Chapter 8 Memories bring back

14 3 0
                                    

Habang nagdidiscuss ang lecturer namin bigla kong naramdaman na sumakit ang ulo ko na para bang umiikot lahat ng madaanan ng mga mata ko nararamdaman ko na rin ang pawis ko pagkatapos nun ay na walan na ako ng malay.

Andito ako sa loob ng isang sasakyan at may kasamang lalaki nasisiguro kong hindi ito si Sean ngunit hindi ko rin alam kung sino dahil hindi ko ito masyadong maaninag ng mabuti dahil lahat ng nakikita ko ay malabo maliban nalang sa nakakasilaw na ilaw ng track papalapit sa sasakyang kinaroroonan ko.

Pagkagising ko ay nasa clinic na ako at narito rin si Mara na nakaupo sa isang single chair doon ko rin nakumpirma na panaginip lang ang lahat ng nakita ko.

"My God ano bang nangyari sayong babae ka.!" Pasinghal niyang pagkasabi pero nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Di ko rin alam kong anong nangyari sakin at bigla nalang sumakit ang ulo ko." Paliwanag ko

"Sabi ko naman kasi sayong wag kanang pumasok diba, pano pagnakarating to sa family mo edi lagot tayong dalawa nun.Buti nalang na dala ka agad ni Vin dito." Asal niya.

Si Vin ang nagdala sakin dito? Ayy ano ba yan bat ba ako nag-iisip ng ganito, wala lang naman siguro to diba? Tumayo nalang ako sa pagkakahiga.

"Tara na bumalik na tayo sa klase baka maleft behind pa tayo." Lalakad na sana ako ng hilahin niya ang braso ko.

"Hindi, hindi kana babalik sa klase ako nalang ang bahalang magpaliwanag sa Prof natin at ikaw pwede kang manatili nalang dito o iuuwi nalang kita." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso.

"Ano ba! Kaya ko ang sarili ko at ano kita magulang? Sa ayaw o sa gusto mo ay babalik ako sa klase ko." Nang dahil sa kagustuhan kong bumalik sa klase ay nasigawan ko siya sa totoo lang hindi ko pa nasisigawan si Mara kaya laking gulat niya ng masigawan ko siya. Dahil sa hiya ko ay tinalikuran ko na lang siya at binuksan ang pinto para lumabas pero laking gulat ko ng sumalubong sakin ang parents ko.

"Bakit tila mas tumitigas ang iyong ulo ng makauwi tayo dito sa Pilipinas ha Danna." Mahinhin na sabi ng aking ina ngunit ramdam kong deep inside ang galit siya.

"Mom.. " Yan nalang ang nasabi ko sa takot na lumala pa ang galit ng aking ina.

"Si Tamara na ang bahalang magpaliwanag sa prof niyo at ng maka uwi na tayo." Sambit naman ni Dad.

"Sa bahay natin?" Paninigurado ko kung ang bahay ba na tinutukoy ni Dad ang ang bahay ni grandpa.

"May problema kaba dun Danna Lorrie Del Fiego?" Pabalik na tanong sakin ni Dad at sinagot ko nalang siya sa pamamagitan ng pag-iling dahil pag si dad binanggit ang bou mong pangalan ay hindi niyo magugustuhan ang mangyayari.

Habang na sa loob kami ng sasakyan ay naisip ko kung sino ang nagsabi sa parents ko about sa condition ko at sa halip na pag isipan ay tinanong ko nalang sila ng deritsahan at ang sagot nila ay ang adviser ko raw nung una ay nagalit ako dahil pinarating pa niya sa parents ko ang nangyari sakin pero napag-isip isip ko rin na kung hindi nalaman ng parents ko ay hindi rin ako makakabalik sa bahay namin.

Pagkarating namin sa bahay ay bunati agad ako ng mga maids at gourds namin at pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa office ni grandpa para I discuss ang mga pwede at hindi pwede kong gawin yun ang kapalit ng pagbalik ko sa bahay nakuha kona rin ang credit card at car key ko. Nung una ay hindi ako pumawag na bumalik sa house dahil inaalala ko si Mara na mag-isa lang sa apartment pero ng sabihin ni mom na pati si Mara ay pinauwi rin sa house nila ay pumayag nalang ako.

Nagpaalam akong babalik sa apartment para kunin ang mga things na naiwan ko. Andito ako ngayon sa room ko naghahalungkat ng mga gamit ng may mapansin akong box sa sulok malapit sa bed ni Mara nilapitan ko ito upang alamin kong anong laman at bumungad sakin ang isang pamilyar na malaking bare na stuff toy na kulay purple at tsaka mga envelope na ang laman ay love letters and lastly old wallet binuksan ko ang wallet at nakita ko ang picture namin ni Vin na magkatabing naka ngiti sa isang park nagbasa din ako ng ilan sa mga love letters at ang tumatak sakin ay ang huli kong binasa.

To Wifey:
Hi Wifey! Palagi kang mag-iingat dyan sa Korea at wag mo akong ipagpalit sa mga koreano Jan ha, alam ko naman na nagbabakasyon ka lang jan pero di ko kase maiwasang mamiss ka kaya stay healthy ka diyan at wag mong dalasan ang pagkain ng mga instant foods ha and don't forget to enjoy, I love you =).
From Hubby

Dahan dahang tumulo ang mga luha ko ng matuklasan ko an mga ito at wala sa sariling kumaripas ng takbo papalapit sa sasakyan at mabilis itong pinatakbo patungo sa house namin at wala pa mang 10 minutos ay nasa sa house na ako agad akong dumiretso sa kwarto ng parents ko at padabog na inilahad ang kahong hawak ko tumilapon ito sa sahig at kiss nalang na tanggal ang takip nito.

"Danna what's the meaning of this?!" Pasinghal na tanong ni Dad.

"Ano nga bang ibig sabihin niyan Dad?!." Pabalik kong tanong sa kanya.

"Danna I'm still your dad you better respect me!." Sigaw ni Dad habang si mom ay hanggal gulat lang at hindi makapagsalita.

"Respect respect.. Fvck off, all my life I keep my gourd down ngayon lang ako sumagot sa inyo!" Pabalik kong sigaw and this time di na nakapagtimpi si mom.

"Anna watch your mouth baka ma gising ang grandpa mo at palayasin kana naman!" Pagsaway sakin ni mom.

"Anna nga ba talaga ang palayaw ko mom? At tsaka mas mabuti pa ngang palayasin ako dito eh atleast ngayon I know the reason kung bakit ako papaalisin sa bahay nato di gaya noon wala man lang akong ideya kung bakit nagalit si grandpa sakin at humantong pa sa pinalayas ako." Pagrarason ko. "So tell me magkaano ano kami ng lalaking nasa litrato?" This time tinanong ko sila ng masinsinan pero wala akong na tanggap na sagot. "Ano ba mom dad nalilito na ako so please answer me!" Naiiyak ko ng sigaw.

"Kung anong laman ng utak ay yan ang paniwalaan mo kung sa tingin mo ay yan ang totoo." Mahinhin na sagot ni Dad pero kita sa mata niya ang disappointment.

"Totoo nga, totoo nga ang hinala ko. Kung gayon ay bakit di niyo agad sinabi sakin?" Umiiyak parin na sabi ko.

"Kase simula ng maging kayo ay napalayo na ang loob mo samin at kayo nalang lagi ang magkasama ni mga utos namin di muna sinusunod at maski pag-uwi ng bahay ay hindi mo ginawa at natuto kana ring magrebelde, oo nga hindi mo kami sinasagot pero di mo rin kami kinakausap hanggang sa dumating ang araw ng accident niyo wala na kaming choice since pareho naman kayong nagka amnesia ay pinaghiwalay na namin kayo na lingid sa inyong kaalaman. Pasensya kana sa pagiging makasarili naming magulang Dan I promise to make it up to you." Umiiyak din na sabi ni mom.

"No, I need to talk to Kevin he deserves to know all of this." Pagtanggi ko sa pag-astang yayakap si mom.

"Kung gayon ay nagtagpo na pala kayong muli, totoo nga ang sabi nila kung kayo ang itinadhana kahit sino man ang sumubok na paghiwalayin kayo ay hinding hindi magtatagumpay." Hindi kona inintinde masyado ang ibig sabihin ni mom at nagmadali nalang akong lumabas ng bahay.

(A/N)
Hello jeels I just wanna say thank you for reading my story and also keep safe always and I want to say to those online and offline module students to keep on learning God Bless Y'all. SPREAD LOVE.

To be continued...

Couple VS Destiny(Ongoing)Where stories live. Discover now