Unparalled
It was a Saturday night and the boys with their teammates were at home. They played ball kanina but now that they're done, gutom naman sila. Nagyaya silang mag take out ng food along the way at tumambay somewhere na overlooking sa city lights.
Naligo sila dahil nabasa sila sa pawis at ang tanging naiwan sa bahay ay sina Ross, Yohan, Luigi at Archer, yung iba ay may ibang plano daw tonight. I was just there watching them play and I even played with them.
"Sama ka na Ash since wala din namang tao sa bahay for you to eat with," sabi ni kuya Alas.
Tinanguan ko siya at sumunod sa kanila palabas ng bahay.
Kuya Alas drove us to a fastfood chain just near our place. Nakapwesto kaming dalawa ni Ross sa huling row ng seat ng sasakyan. Nagkataon lang din dahil kami ang mga naunang lumapit at sumakay sa SUV.
For the past few weeks though we've been hanging much often than before. Sobrang close talaga namin ngayon after that situation with Angel. Paminsan nga pabirong inasar na ng mommy si Ross kung sino ba daw talaga ang bestfriend. Kaklase kasi niya si kuya Enzo pero si kuya Alas yung pinaka 'bestfriend' niya. Tapos ngayon, ako naman ang madalas nakikitang kasama niya.
My brothers couldn't careless, I think they like it more that I'm always with them now. Laging kasama nila kami ni Tati.
Nang nakuha na namin ang order namin, agad kaming nagselfie ni Ross kasama ang mga pagkain at sinend kay Tatiana. Nakaugalian na naming magpicture together just to send it to Tati na laging nirereplyan ni Tati na inaagaw daw ako ni Ross sa kaniya, bawal daw 'yon. Madalas pa ay tatawag siya upang ipakitang nagtatampo siya at kinakatuwa pa lalo namin kapag ganoon ang reaksyon niya. I've become a bully dahil sa pagsama ko sa mga lalaking ito.
"Alas can we stop over a convenience store along the way? Let's buy chips," suhestiyon ni Archer.
"Sige. I think we're near one right now."
Nang makababa upang mamili ng mga pagkain, inunahan ko silang lahat dahil ako talaga ang pinakamahilig sa aming lahat pagdating sa chips. Tinawanan lang ako nilang lahat. Yung shopping basket na kinuha ko may laman nang tatlo ng makapasok sila sa tindahan. Maya maya pa papuno na ang basket na karga ko dahil sa mga dinagdag nila, dinala ko na iyon sa counter. Dahil si Archer ang nagsuggest na bumili, siya ang pinagkaisahang sumagot ng mga binili.
Nakikisama ako sa pangaasar nila ng biglang may kumulbit sa likod ko. Paglingon ko ay bumungad si Ross na nakasuot ng cat eye sunglass na ikinatawa ko. Nakapout pa kasi siya tapos nakataas ang isang kilay. Mabilis kong hinanap ang rack kung saan niya ito nakuha upang sakyan ang trip niya. Ang pinili ko ay isang orange na shield sunglasses at humarap sa kaniya hawak ang baba na kunyari ay nagpapagwapo.
"Paps ang lakas ng trip niyo," si Yohan iyon habang natatawa.
Pagtingin ay nakatapat sa amin ang phone.
"Video ba yan?" tanong ni Ross.
Tumango lang si Yohan.
"Picturean mo kami," utos naman nitong katabi ko at agad umakbay sa akin at initabi ang mukha niya sa mukha ko. Madaming goofy poses kaming ginawa. Mamaya katabi ko na si Enzo at Luigi may kaniya kaniya na ding suot na sunglasses. Hanggang sa lahat na kami nilagay na lang ni Yohan ang phone niya sa isang shelf doon upang iself timer.
Tawang tawa pa din kami sa mga hitsura namin sa mga picture nang bumalik sa sasakyan. Maya maya pa ay pinagkwekwentuhan naman nila 'yong tungkol sa isang larong kinahahalingan nilang lahat. Dahil hindi ko nilalaro iyon ay pinili ko na lang kuhanin ang phone ni Yohan upang makakuha ng kopya ng mga litrato.