Iniirog
My brothers were so excited about the trip they packed a week before. Aside from the idea of spending my holidays at the beach, I felt like I would be a bad sister if I'd burst their bubble. So the night before, I was packing light with a heavy and torn heart. I just hope everything goes well.
The next day around 5:30 in the morning we were already on our way to Batangas. Apparently, Ross' grandma sent a van to accommodate us and a driver as well. Right now, it's still dark outside the car kaya ata mabilis ding nakabalik sa tulog ang dalawa kong kapatid pati si Tati. I was trying to get some sleep as well but I can't help but listen to Ross' kwentos. He was talking to the driver non stop from when we hopped in up until now, 30 minutes in to the journey.
"Naku ser, tuwang tuwa ang lola niyo. Bago ako umalis ng bahay parang piyesta sa atin, ang daming inihahanda ni Ma'am. Kay tagal niyo nga din namang hindi nakabalik sa atin. Tanda ko ser huli ko kayong nakita ang liit liit niyo pa at palagi kayong madungis."
"Tatang, wag na po nating pagusapan ang aking nakaraan. Wala na po akong ala-ala nung aking kabataan pero laging sinasabi nina Mommy na napakalikot ko nga daw po at laging nagpapahabol sa inyo. Nagtago pa daw ako noon sa parkingan ng mga truck at halos daw atakihin si lola sa puso dahil kalahating araw akong hindi mahanap."
Humikab siya pagkatapos ng sinabi na agad pinansin ni Tatang.
"Ser, tumulog na kayo. Okay lang naman. Sanay na ako sa long drive kaya walang wala na ang byaheng Maynila pauwi sa atin. Magpahinga na kayo."
"Ay nako Tatang, bukod doon gusto ko din sana makita ang dinadaanan natin kahit madilim pa. Sinusulit ko na po at malay natin kapag nalaman ito ni Daddy ay tuluyan na akong hindi makabalik."
Nangingiti ako sa pamamaraan niya ng pagsasalita. Ito na ata ang pinakamahabang pagkakataon na halos purong Filipino ang sinasalita niya. Nakakapanibago sa pandinig.
Naputol ang aking pakikinig nang ang ulo ni Tatiana na nakapatong sa balikat ko ay humuhulog na paharap. Agad ko itong isinandal pabalik sa dating pwesto at inalalayan gamit ang kanang kamay. Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Ross at ako ata ang kausap niya.
"You can let her lay down. It's okay, just let her occupy the rest of the seats there in the 2nd row so that she can lay her head on your lap. That would make it easier for you too."
Kanina ko pang napapansin na pabalik balik ang tingin niya sa rear-view mirror. Ang basa ko ay talagang nakasanayan na lang niyang tulad ng driver ay tumingin sa mga salamin habang daan. Talagang nasaktuhan niya pa na hirap na hirap akong balansehen ang ulo nitong kaibigan ko na himbing na himbing pa din ang pagkakatulog.
Para lang hindi ko na kailanganing magsalita para sumagot ay ginalaw galaw ko si Tati para maalimpungatan siya at ipagawa ang sinabi ni Ross. Kahit pa kalahating tulog ay nagawa naman ito agad ni Tati ng maayos. I had the urge to look in front to check if he's still looking but I couldn't risk it. Nagkunwari na lang din akong tutulog at isinandal ang ulo sa backrest ng upuan ko.
Maya maya pa ay narinig kong nagtuloy na din ang usapan nung dalawa sa harap. Sa pagkukunwari natuluyan ang aking pagkatulog.
Nagising na lang ako sa amoy ng pancakes at ingay ng mga kapatid ko. Apparently nung dumaan ng Cavite ay nagtake out sila sa fast food ng breakfast meals kasi nagugutom na ang mga kapatid ko.
Agad naman akong inabutan nung nakitang gising na ako kaya nadanggi ang mukha ni Tati nang unconciously ibinaba ko ang pagkain sa aking binti. Tsaka ko lang din naramdaman ang ngalay ng legs ko nang bumangon si Tati.
Napansin naman ito agad ng mga kuya ko. Naasar tuloy agad si Tati.
"Tatiana, hindi namin pinalaking batak si Ash para lang ngalayin mo ha. May muta ka pa sa mata at halatang ang sarap ng tinulog mo samantalang yung kapatid namin..."