Bumaba ako sa hagdan muna sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang kwarto ko. Naabutan ko si Mama na bihis na bihis at batak na batak ang buhok mula sa pagkakapusod. Nakadilaw itong saya na umaabot sa sahig. Ang hawak niyang pamaypay ay palaging kapares ng suot nyang damit. Hindi rin nakatakas sa liwanag ang pagkasilaw ko sa mga perlas sa kanyang dibdib.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay nya at ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko sa takot na baka siya ay may magalit at masabi.
"Maghanda ka na sa kusina. Malapit na ang mga bisita."
