ikalabing-isang kabanata

11 2 1
                                    

Stupid

The whole lunch, Ross had this aura which shouts you can't talk to him or else he'll be unleashing the monster within. Even lola noticed it and didn't push asking what the problem was. Towards the end though she had no choice since she had an announcement.

"Uhm Tiyago, the rest house in Mabini. Tapos na daw ayusin. Sorry I had to delay your plan to go visit the beach, it was your fault for not telling me beforehand. You know we rarely visit their, madalas ay sa mga resort na natin sa Nasugbu or Lian kaya madami nang sira. Buti na lang at may napakiusapan akong irush ang paggawa. You can leave later today."

"Nah. It's okay La. Thank you for preparing it for us and I've got to admit it is my faul. I think we enjoyed our stay here though. I'll try to go back for the new year since the rest of the family's present."

"Apo, I know you've always been brave but do you really want to go to Mabini? Ayaw mo bang diyan na lang sa Nasugbu para kahit papaano ay malapit sa akin? Hindi mapanatag ang loob ko. You know your history better than anybody in this room. I want you to judge fairly without biases. Tell me, do you really think this is a good idea?"

Tiningnan muna kaming lahat ni Ross bago sumagot. Tila nacoconcious na muli ay nasasaksihan namin ang ganitong eksena. Pareparehas lang siguro ang mukha namin, puno ng katungan at kuryosidad.

"La, we've talked about this already. I don't believe in what you think. Everything was coincidental or I was just really the clumsiest kid."

Doon na natapos ang usapang 'yon. Sa mga salita ni Ross halatang hanggang doon na lang din talaga ang gusto niyang maging usapan nila.

Paulit ulit ang mga bilin ni Lola sa mangiyak ngiyak niyang estado. Hindi ko naiintindihan pero inaassume ko na lang na dahil matagal niyang hindi nakasama si Ross at heto, paalis na muli ang apo niya.

Nang makaalis sa hapagkainan tsaka pa lamang kami nakapagayos ng aming gamit sa kaniya kaniyang kwarto. Nang maibaba ang mga ito, nakahanda na ang isang van sa tapat ng pintuan at nandoon na ang mga lalaki. Kasama si Lola kasama ang mga kasambahay na siya ring mga sumalubong nung kami ay dumating.

Naiyak na talaga ngayon si Lola. Hindi muna namin nilalapitan at naguusap pa sila ni Ross. Mukhang seryoso at tipong hindi namin dapat marinig dahil pati ang mga pinsan niya ay nasa malayong tabi.
Niyakap niya muna ito at hinalikan sa noo bago umuna sa aming lahat sa pagsakay sa sasakyan.

Sunod na kumausap ang mga pinsan kaya napilitang sumama sa aming dalawa si Enzo at kuya Alas. Mukhang hindi muli dapat namin malaman ang mga paguusapan kaya hinayaan na lang namin sila na magkaroon ng pribadonh pagkakataon.

Matapos ng mga yakapan at halikan nila, sumunod kami. Yumakap agad si Tati.

"La, I'm gonna miss you so much. Thank you for the hospitality and the warm welcome. I didn't even feel like I was only visiting. I'm gonna miss your kwentos over meals."

Medyo napangiti na lang din si Lola sa mga sinabi ni Tati. Sabay na yumakap ang dalawa kong kuya at binulong ang kanilang pagpapaalam. Natawa naman si Lola sa mga kalokohan siguro ng dalawa.

Naiwan ako doon dahil nagpuntahan na sila sa sasakyan maliban kay Tati na hinihintay ako sa may pintuan.

"Thank you po Lola for having us here. Pasensya na po sa gulo ng mga kapatid ko at sa ingay ni Tati. I hope you enjoyed our company as much as we enjoyed yours."

Matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin bago ako hinila sa yakap. Habang magkayakap ay tsaka siya nagsalita.

"I have a feeling I'll be seeing you more often. I do hope you guys visit again. Please keep an eye on Ross for me."

Blessed CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon