anim

1.3K 31 37
                                    




Pagbalik ko sa hapag ay nakaupo na ang mga panauhin at maligayang nagkukwentuhan na sa mga bagay na nakatutuwa para sa kanila. Lumapit ako sa kabilang bahagi ng mesa para ipamigay ang kutsara na para sa mga panauhin.


Sa paglapit ko ay napunta sa akin ang atensyon ng lalaking kaibigan ni Papa, napagtanto kong asawa nang kaninang naunang bumati sa akin.


"Nasa'n ang respeto mo, Clara?! Magmano ka sa Tito John mo."


Takot na lalo pang mapagalitan ni Mama ay nagmano ako sa lalaking malapit sa akin na tinawag niyang Tito John.


Ngumiti ito sa akin at iniabot ang kamay niya. Inilapag ko muna ang mga kutsara upang magkaro'n ako ng malayang kamay at tinanggap ang kamay niya para magmano.


Hindi nakatakas ang pagpisil niya sa kamay ko at pagkakatagal ng hawak niya ro'n.


"Tito John?" nais kong sambitin ngunit natakasan na ako ng tapang upang isatinig.


ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon