika ni Alisson bago ay isinubo ang kanyang huling subo.

I was still in a total shock dahil sa mga nalaman ko.I never wonder na ganon pala kalakas ang Alpha.Nang lumingon ako sa lugar nila ay wala ng taong natira doon.Sinubukan ko pa siyang lingunin sa bawat parte ng cafeteria ngunit mukhang nakaalis na talaga sila.Inubos ko na ang pagkain ko at niyaya na ang dalawa para pumasok sa aming first subject.

______________________

"So pa'no,punta na ko sa pertner ke neh."wika ni Belle dahil tinawag na siya ng lalaking makakapareha.

Tumango kami ni Ali bilang pagsang ayon namin sa kanyang pag-alis.Nang makalayo na si Belle at Eric ay tiningnan naman ako ni Alisson na parang nagtatanong kung alam ko na ang ability ko.Argh,wala akong ideya.Hindi ko alam saan magsisimula para malaman ko.Binigyan ko siya ng isang iling na nakapagpabuntong sa kanya.

"Halika,hindi ko pa napapakita ability ko sayo diba."hinatak niya ako papunta sa isang malawak na damuhan.Marahan muna siyang gumalaw bago pinatigas ang kanyang binti na tila sinusuportahan ang bigat ng buong katawan.Pumikit muna siya saglit bago ko maramdaman ang mahinang pag galaw ng lupa.Nagulat ako ng may lumalaking halaman na parang si Ali ang kumokontrol.May mga baging na nagsisihabaan ang gumagalaw patungo sa direksyon ko.

"AHHHHH!! ALISSON IBABA MO KO DITO!!"ani ko ng mabilis akong hinablot ng isang baging at itinaas ako mula sa lupa.

"Hahahaha,paniki ka girl?" natatawang wika ni Belle habang nakabitin ako ng patiwarik sa hangin.Pilit kong inaalis ang pagkakapulupot nito pero lalo lang itong sumisikip kaya tinignan ko na si Alisson ng masama.

"Ok,ok,eto na ibaba ka na po."wika ni Ali.Nararamdaman kong dahan-dahang bumababa ang baging.Iginalaw muli ni Ali ang kanyang pakuyom na,na mga kamay.Mabagal ba bumitaw ang baging sa aking paa at bumalik sa lupa ang halaman.

Inabot ni Ali ang kanyang kamay para tulungan akong makatayo.Masasabunutan ko 'tong babaeng to eh.Bago ako tuluyang tumayo ay malakas ko siyang hinatak para siya naman ang mapasalampak sa lupa.Pero maagap siya't naglabas ng baging sa kanyang paanan para hawakan siya ng mga ito't hindi tuluyang matumba.Sabay kaming ngumisi kaya natawa na lang sa aming inasta.

Napatingin ako sa paligid.Lahat ay inaaral na ang combo na gagawin nila para bukas.Habang ako heto,hindi ko alam kung bukas ay may maipapakita kami ni Ali dahil wala akong ideya kung ano ang kaya kong gawin.Sumimangot ako't ibinagsak ang katawan sa damuhan.Kailangan ko ng malaman kung ano ang ability ko.Ayokong madamay si Alisson na mawawalan ng puntos dahil lang sa akin.

Tumayo din ako't ginaya ang tindig na ginawa kanina  ni Ali.Ibinuka ko ang aking binti at pinatigas ang mga ito.Medyo ikinuyom ko din ang aking mga kamay,nagbabakasakaling may mapapalabas din akong kung ano man sa lupa.Gumawa pa ako ng iba-ibang stance ngunit wala,wala talaga.

"Hayaan mo na muna,relax,malalaman mo din kung ano yung sayo."yinakap ako ni Alisson at hinimas himas ang aking likod.

Gusto kong umiyak dahil sa disappointment,nadidisappoint ako sa sarili ko.Mukhang ganun na nga,hindi kami makakakuha bukas ng puntos.

"Sorry Ali,next time babawi tayo."

Ngumiti siya't yinapos muli ako.Sabay kaming tumawa bago ko maramdaman na tinulak niya ako pahiga.Imbis na nagpapakagod sa pagpapractice ay heto kami't gumugulong gulong sa damuhan hindi alintana kung anong mangyayari kinabukasan.

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now