Dina Marie : Bes!!! OMG OMG
Angel Regala : ano bes?
Dina Marie : may ka-chat ulit ako!!! Whaaaa ang pogi pa niya... Taga-manila siya.
Angel Regala : hindi ka na nadala, naghanap ka na naman ng malalandi mo. Majondi.
Grabe! Ang harsh naman ng babaitang 'to! Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng ka-chat eh, tapos sasabihan niya ako ng malandi? Ang kapal ng mukha.
Ang sabihin niya, hindi lang talaga siya nilalapitan ng mga lalake! Mahinang nilalang! Wala naman sigurong masama sa pagkakaroon ng ka-chat ngayong lockdown diba? Walang may gustong ma-bored sa bahay nila.
Sumilip muna ulit ako sa conversation namin, mukhang napuyat yata ng todo ang bebe ko. Paano ba naman kasi nakipag-videocall sa akin hanggang alas-singko ng umaga.
Dina Marie : goodmorning <3
"Hoy Dina! Maghugas ka nga ng plato 'don!" sigaw ni Mama galing sa baba. Eto na naman siya, nagsisimula na naman niya akong utus-utusan. Nakaligtas nga ako sa pagpasok sa school, pero utos naman siya ng utos.
Kailan ba ako magkakaroon ng libreng araw ha? Yung walang mag-uutos sa'kin, yung puro cellphone lang ang inaatupag ko. "DINAAAAA!" sigaw na naman niya, dahilan para tumayo na ako sa kama.
"Sandali," sigaw ko naman pabalik atsaka inayos ang sarili. Pagka-baba ko, nag-iinit na ang mukha ni Mama at salubong na ang kilay. Palagi nalang ba siyang highblood? Uso kumalma Aling Gina. Chos.
"Anong oras na hindi ka pa bumabangon!"
"Puro cellphone lang inaatupag mo, wala ka ng natutulong!"
Blah, blah, blah! Nag-huhugas na nga ako kumukuda pa siya! "Eto na oh! Naghuhugas na ako ng plato!" inis 'kong sigaw sakanya atsaka nagpatuloy sa paghuhugas ng plato.
Maya-maya pa, nakaramdam ako ng malakas na kotong sa ulo. "Aray! Ano ba!" sigaw ko ulit dahilan para kotongan ulit ako ni Mama. "Sumasagot ka pa ha," panenermon niya pa habang hinahagis sa lababo yung mga tupperware na malinis.
"Malinis naman 'to ah!" reklamo ko pa atsaka tinuro ang mga tupperware. Kahit kailan talaga ang lakas ng amats ni Mama kapag galit siya. "Tanga, hugasan mo ulit!" sermon na naman niya. Hindi na rin ako kumibo dahil baka ipahugas niya ulit yung mga kaserola namin dito.
Pagkatapos 'kong maghugas ng plato, agad akong bumalik sa kuwarto para tignan kung nag-reply na ba siya. Tulog pa ata siya, hindi naka-delivered ang mga messages ko sakanya.
Dina Marie : just eat your breakfast.. Takecare & staysafe. Wag lalabas ha
Mas okay na sigurong mag-iwan ako ng message sakanya. Para pagka-gising niya, bungad agad sakanya ang message ko. Tumulong muna ako sa paglalaba at paglilinis ng bahay, para mamaya hindi na ako utusan ni Mama.
Halos lahat ng utos niya, ako ang sumalo. Hinayaan ko lang ang kapatid ko na manood. Sinadya 'kong ako ang gumawa lahat para mamaya, si Evan naman ang makita ni Mama at utusan. Siguro naman hindi na niya ako uutusan kapag kausap ko na ang bebe ko.
"Dina, bumili ka nga ng itlog sa tindahan!"
"Opo, Ma!"
"Magluto ka doon, Evan!"
"Ma, ako na!"
"Ma! Tulungan kitang mag-laba,"
"Ako na ang magsasampay!"
"Ako na din maghuhugas ng plato,"
"Ma! Yung mga sinampay kinuha ko na!"
Alas-kuwatro na ng hapon nang matapos ako sa mga gawaing-bahay. Sobrang dami ko nang tinulong sakanila, siguro naman hindi na niya ako pag-iinitan. Nag-pahinga na muna ako saglit sa kuwarto atsaka naligo.
"Let's just kiss till we're naked. Baby, Versace on the floor." pagkanta ko pa habang nagpu-punas ng katawan. Pagkalabas ko ng banyo, agad 'kong kinuha ang blow dryer para patuyuin ang buhok ko.
Kamusta na kaya siya? Ilang oras din akong nawala. Panigurado, tambak na ang chat niya sa'kin. Miss na miss na niya siguro ako, nakakakilig naman. Hindi ko tuloy maiwasan kiligin dahil sa mga nai-imagine ko.
Pagkatapos 'kong mag-patuyo ng buhok, lumabas muna ako ng bahay. Sinigurado ko muna na hindi na talaga ako uutusan ni Mudra. Ayokong maistorbo kami ng bebe ko sa pag-uusap.
Bebe time ang tawag don mga bHie.
Pagka-akyat ko sa kuwarto ko, agad akong humiga sa kama at kinuha ang cellphone ko. "One, two, three, four, five, six. Six hours akong nawala!" kinikilig 'kong sigaw habang kinukurot-kurot ang unan.
Hindi na ako mapakali, anu-ano kaya ang mga messages niya sa'kin? Whaaaaa. Siguro, na-miss niya talaga ako
Pagka-open ko ng messenger, walang messages ang bumungad sa'kin. Hala! Sira ba ang wifi namin? Agad akong bumaba para tanungin ang kapatid ko. "Hoy wala bang connection yung wifi?" tanong ko agad sakanya.
"Boba, paano pa ako nakakapag-youtube?" sagot naman niya. Agad naman akong lumapit para tingnan ang cellphone niya. Naka-connect siya sa wifi at nanonood pa sa youtube.
Dali-dali naman akong umakyat ulit atsaka tiningnan kung may nag-popped up na na message.... Pero wala! Wala kahit isa! Puro groupchats lang ang maingay.
Dumiretso ako kaagad sa conversation namin. Ganoon pa din ang messages ko sakanya, hind pa rin naka-delivered. Busy ba siya? Siguro busy lang talaga siya.
Alas-otso na nang magising ako. Nakatulog siguro ako sa pagod habang hinihintay ko ang reply niya. Iniwan ko din namang naka-bukas ang wifi para ma-receive ko agad.
Pero wala talaga akong na-receive kahit isa!
Dina Marie : tulog ka pa din ba? :<
Dina Marie : imissyouuuu
Sumabay muna ako sa hapunan bago umakyat sa kuwarto. Buti nalang at si Evan ang maghuhugas ng plato ngayon.
Sinubukan ko ulit i-check ang conversation namin pero wala akong na-receive! Pumunta naman ako sa Facebook para tingnan ang profile niya, pero hindi ko na ma-search!
Bumalik ulit ako sa messenger para i-chat siya pero wala na siyang profile!
Nag-deact ba siya?!
Nag-deactivate nga!
Pero bakit?
Ilang araw pa akong naghintay sakanya, pero hindi na talaga siya bumalik.....
- Dina Marie B. Nalik Ann
BINABASA MO ANG
Pang-Quarantine Ka Lang! (On-going)
Novela JuvenilPinanganak yata ako para maging ka-chat niyo ngayong Quarantine - Dina Marie B. Nalik Ann Date Written : August 4, 2020