Chapter 16

10 2 0
                                    

Samantha's POV

Masaya kong ibinalita ang nangyari kay Ali at Belle.Kita sa kanilang mukha ang tuwa at pagkaproud sa pagkakaroon ko ng ability.Ngayon ay nasa training ground kami upang mag-ensayo.Nang malaman nila ang aking ability ay hindi na nila inalintana ang gutom at ako'y inaya na agad mag practice.

"Try to remember what you've done earlier." wika ni Belle dahil hindi ko alam kung saan kami magsisimula.Ang alam ko lang nagsalita lang ako ng nagsalita sa harap then poof! lumabas na lahat ng nasa tula out of knowhere.Umupo muna ako saglit sa sahig at inisip ang mga posibilidad ng paglabas ng ability ko.

Nagsulat ako ng aking nais palabasin.Gusto ko sanang makakita ng unicorn.Oo,sobrang pangbata ng unicorn pero sino ba namang hindi gusto makakita ng totoong unicorn.

Isinulat ko ito at binasa ng tahimik gamit lamang ang mata ko.

"Have you already figured it out?" usal ulit ni Belle pero ngayon ay nakasalampak na rin siya sa sahig at nakahawak sa kanyang tiyan.Kahit ilang beses ko na itong tinignan upang basahin ay walang sign ng unicorn sa paligid.

"May isang unicorn ang lumilipad pababa sa aming direksyon." malakas kong usal.Sa oras na ito ay binasa ko na ang aking isinulat gamit ang aking bibig.

I sighed out of frustration.Wala,walang sign ng unicorn.Lilingon dapat ako kay Alisson upang magsabi sana ng paumanhin.Pagharap ko sa kanya'y mulat na mulat ang kanyang mga mata.Hindi lang siya,silang dalawa ni Belle ay parehas nakatingin sa itaas,nanlalaki ang mga mata't  nakanganga sa pagkagulat.

Dahil sa pagkaintriga sa kanilang mga mukha ay tumingin din ako sa lugar kung saan nakatitig ang kanilang mga mata.Doon ko nakita ang isang tila kabayong ibon na lumilipad patungo sa aming direksyon.Napakaputi ng katawan nito,maging ang kanyang malaking pakpak ay ganito rin.Diretso't bagsak ang itim nitong buhok.Ang itim niyang tusok na sungay ay umiilaw ng isang madilim na bughaw,habang ang kanyang mga mata'y tila nag-aalab din ng isang bughaw na kulay.

Napatulala na lang kaming tatlo habang tinitignan ang kamangha-manghang nilalang na nag aambang lumapag sa lupa mula sa himpapawid.

Paglapag nito'y ibinida na niya agad ang kanyang mahabang buhok.Ayy taray,nagRejoice ka ba ghourl? Iwinasiwasiwas niya talaga ang kanyang buhok ng ilang ulit na tila naghahamon ng sabunutan.Oo na sis, ikaw na may magandang buhok,kainis tss... Tumigil siya sa kanyang pagpapabebe at marahang lumapit sa lugar ko.Ihinilig niya saglit ang kanyang ulo sa aking balikat.Malumanay niyang kinikiskis sa aking balikat ang kanyang ulo.Nangiti ako sa ginawa nito,sa kabila ng kanyang kaartehan ay may lambing rin pala itong taglay.Hinimas ko ang ulo nito hanggang ilalim ng kanyang leeg.Sinuklay ko rin ang mahabang buhok nito na nagbigay tuwa sa kanya.

Bigla niyang ibinuka ang malalapad na pakpak.Noong una'y akala ko'y ang mga ito naman ang kanyang ibinibida,ngunit bigla nitong nilingon ang kanyang likuran.Nakuha ko naman ang sinabi nito kaya agad akong umakyat sa kanyang likuran.Napakalinis at napakakinis ng kanyang katawan.Lumingon muna uli ito upang tignan ang aking lagay.Tumingin muna ako kila Ali at Belle upang magpaalam sa kanila.Tumango sila't ngumiti bilang pag Oo sa balak ng unicorn na ilipad ako.

Hinimas ko na ang likuran nito't pumadyak ng marahan pahiwatig na maari na siyang magsimulang lumipad.Bumuka ang kanyang mga pakpak at pumagaspas ng malakas.Napapikit ako saglit dahil sa alikabok na nadala ng kanyang pagpagaspas.Pagmulat ko'y nasa ere na kami't binabaybay ang kalangitan.Mas dama ko ang init ng araw mula rito.Malakas rin ang hampas ng hangin na maaring maging dulot ng aking pagkalaglag.

"Pweden-g bagalan m-mo lan-g ng kont-ti? Hindi ako makahin-nga,nalulunod a-ako." hirap kong wika sabay himas at yakap sa leeg nito.Nakakatuwang bumagal nga ito na parang naintindihan ang aking sinasabi.Dahil sa pagkakayap sa leeg nito ay napatingin ako sa baba.ANG TAASSSS!! MAMAAA BABABA NA AKO.

Marahil ay naramdaman nito ang aking kaba't pagkabalisa kaya nagbalak na itong ibaba ako.Ipinikit ko ang aking mga mata habang mabilis siyang lumilipad pababa.Naluluha ako hindi lang dahil sa kaba kundi pati na rin sa napakalakas na hampas ng hangin na sumasampal sa aking mukha.Mas gugustuhin ko pa atang sampalin ni Vilma Santos kaysa sa nararamdaman ko ngayon.Yoko na,ayoko na ng unicorn.

Nagmulat na lang ako ng aking mata ng maramdaman na lumalakad na siya sa lupa.Nanginginig ang mga tuhod kong bumaba sa likuran nito.Balakajan,di na ko uli sasakay sa'yo! Mabilis na tinakbo ako ng dalawa ng makitang hindi ako halos makalakad.Tawa sila ng tawa habang inaalalayan ako.Kung hindi lang ako nanlalata,nabatukan ko kayong dalawa.Tuwang tuwa sila sa lagay ko ngayon.Sabog ang aking buhok,lumalabas ang aking uhog at namumutla.Lukot-lukot rin ang sleeve na suot-suot ko.

Kinuha ko ang aking kwaderno sa sahig at binuksan ito."Vuelve a donde perteneces" mahina kong bulong.Muli,ay umilaw ang aking kwaderno.Lumakas ang ihip ng hangin.Tumatakbo patungo sa lugar ko ang unicorn na unti-unting nagiging usok,sumama ito sa hanging pumapasok sa loob ng kwaderno ko.Isinarado ko ang aking notebook at umupo na muna saglit.Napayuko ako dahil sa pagod.Pag-angat ko ng tingin ay nasa harap ko na si Ali at Belle na parehas nakangiti.I did it! Again ahhhh!

Yinakap ako ng dalawa bilang pagbati sa aking katagumpayan.May ability na ako;kaya ko na itong kontrolin.Tanging kailangan na lang ay mag-ensayo kaming dalawa ni Ali na gumawa ng isang combo move.Humiwalay na silang dalawa mula sa pagkakayakap nang biglang sabay-sabay nagkuluan ang aming mga sikmura.

"Di pa tayo nakakakain."    

"Sorry"

"Tara kain" 

Sabay-sabay din naming wika."Tara may 10 minutes pa tayo" aya ni Belle.Hinawakan ni Belle ang kamay namin ni Ali sabay hatak sa amin at nagtatakbo ng mabilis.Dali-dali kaming nagtungo sa cafeteria at umorder ng mabilis para hindi maiwan para sa susunod na subject.



=======================

Author's note:

Sorry sa super tagal na update tapos ganto lang kacringe na chapter ang mababasa niyo.Dahil siguro sa kasisimula ko pa lang sa pagsusulat ay nahihirapan pa akong isulat kung ano talaga pinipicture out ng utak ko.Sorry agad HAHAHAHAHAHAHA,try kong gandahan yung Chapter 17,"TRY" ko lang.

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now