Mapangahas
The entire team at breakfast my brothers kept the dining area noisy. Tati on the other hand was quite like I was. She was constantly looking my way with apologetic eyes and innocent smile.
One time, nagkataon na nagkatinginan kami ng sabay. She mouthed, "I didn't do anything" to which I nodded off. Wala namang problema kung pati lola ni Ross ay tingin na bagay si Tati at siya because it is the truth.
"Nasa kwarto niyo na ang mga gamit niyo, pina akyat ko na. You should probably rest a little before going on with whatever you have planned for the day."
"Thank you La. Saan niyo po bang kwarto niyo pinadala?"
"The door next to yours, kina Enzo at Alas. The door after that belongs to the two ladies naman."
"Thank you po for having us and sorry na din po for the inconvenience." Kuya Alas being who he is just needed to say that. Ganiyan siya lagi whenever we join our family friends' trip to somewhere.
"Nako hijo, you don't know how happy I am na sumama kayo. Namiss ko ang mga apo ko. Paminsan lang mapuno ng mga kabataan ang bahay na ito at tuwing may ganoong pagkakataon laging masaya at maingay dito. I don't think Tiyago would enjoy his stay here anyway if you didn't come with him."
Ewan ko ba at laging pigil na pigil sa tawa si kuya Enzo tuwing tinatawag ni lola na Tiyago si Ross. Napansin din ata ni lola dahil halata sa mukha niyang nagtataka na siya sa reaksyon ni kuya.
Paminsan talaga hindi ko alam kung ako ang mas matanda sa amin ni kuya Enzo. Isa ito sa example na ang sensitive ko sa feelings ng ibang tao, sa naging mukha ni lola nasesense kong medyo na offend siya sa ginagawa ni kuya Enzo.
"Uhm excuse my brother po. I think it's because it's the first time we hear Ross being called Tiyago. Siguro naisip niyang iyon ang term of endearment niyo sa kaniya kaya medyo inaasar nila," explain ko.
Natawa muna si lola bago sumagot. "His lolo's name is Asterio Santiago. Ang mga taong kilala siya bago pa ang lahat ng ito doon sa kinalakihan naming bayan ay tinatawag siyang Tiyago. At noong bata pa itong si Ross, madaming tao ang nakapansin agad sa pagkakahawig niya sa lolo niya. Ipinasa na ng lolo niya sa kaniya ang Tiyago at totoong panlalambing ko din sa aking paboritong apo."
Inabot pa ni lola ang pisnge ni Ross kaya hindi talaga napigilan ni kuya Enzo ang tuluyang matawa. Pati si kuya Alas napangisi. Si Ross naman kahit alam na may bagong pangasar sa kaniya ang mga kaibigan ay matamis na ngumiti sa lola niya. Hinawakan niya pa ang kamay ng lola niyang nakahawak sa mukha at pumikit. Tila dinadama at sinusulit ang pagkakataon.
Ito ang isa sa mga pagkakataong narerealize kong hindi ko lang talaga siya lubusang kilala. He may look like a total fuck boy who's arrogant and heartless but here he is being such a baby boy.
Nang makapagpaalam kami kay lola matapos ang kaunti pang kwentuhan ay inakyat na nga kami ni Ross sa pangalawang palapag ng bahay. Nang narating namin ang landing sa gitna ng hagdan kitang kita na ang lahat ng detalye ng painting.
Katulad nang mga sosyal na larawan ng mga mararangyang pamilya. Ganoon din ito. Parehas nakaupo si lola at lola sa isang two seater accent chair. Sa likod nila nakatayo ang isang pares ng magasawa. Madaling masasabing ito ang magulang ni Ross. Apparently, pwedeng triplets sila ng daddy at lolo niya. Long hair dito sa painting ang daddy niya. The difference between him and his dad is that his dad got his eyes from lola Corazon. Kaya siguro siya ang napasahan ng "Tiyago", kasi kahit mata, sa lolo niya nakuha. His mom was gorgeous and regal beside tito Vince. Mas parang nakakakaba siyang makilala kesa kay lola.
"You have a sister." puna ni Tati.
Ni hindi ko na napansin because I was engrossed by how God-like his parents look.