Chapter 3

22 6 1
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari.Parang walang totoo sa mga sinasabi nila.Tulog pa rin ba ako? Panaginip pa rin ba to? Kasi kung panaginip to,gusto ko nang magising.

Nakatulala pa rin ako sa kanila habang ipanapaliwanag kung ano ba talaga ako at kung anong kapahamakan ang naghahantay sa'kin kung 'di nila ko makukuha.Ano ba ako? Isa lang naman daw ako sa mga nonpareils na tinatawag,mga taong may hindi ordinaryong kakayahan na nagagawa ng mga normal na tao lang.Sa madaling salita,kami daw ang uri ng mga tao na mas mataas ang antas sa mga kauri namin.Ha-ha,patawa sila.Akala ba nila maniniwala ako sa mga kasinungalingan nila.If i know eh mga kulto lang yan na nangunguha ng bata.Uso yun,sa ibang bansa daw maraming ganong scenarios.Hindi ako nonpareil.Walang gustong manakit sa'kin na shadow chemelenboomboom,walang ganun Mars.At lalong hindi totoo na may school para sa mga katulad ko.Marami na raw nonpareils na tulad ko ang nasa loob ng academy na iyon.

Patawa sila,ano ako X-men,powerpuff girls,Ben 10 ba ako ha?Gifted? Gifted student ako? May pa-potential ako ganon? Orange ba ako? Am i a threat? O baka green lang ako?Blue?Am i a red or a gold?Kasi yung sabihin nilang may kapangyarihan ako,gosh stop talking nonsense.

"I see" sagot ni Papa out of nowhere.

"If that's the case,then,sige.I will let you take my daughter"

"What? pero Papa! Hahayaan niyo sil...

"But, sa isang kondisyon.Isasama niyo kami para makita ang Academy na sinasabi niyo.Gusto naming ihatid at magpaalam ng maayos sa anak ko.Sisiguraduhin muna namin na nasa maayos na kamay siya." dagdag ni Papa that brought me to tears.Papa kamo ba't ka ganyan!kaya love- love ko kayo ni Mama eh.

Nagtinginan muna ang dalawa na nagpakilala sa'min as teachers ng school na pupuntahan ko,bago sila magtanguan.

"Sige Sir,kasya naman po kayong tatlo't malaki naman ang school van."mahinahon na sagot ni Ms. Lily habang nakangiti.

"You don't need to pack so many things iha.Kasi lahat ng kailangan mo eh nasa Academy na.Dalin mo na lang yung mga bagay na sa tingin mo eh kakailanganin mo.We can't tell kailan kayo magiging ligtas para lumabas sa Academy." wika ni Sir Brook sabay tayo sa kaniyang pagkakaupo.

"We will be waiting inside the van.Kaya niyo naman sigurong mag-impake ng di tatagal sa kinse minutos." dagdag pa niya bago sila lumabas ni Ms. Lily.

"Ma,Pa.Sigurado na po ba kayo? Hahayaan niyo kong doon mag-aral? I mean,paano kayo?paano ako? Hindi ako sanay na wala kayo sa tabi ko." sunod-sunod kong sambit habang nakayakap sa magulang ko't nakasubsob sa kanilang mga dibdib.

Binigyan nila ko ng matamis na ngiti at inalalayan patungo sa kwarto ko.

"Kung saan ka magiging ligtas,papayag at papayag kami kahit ang kapalit pa no'n ay pagkakalayo natin."sabi ni Papa sabay halik sa aking ulo.

Inayos na ni Mama ang maleta na dadalin ko.Nilagay niya ang paborito kong mga damit,diary ko at mga litrato naming tatlo na nakalagay sa isang maliit na album.Nakita ko pang pumatak ang luha ng aking ina sa maleta nang masarana niya ito.Agad niyang pinahid ang luhang nagbabadya pang tumulo upang hindi ko na makita't mag-alala pa.Humarap siya sa amin ni Papa at ngumiti.

"Oh eto na m-mga gam-mit ng anak ko.Big g-girl ka na.Ingat ka don h-ha." sabi ni Mama na maririnig ang pagpipigil ng pag-iyak.

Ngumiti na lang ako para pigilin din ang luhang gusto ng mag-unahan sa pagbagsak.Ang hirap,hindi pa kasi ako handa.Tumakbo ako sa kinaroroonan ni Mama.Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap at nagwika na 'wag siyang mag-alala masyado't magiging ayos lang ang lagay ko.
Kinuha ko ang kanyang kamay at inalalayan siyang tumayo.Inabot ko ang maleta sa lapag.

"Ma,huwag muna kayo sa'kin magpaalam ni Papa.Sabi niyo ihahat-tid niyo k-ko don.Ka-kayo kamo pinapai-iyak niyo k-koo." Ani ko habang natawa pero pinapahid naman ang nagbabagsakang luha sa aking pisngi.

Sabay rin silang tumawa pero rinig mo ang tawa ng lungkot sa'ming tatlo.Akala ko dati tears of joy lang ang nag-eexist,di ko alam may laughter of sadness pala.Hindi ito ang tawa na gusto kong kumakawala sa bibig namin tuwing magkakasama kami.Kinuha ni Papa sa kamay ko ang maleta.Hinatak ko na sila Mama at Papa palabas ng kwarto.Hindi ako sumabay ng lakad sa kanila kahit hatak-hatak ko ang kanilang mga kamay.Ayokong makita nila ang kanilang anak na umiiyak,ayokong mag-mukhang mahina ngayong panahon na ito.Aalis ako sa puder ng magulang ko,kailangan makita nilang matatag ako.

Kinalas ni Mama ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay at nagtungo sa kusina.Paglabas niya ay dala niya na ang mga paborito kong snacks.Ngumiti siya sa'kin at hinawakan uli ang aking kamay.
"Tara na?" tanong niya.Tumango ako't hinayaang buksan ni Mama ang pintuan.

Sa labas ng bahay ay nag-aantay nga ang isang van na kulay puti.Iba ang pagkakadisenyo nito kumpara sa mga van na uso ngayon.Kung hindi ko lang alam ang taon ngayon ay aakalain kong 2040 na dahil sa pagkamangha sa van na nasa harap namin ngayon.Pumasok kami nila Mama sa loob.Pagkaupong pagkaupo pa lang namin ay nagulat na kami sa biglaang pagsara mag-isa ng pintuan.Halos atakihin naman si Papa sa puso ng mag-isang kumabit ang mga seatbelts sa balikat at bewang namin.Remotely controlled pala ang sasakyan.

"Ayos a-ahh"ani Papa habang nanlalaki ang mga mata.Natawa na lang ako ng palihim sa kanyang naging reaksyon.Nagulat din naman kami ni Mama,pero yung itsura ngayon ni Papa?it's priceless,ibang klase,daig pa ang nakakita ng sumasayaw na tigre.

"Handa na po ba kayo?medyo malayo layo po ang byahe kaya matulog po kayo kung gusto niyo matulog,naihihiga naman po iyang mga upuan.Ang seatbelt po ay para sa maayos na byahe,medyo iba po kasi ang tatahakin nating daan" mabilis na wika ni Sir Brook na hindi man lumingon sa amin.

Nagsimula ng magmaneho si Sir Brook.Mabagal lamang ang takbo nung una,dahil sa banayad na andar ay nakatulog  agad sila Mama.Hindi lang kasi basta-basta naihihiga ang mga upuan,meron din itong pindutan kung saan magkakaroon ito ng parang massage chair tulad ng mga nasa mall.Oh san ka deyan? Bakit ka pa magmamall at maghuhulog ng sampung piso kung libre naman na dito.

Dumungaw ako sa bintana at napansing wala na kami sa isang highway o sa daan na mga sasakyan ang makikita sa labas.Nasa loob kami ng kakayuhan.Nagtataasan ang mga punongkahoy.Natatakpan ng mga dahon ang pumapasok na liwanag galing sa araw.Mga huni ng iba't ibang hayop ang maririnig habang binabaybay ang malilom na daan.May naririnig din akong lagaslas ng tubig?ilog?talon?

"Kumapit kayong mabuti." malamyos na wika ni Ms.Lily.Tila papalapit ng papalapit ang tunog ng rumaragasang tubig.

Kung hindi ako nagkakamali ay may malapit na ilog o talon sa aming pinatutunguhan.Bigla akong nakaramdam ng hilo,napahawak ako sa aking sintido't napapikit ng matagal.Nais kong buksan ang bintana't doon sumuka,wala pala silang plastik dito sa loob ng van.Ganda ganda ng van tapos walang plastik? the hell.Pinilit kong idilat ang mata kong nakapikit dahil sa hilo para dumungaw na sa labas.
Pagtingin ko sa labas ay nalalaglag kami.NALALAGLAG KAMI!!?

"AHHHH BUMABAGSAK TAYOOOO!! MAAA,PAAA GISIINGGG BUMABAGSAK TAYO!!" malakas kong sigaw para magising ang mga magulang ko.

Nataranta kaming tatlo ng makita na nalalaglag kami sa ere.Bukod sa sigaw namin nila Mama ay maririnig din ang malakas na lagaslas ng tubig.Nalalaglag ang sinasakyan naming van sa isang talon.Sa takot,imbis na humagulgol at magiiyak sa napipintong kamatayan ay binawian ako ng malay tao.Hindi ko alam na ganun din ang nangyari sa aking mga magulang.Nagising na lamang ako ng maramdamang tila lumalamig sa loob.Malamig ba dahil patay na ako? Ganito ba kalamig sa langit?

Inilinga linga ko ang aking mata at halos mahimatay na ulit ng makitang may mga isda sa labas ng bintana.Buhay kami?! nasa ilalim kami ng tubig!Nakita kong pumasok kami sa parang isang kweba sa ilalim ng tubig.

"Ms.Lily nasaan po tayo? buhay po ba tayo? nakaligtas po tayo sa pagkakahulog?"sunod-sunod kong tanong.

Lumingon siya sa pwesto ko at ngumiti.

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now