Chapter 17

15 3 0
                                    

Maingay,maririnig ang sigawan ng bawat estudyante mula sa ibang section at ibang ranggo.Nangangatog at nanghihina ang aking mga tuhod sa kaba.Hinawakan ni Ali ang aking mga kamay at tinignan ako sa mga mata.

"Saglit lang 'to,gawin na lang natin yung best natin." sabi ni Alisson habang pinipisil ang aking mga kamay para mawala ng unti ang nyerbos sa aking katawan.Nginitian ko siya bago nagbitaw ng isang mahinang buntong hininga.

Nilingon ko ang aking mga kaklase.May katulad kong kinakabahan,may mga parang wala lang,at may mga makikita kang confident sa kung anong ipapakita nila.Nasa loob pa kami ng locker room ng Arena.Hindi ko pa nakikita ang mismong loob ng Arena pero alam kong malaki ito dahil sa dami ng mga naghihiyawan.+

Malapit ng magsimula ang activity base sa sinasabi ng MC.

3,2,1....  Malakas na tunog ng tila trumpeta ang siyang naging hudyat ng aming pagpasok sa Arena.Huminga muna ako ng malalim bago tumayo sa inuupuang bench."Aja! kakayanin natin 'to Ali.Fighting!" masigla kong turan habang nakahawak sa magkabilaang balikat ni Ali.Pinipilit kong alisin ang kaba sa aking dibdib upang hindi mablangko mamaya ang aking isip habang ginagawa ang activity.Lumingon lingon ako upang hanapin si Belle at ang partner nito.Nang makita ko ang dalawa ay masuyo at seryoso silang nag-uusap,marahil ay ang stratehiyang gagawin nila upang mapahanga ang mga judges.

Naglalabasan na ang mga kakaklase ko para pumasok sa loob ng Arena.Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya sa gagawin namin,pero mas maganda nang may gawin kaysa hindi makasali't magsayang ng puntos.Hinigpitan ko ang aking hawak sa kamay ni Ali at sabay kaming naglakad palabas ng locker room upang tahakin ang hall papasok ng Arena.

Malaking hiyawan na nagpayanig sa Dome ang siyang sumalubong sa amin.Pinagpapawisan ako ng malamig at tila naduduwal,marahil sa kaba.Punong-puno ang Arena ng mga estudyante.Magkakasama ang magkakaranggo.Sama-sama lang ang mga Tyros sa isang side,Seniors sa kabila,at Elites sa kabila pang parte ng Arena.

"And now for our first partner,We will have Yuki and Chadneer,"masigabong palakpakan ang siyang ibinigay ng mga estudyanteng nanunuod habang naglalakad ang dalawa patungo sa gitna ng Arena,kung saan nila gagawin ang kanilang combo skill na ginawa.

Madali silang pumosisyon bago sinimulan ang paggamit ng kanilang abilities.Dumistansya si Chadneer sa kaibigang hapones na si Yuki, at tumayo sa kanyang hinintuan ng kapante't tuwid.Medyo natagalan ang kanilang pagsisimula dahil wala ni isang gumagalaw man lang.Napansin kong nakangiting tinanguan ni Chadneer si Yuki,na mapait ang ngiti.Nag-iwas agad ito ng tingin sa kapareha at pumalatak dahil sa inis at pagkadismaya sa hindi ko alam na dahilan.Umiling saglit si Yuki bago magsimulang tumakbo ng mabagal paikot sa kaibigan.

Parehas kong hindi alam ang ability ng dalawa.Sa katunayan ay wala pa akong kaalam-alam sa mga ability ng iba kong kaklase,maliban sa aming tatlo nila Belle at Ali.

Ang kani-kaninang mabagal na takbo ay bumilis ng bumilis.Hindi pangkaraniwan ang kanyang bilis kumpara sa isang normal na tao.Kaya niyang talunin at makipagsabayan sa mga kilalang mananakbong atleta ng walang kahirap-hirap.Sa kanyang bilis ay lalagpasan niya pa ang bilis ng cheetah na pinakamabilis na hayop.Para siyang isang kidlat na sa isang iglap ay tatamaan ka kung hindi ka mag-iingat.

Hindi na namin halos makita ang nangyayari dahil sa kapal ng alikabok na kumalat.Narinig na lang namin na napasinghap ang mga Tyros mula kabilang section na nanunuod sa bleachers.Maski kami'y namangha ng makita kung ano na ang nangyayari ng unti-unting nawala ang gabok.Isang buhawi ang namumuo sa takbo nito ng paikot-ikot.Ang lalo naming ikinasinghap ay ang taong nasa loob ng papalaking ipu-ipong gabok.Marahil kaya ganoon na lamang ang reaksyon kanina ni Yuki ay nababahala't nag-aalala siya sa magiging kalagayan ng kaibigan sa loob ng ipu-ipo.Nawala ng dahan-dahan ang imahe ni Chadneer at nilamon na nga ng marahas na umiikot na alikabok.

Matapos lumaki ng sapat ang ipu-ipo ay tumigil agad si Yuki upang hindi na ito lumaki ng lumaki.Tumalikod agad ito upang hindi na makita pa ang nangyayari sa kanyang ginawa.Napaupo't napasabunot pa ito sa pinaghalo-halong kaba,pag-aalala't prustrasyon.

Sa kabilang banda nama'y biglang tumunog ang isang malakas na dagundong.Tunog ng nakakabinging kulog ang kumuha ng atensyon ng mga manunuod,maging si Yuki ay napalingon agad.Nanggagaling ito sa loob ng ipu-ipo.Madilim ang paligid nito.Lahat ay napamaang sa sumunod na nangyari.Naglabasan ang mga kidlat at ito'y humalo sa umiikot na alikabok.Ang ganda tignan ng liwanag nito habang nakikisali't kumakalat sa nagngangalit na ipu-ipo.Nakakatakot na nakakaantig.Kung ito ang tinatawag nilang "A beautiful disaster",kahit araw-araw pang magkaroon ng sakuna ay ayos lang sa akin.

Kung ito ang tinatawag nilang "A beautiful disaster",kahit araw-araw pang magkaroon ng sakuna ay ayos lang sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagpalakpakan ang mga Tyros at Seniors maliban sa mga Elite na tila hindi man lang nasiyahan sa nasaksihan.Masyadong mayayabang,akala nila'y napakagagaling na nila dahil mataas sila bukod sa amin.

Pinahinto ni Yuki ang buhawi sa pamamagitan ng pagtakbo ng salungat ng ikot ng buhawi upang makontra ang ikot nito.Walang kagalos-galos na lumabas si Chadneer.Marahil siguro sa tuwa ay napayakap si Yuki ng mahigpit dito't wala na itong balak pakawalan.Bumitaw at natauhan lang si Yuki ng marinig ang ilan sa mga kantyaw ng mga taong nanunuod.Ngumiti na lang ito at kumamot ng ulo bago nagsimulang lumakad mag-isa.Halatang nahihiya ito kaya naiwan ang kaibigan.Lalo namang naligalig at kinilig ang mga Fujoshi at Fudanshi sa paligid ng humabol si Chadneer sa kaibigan at umakbay bago tinuloy ang paglalakad.

Tinawag na ang sumunod  na pares.Maganda rin ang pinakita nila ngunit hindi nila mahihigitan ang ginawang performance nila Yuki at Chadneer.Nagsunod-sunod na ang mga pares pero walang makahigit sa dalawang naunang estudyante.Kinakabahan ako habang palapit ng palapit ang aming oras ng pagtatanghal.Napansin ko ang pares na mauuna sa amin.Sila yung dalawang lalaking napanuod namin kahapon ni Ali na gumawa rin ng isang ipu-ipo.Paano nila mahihigitan ang dalawang nauna sa kanila.Magmumukang nanduga at kumuha sila ng ideya kung buhawi rin ang kanilang gagawin.

"Next we have... Park Ye-jun and Cheng Han Sai Por." ........

Selten Academy:School for nonpareilsWhere stories live. Discover now