isa

2.7K 41 38
                                    



"Clara, magpalit ka sa taas. Masyadong maikli ang paldang suot mo."


Agad akong tumayo at umakyat sa taas upang makapagpalit ng damit. Humarap ako sa tukador at nakita ko ang repleksyon ng naunang napiling suotin. Isa iyong blusang kulay kayumanggi at paldang puti na natatapos bago ang aking tuhod.


Hinilig ko ang aking ulo pakaliwa. Mahaba pa ito kumpara sa sinusuot ng karamihan kong kaibigan pero dahil sinabi ni Mama na maikli ay kailangan kong palitan nang mas mahaba. Kinuha ko ang isang puting bistidang umaabot sa aking pala-pulsuhan at nagtatapos sa aking bukung-bukong at ito na lang ang aking isinuot.


Oo, tama. 


Wala namang sasabihin si Mama na hindi tama para sa akin. 


ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon