ikalawang kabanata

25 2 1
                                    

Attention

For some reason I was curious to who he is, I don't know him, my brothers haven't mentioned him either kahit lampas isang buwan na araw araw ang practice nila together. Nakakapanibago pero they look like they have a close relationship. It won't sound unusual if he's close to just kuya Enzo pero kay kuya Alas siya nakikipagusap ngayon. Parehas silang nakahawak sa ulo ng isa't isa habang may sinasabi na tila pilit nilalaksan upang marinig sa kabila ng ingay ng arena. Pagkatapos pa ng munting bulungan ay hinampas  niya ang pwetan ni kuya Alas bago bumalik sa pwesto para sa jump ball. 

Nakatagilig pa ang ulo ko sa pagalala sa nakita ngayon ngayon lang. Hindi maisip kung tama ba ito o nagmamalik mata lamang ako.  

Don't get me wrong, Kuya Alas have friends. He hangs out with them but as I see it, it's strictly just hanging out for the sake of socializing. He doesn't open up easily to other people so he's still this mysterious person his friends don't even completely know and understand well. He's intimidating, everyone says that. He and I got it from our dad, a straight and bitchy resting face which contributes to the aura. 

"Who's that?" tanong ko kay Tati sabay turo kay 'Roscoe Caesar' daw ayon sa sinabi kanina ng commentator.

"Ang gwapo 'di ba? I'm gonna kill Sasha and Sam. They purposely told me no one in the shs recruits is attractive so that they could keep that hottie to themselves, " kinikilig na sagot niya. Magkasaklop ang parehong kamay na nakatapat sa bibig niya, kulang na lang ay kuminang talaga ang mga mata niya habang tutok na tutok kay Roscoe.

"Ikaw ha, siya lang pala ang makakabihag sa puso mong nanlamig na," dagdag niya pa.

"No way! I asked because I need confirmation. Look I don't know if my imagination is playing with me but is he close with kuya Alas?" inilapit ko talaga sa tenga niya ang bibig ko para marinig niya ang sinasabi ko.

Magjujump ball na kaya lalong lumakas ang ingay sa loob.

"Didn't I tell you kanina? I told you he hangs out with kuya Alas more than anybody now. They're practically best friends. Alam mo, ikaw yung kapatid and here you are asking me about your brother's friends," siya naman ang lumapit sa tenga ko para sa sagot niya.

I was dazed and I didn't pay attention to what was happening in the game. I am processing the information in my head. Isa itong himala. I'm not even exaggerating. Simula nung nagkamalay ako sa mundo kami lang magkakapatid ang totoong malapit kay kuya Alas. Ang mga 'kaibigan' niya ay puro kaibigan lang din ni kuya Enzo. I won't even call it friendship, more like acquaintance.  Hindi ko naiintindihan ang nangyayari sa laro pero nakasunod ang tingin ko kay kuya Alas. This is the first game I've seen him smile while playing and laughing with someone. Nakikibagbiruan pa siya sa mga ka-team niya kaya para akong mababaliw kasi ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

I guess it was not only me who noticed. For the first time, cheers are more directed for him more than kuya Enzo. Usually madaming supporters si kuya Enzo since he's a natural people pleaser, one time when they played against another university a group of girls came in with a tarpaulin with his face on it. Since kuya Alas is smiling more often than usual mas naka attract siya ng atensyon ng mga tao compared to when he looks snob. 

"Earth to Natasha Gabrienne, Earth to Natasha Gabrienne. Hello? Copy?" mukhang makailang beses na itong sinasabi ni Tati dahil sinamahan niya na ito ng pagkaway ng kamay sa mukha ko.

"Yes, what?" mabilis kong lingon sa kaniya.

"I've always dreamt of you drooling over a guy but can I just say that this," naggesture pa siya na bumubuo ng  parang bilog sa hangin mula sa tapat ng ulo ko pababa, "exceeds my expectation."

Blessed CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon