sampu

1.1K 27 46
                                    



Halos bumaon ang kuko ko sa palad ko para lang mahawakan ko ng mariin ang kubyertos. Pinilit kong kumain at umupo sa hapag tulad nang utos ni Mama.


Kasabay ng pagnginig ng balikat ni Mama sa labis na galak sa pagkkwento ay ang panginginig ang kalamnan ko sa lamig ng yapos ni Tito John sa aking hita sa ilalim ng lamesa.


"Clara, hija.."


Pagtawag ni Mama suot ang ngiting tila ako ang naggawad sa kanya.


Hindi nagtagal sa aking hita ang kamay ni Tito John. Unti-unti itong lumandas patungo sa pagitan.


Gusto kong itarak ang tinidor sa mga mata niyang maruming tinitingnan ang pagkatao ko! Gusto kong umiyak! Gusto kong sumigaw! Gusto kong lumaban!


"Tama na, Tito John!" nais kong sambitin.


Ngunit lalo akong napipi nang makita kong nagtagal ang ngiti na iyon sa mukha ni Mama.


Marahan akong tumayo at diretsong tumitig sa mga mata niya.


Huling pagsusumamo. Huling pagdaing.


Sa halip na umiling, ay tango ang isinagot ni Mama sa akin.


Sa halip na aluin, ay tapik ang ibinigay.


Sa halip na yakapin, ay pinaupo ako at pinatahimik.


Ito ang makapagpapanatili ng ngiti ni Mama.


Oo, tama.


Wala namang sinasabi si Mama na hindi makabubuti para sa akin. 


---

ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon