siyam

1.2K 27 36
                                    


Mabilis akong tumalikod at umupo sa dapat kong upuan. Mula sa kabisera sa panig namin, naroon si Papa, katabi niya si Mama at si Kio naman sa kabila.


Katabi dapat ako ni Kio pero pinigilan ako ni Mama.


"Clara, bakit umikot ka pa? Do'n ka na sa tabi ng Tito John mo. Marami kayong pag-uusapan. Malapit ka na magkolehiyo. Hindi natin kaya ang matrikula ng kursong gusto mo. Marami siyang alam sa Maynila. Matutulungan ka niya."


Nanatili ako sa likod ng upuan ng katabi ni Kio.


Naninigas at naninimbang.


Sumulyap ako sa panig kung saan na roon ang asawa ni Tito John na masayang kumakain at si Tito John na hindi matanggal ang titig sa akin.


Una, sa mukha ko. Nagtagal ang titig sa dibdib ko, pababa sa katawan ko. Sinusuyod ang lahat ng parteng kayang abutin ng kanyang mga mata.Nakita ko pang kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.


Hindi ko na kinaya at umiwas na ako ng tingin.


Huling tiningnan ko si Mama. Ngumiti siya sa akin.


Isang bagay na hindi ko nakitang totoo sa buong buhay ko. Ngayon lang.


"Sige na, Clara. Para sayo rin ito." 


ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon