apat

1.7K 35 33
                                    



Inayos ko na ang mga plato, kubyertos at baso sa kani-kanilang mga pwesto. Inilabas ko na rin ang pitsel ng malamig na tubig. Naglagay na rin ako ng uhuan ng ulam sa gitna.


Nang inilapag ko ang maliit na basket ng prutas bilang disenyo at panghimagas sa gitna ng hapag ay saktong bumukas ang pinto, hudyat na nariyan na ang mga bisita. Narinig ko na ang mga pagbati at halakhak nila Mama at Papa na sumalubong sa mga bisita.


Ganoon na lang din ang tunog ng kanilang mga sapatos sa aming marmol na sahig, hudyat na papalapit na sila sa hapag para magsimulang kumain.


Inayos ko ang aking sarili at humarap sa kanila. 


ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon