Mr. Brightside
Ang dami na namang pagkain sa hapag. Kapag bisita talaga nakakahiyang untian lang ang pagkain kaya kami ni Tati ay halos maglungad na sa kabusugan matapos ng breakfast.
Nagkaroon din kami ng dagdag na information tungkol sa tatlong bagong mga binata sa mansyong ito. Lio is called Emilio by lola, probably his full name, and he's the same age as Ross. Lio's obviously the mature one between the three but can also be makulit. Matt on the other hand is the studious type of person. Lola has been bragging about all the recent academic competitions Matt has participated and won in. Just a year older than us and we even love the same books. We'll definitely have to talk about our recent reads and share our opinions about them. Nico didn't disappoint. He's such a baby boy around his lola. A totoy and much childish version ni Ross kapag nagpapalambing at lumalambing sa lola.
Nagkasundo sundo na magswswimming kami after breakfast. Magaayos lang daw ng mga gamit ang magkakapatid at magpapalit na din.
They're rooms are on the other wing of the household. Same side ng kwarto ni Lola. I won't deny my curiosity sa interior sa bandang iyon ng bahay since sa pamilya talaga iyon. Siguro ay mas intricate at elegant ang designs. Nang mapalalim ang pagiisip tungkol sa parteng iyon ng bahay ay ipinagtaka ko na hindi doon ang kwarto ni Ross. Did he purposely declined his original room just so we can all share the same hall?
Naputol ang aking pagiisip ng dumating na ang mga hinihintay namin dito sa veranda. Mga naka board shorts na ulit sila at iba't ibang pantaas. Only Ross was topless. Dahil mas madaming paglilipatan ng atensyon, mas gumaan ang pakiramdam ko.
Mamaya balak kong sundin ang nabasa ko. Sabi doon sa nabasa ko online, para daw hindi maging awkward kayo ng crush mo dapat ay hindi mo ipakitang espesyal ang trato mo sa kaniya. So it's okay na makita niyang nakatingin ka pero hindi dapat kita o mahalata ang paghanga. I think I wouldn't be able to do that just yet, ang balak ko ay ang kausapin siya paunti unti. Sabi pa doon sa article, maigi na magpractice na magstart ng conversation sa iba. Sign ata ang pagdating ng tatlo na dapat kong isagawa ang mga natutunan ko kagabi.
"Ash, we found this volleyball sa entertainment room? Wanna play?" tanong ni kuya Alas at itinaas pa ang bolang dala dala.
Naexcite ako. Matagal na akong hindi nakakapaglaro o kahit hawak lang sa bolang ganoon. Mukha siguro akong bata pero sa sobrang galak mabilis akong lumapit sa kaniya at kinuha ang bola.
"Let's all play together. 4 each team. Maganda itong ice breaker," suhestyon ni Lio.
Lahat naman ay pumayag. Kami lang ni kuya Alas ang may experience sa volleyball so nag iba'y taya to decide who our team members are. After countless tries kasi ang kulit ni kuya Enzo na sinakyan naman ni Ross, lumabas na kateam ko si Ross, Nico and Tati.
I said I'd try to start conversations with him but I didn't think it would be this soon. Pumunta kami makalampas ng pool sa may damuhan para doon maglaro. Naghanap na lang kami ng mga bato o sanga sa paligid para ilagay sa gitna ng dalawang teams. Yun lang ang natatanging linya, wala na sa tagiliran.
We were given the chance to huddle before Alas serves to start our mini game. Lumapit naman lahat ng members ng team ko sa akin.
Kay Tati ako unang tumingin, "I taught you how to receive already. Just don't be afraid of the ball. Sa una lang medyo masakit, you'll get the hang of it, okay?"
Linipat ko ang atensyon ko kay Nico, "Do you have any idea how volleyball is played?"
"I watched from the sidelines pero I haven't really participated."
"It's fine, follow your instincts na lang. You receive in this manner," at inakto ko pa kung ano yung itsura ng kamay. "Pwede din ganito." at ipinakita ko naman overhead na receive.