ikaapat na kabanata

22 2 1
                                    

Math

Matapos kong magsagot ng huling item sa huling subject for today agad akong sumandal sa upuan ko. Sumakit ang leeg ko sa pwesto ko kanina. Hindi ko na lang naramdaman dahil naka focus talaga ako sa pagsasagot.

As usual, isa ako sa mga unang nakatapos. Si Aubry, yung top 1 ng class namin, nirereview na lang yung answers niya para idouble check. Ako naman, tinatamad na. Math ang last subject namin at kapag nasagot ko naman lahat ng items based din sa sariling solutions parang I don't see any point in checking ulit. Lalo lamang sasakit ang ulo ko. Pagbaling ko sa kabilang banda ko ay nakita kong titig na titig sa akin si Tati. Alam ko na agad ang gusto niya.

"I told you to review bitch," I mouthed.

She just shrugged and showed me her puppy eyes. Ipinakita niya pa ang scratch niya na halos walang kasulat sulat. Nasa bandang likuran ko siya, approximately two seats behind my seatmate sa left kaya mahirap kapag matagal akong humarap doon dahil baka kung ano ang isipin ni Miss. Bumaling ulit ako sa harapan to check if our teacher noticed. Fortunately, she didn't. I don't promote and tolerate cheating but a few answers won't hurt naman. Also, in Tati's defense, this is the only subject she really doesn't like studying. She hates it so much she can't stand looking at formulas.

"Last 5 minutes class," our teacher announced, which was instantly followed by a few groans and pleads to extend. Isa sa nakisamang umarte si Tati. Akala mo naman talaga nag effort siyang mag solve.

Lumapit pa ang teacher namin sa isang desk sa malayong banda dahil may tinanong ang kaklase ko roon. Sinamantala ko ito at sinulat sa scratch ko in big bold letters ang sagot from 1-20. Muli ay sinilip ko kung may pinagkakaabalahang iba ang guro at ng nakitang oo ay agad tinaas ang aking test paper pero nakapatong ang 'scratch'. Kunyari ay nirereview ko, sinigurado kong kita ito ni Tati.

Nang medyo nangalay na ako ay bumaling ako sa banda niya at nakitang nagmamadali pa siya sa pagulat.

"Hindi ka pa tapos?"

"Okay, class last 2 minutes." ani Miss.

Pagtama ng tingin namin ay kita ko ang panic sa kaniyang mata. Tinaas taas niya ang kamay niya na parang sinasabing bumalik ako sa pwesto ko kanina at ipakita ulit ang papel. Agad ko itong sinunod. Nung sinabi naman na huling minuto na ay binaba ko ang aking papel at nagbura ng sinulat. Buti na lang din at hindi ako madiin magsulat, mabilis nawala ang bakas ng aming ginawa.

Hindi ko naman sigurado ang mga sagot ko pero confident ako. Sana nga lang kahit yung 20 na 'yon lang ay maitama ni Tati kasi the last time we had a major exam in math, sobrang layo niya sa aming tatlo nina Sam wala talagang makatulong sa kaniya. Ang ginawa na lang daw niya ay bastang namili ng letter at iyon ang sinulat sa papel. Siguro ganoon na lang din ang gagawin niya ngayon sa natitirang 30 items.

Pagtunog ng bell ay agad nagtayuan ang mga kaklase ko at dinala ang papel sa harapan. Hinintay ko pa si Tati na mauna bago ako tumayo dala ang bag. Pagpasa ko ng papel ay agad na sumabit ang kamay ni Sam at Sasha sa magkabila kong bisig.

"That test was underwhelming, I studied every topic she discussed pero nag focus lang siya sa halos tatlo. I feel like nagsayang lang ako ng oras sa pagrereview kagabi," reklamo ni Sasha.

"It won't go to waste. Archer said, according to kuya Alas every topic daw will be helpful in the end when we're reviewing na for CETs," Sam.

"Saan ba papasok si Alas?" tanong ni Tati matapos sumabit sa kabilang bisig ni Sasha.

Nilalandas na namin ang daan pa cafeteria. Kanina kasi we decided it would be best to just eat inside the school before heading sa house nina Sash.

Blessed CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon