Chapter 6

11 4 0
                                    

Unting awang pa lang ang nagawa kong bukas sa pintuan ay malamig na hangin na agad ng aircon ang siyang sumalubong sa akin.Tuluyan ko na ngang binuksan ang pintuan.Napamaang na lang ako sa ganda ng kwarto.Hindi ito masikip,hindi gaya ng naiisip kong itsura niya.Napakalinis at maganda ang interior design nito.Maayos lahat ng gamit.Ang tiles din ng CR ay napakakintab,maging ang lababo't bowl ay hindi masakit sa mata.

"Nagustuhan mo ba ang magiging kwarto mo?"

Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Ms.Lily.I almost forgot about her.Masyado akong natuwa sa itsura ng tutulugan ko.

"Opo!sobra po." natutuwa kong sagot.Sinuklian ko rin ng ngiti ang kanyang matatamis na ngiti.

"Do you want me to accompany you habang wala pa ang roommate mo? Or you can manage? Willing naman akong samahan ka habang nagpapahinga dito.Medyo matagal pa kasing matatapos ang klase."

Mamaya pa ba ang labasan.Sad.Nakakahiya naman kung sasamahan ako dito ni Ms.Lily pero di ko naman siya makakausap kasi matutulog lang ako.

"Okay lang po ako Ms.Lily,kaya ko naman na po.Papahinga na lang po ako.Medyo nakakastress din yung naging byahe na yun.Nakakahaggard po yung pajump jump natin sa waterfalls ha.Nawindang po ang aking Nervous System eh hano."

Natawa na lamang si Ms.Lily sa aking tinuran at nagpaalam na aalis na siya.Pagka alis na pagka alis ni Ms.Lily ay inilabas ko na ang lahat ng gamit at iniayos ito.

Inilagay ko sa aming cabinet ang aking mga damit.Sa tabi ng aking magiging kama ay may drawer,doon ko inilagay ang aking diary.Inilabas ko ang siyang aking lakas at pinaka kailangan ko upang makasurvive dito sa lugar na to.

Tinignan kong isa-isa ang aming mga larawan.Masaya kami sa bawat litrato.Masayang nakain,naglalaro,nagvivideoke.May mga litrato din noong bata pa ako na tuwang tuwa akong pinapaliguan ni Mama.Merong nakapasan ako kay Papa sa isang swimming pool at meron pang ang cute namin sa nakawacky kaming tatlo habang nakain sa Jollibee.Ang saya ng pamilya ko.Miss ko na sila.

Nakatingin lamang ako sa kisame't iniisip kung totoo nga bang nonpareil ako.Tss,ba't ako pa kasi diba.Edi sana hindi ko kailangang malayo sa mga magulang ko.Tinignan ko ang aking pulso't pinisil pisil ito't pilit na pinapailaw.Baka mali lang lahat,pano pag di pala talaga ako nonpareil gaya ng iniisip nila.Hindi ko namalayan na sa aking pag-iisip ay dinalaw na ako ng antok.

---------------

Nagising ako ng makaramdam ng sakit ng pantog.Nubayern ba't ba kase ang lamig ng aircon,nakakaihi naman 'to sa lamig girl.Tumingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas singko na pala.Marahil ay pauwi na rin ang aking kasama sa kwarto.

Tumayo na ko't nagtungo sa banyo upang ilabas ang magiging dahilan ng pagputok ng pantog ko.Oohhh waterfalls.Chos.Matapos kong umihi't maglinis ay dumiretso na ako sa lababo para maghilamos.Syempre naman,gusto ko namang disente akong aabutan ng kasama ko.Nagsuklay na rin ako at nagpalit ng bagong damit.

Wala pa 'mang ilang saglit ay narinig ko nang pumasok ang roommate ko.Dali dali akong pumunta sa kama at umupo ng para ba akong isang binibinibg napakayumi.Pinagdikit ko ang aking mga hita at humawak dito.

Isang babaeng maputi ang pumasok sa pinto.She has this ice blue pair of eyes na parang dagat,na kapag tumitig ka dito ay malulunod ka't di na makakaahon muli.May matangos na ilong at medyo blonde na buhok.Dagdag pa rito ang kanyang maputing balat at pekas sa mukha.Hindi siya mukhang Pilipino kung tititigan.She has a face resemblance to Emma Watson.

"OMG! Dumating na roomiieeee kooo like omy gosh.After all those dark times na ako lang mag-isa dito.I mean look at you.Aweee."  aniya at mabilis na lumapit sa harapan ko.

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now