pito

1.3K 30 28
                                    



"Dalagang dalaga na ang anak mo, Clarissa."


Kita ko ang pagkinang ng ginto niyang ngipin mula sa pagngisi niya at gayon din ang linya sa gilid ng kanyang mga mata. Tulad nila Mama at Papa'y may katandaan na ito. May parte na rin sa buhok ang bahagyang pumuputi.


"Oo, John. Parang kailan lang." sambit ni Mama at ngumiti sa akin at kay Tito John.


Bumaling ako upang makaalis na ngunit nasanggi ko ang dulo ng mesa kaya napa-igtad ako sumandali.


Parang nanlamig ang buong katawan ko sa naramdaman. Naalerto ako nang makita at maramdaman ko ang kamay ni Tito John na lumandas sa aking likuran pababa. 


"Clara, hija.."

ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon