Chapter 5 : Laban o Bawi?

11 0 0
                                    

What the hell have you done, Dina? Wrong move! Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung ano ang irereply kay Christopher. Bakit ba kasi ako nagpa-uto kay Angel? Ang tanga tanga!




Christopher : sa tingin mo?




Christopher : hahahaha




'Sa tingin mo?' Ano ang irereply ko diyan! Halos kalahating oras na ata akong umikot-ikot sa higaan. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Bahala na! Hindi ko naman siya minamadali. Ewan ko ba, bakit iyon agad ang pumasok sa isip ko. Eh, isang linggo pa lang ata kami nagkakilala.




Dina Marie : oo? HAHAHA char




Kapag ayaw niyong masaktan, lagi niyong ilalagay ang magic word na'tin. Madalas, 'yan lang ang nilalagay ko sa dulo ng mga reply ko. Effective 'din, kasi akala nila nagbibiro ka. Pero yung totoo, gustong-gusto mo na talaga yung bagay na 'yon.




Christopher : akala ko seen nalang isasagot mo eh




Christopher : pwede ka 'bang ligawan?




Nang mabasa ko ang huli niyang chat, halos mapatalon ako sa tuwa. "Hoy! Kalabog ka ng kalabog jan!" reklamo ni Mama sa baba. Agad akong bumalik sa wisyo atsaka nagtype para magreply sakanya. Sobrang bilis naman ata para magligawan kami?




Dina Marie : hala, totoo? baka scam 'yan




Kunware pa ako, pero deep inside gusto 'kong sabihin na 'Oo! Ligawan mo na ako.' Hindi ko na ulit hinintay ang sagot niya at natulog na. Kinabukasan, agad akong nagising para tulungan sila sa baba. Good thing hindi na nanenermon si Mama. Nakita naman niya kasi na kumikilos na ako sa bahay.




Pagkatapos namin kumain ng tanghalian, si Evan ang naghugas ng plato. Nakakainis! Muntikan pa kaming mag-talo kanina. Kapag narinig na naman 'yon ni Mama, panigurado madadamay ang cellphone namin. "Ayus-ayusin mo, ako mas matanda sa'tin." pagbabanta ko pa sakanya, habang nilalagay ang mga kaldero sa lababo.




"Pake ko, ang panget mo naman." sagot naman niya pabalik atsaka ako tinulak ng marahan paalis sa gilid niya. Papatulan ko pa sana siya, pero hinayaan ko nalang dahil baka makita kami ni Mama.




Sobrang daming tanong ang pumapasok sa isip ko ngayon. Ano kaya ang sagot ni Christopher sa chat ko kagabi? Kailan kaya siya manliligaw? Teka, bakit ba ako nago-overthink ng ganito?




Nang makuha ko ang cellphone ko. Bakit.. Bakit ayaw bumukas! Agad 'kong kinuha ang charger ko at nilagay sa may tabi ng drawer. Nahagip ko ang isang sticky note sa unan ko, color green siya at may sulat.




Humiga ako ng kaunti para abutin 'yon. Biglang nandilim ang paningin ko nang makita kung ano ang nakasulat. Pashnea! Bakit ba hindi ko naisip na isarado ang pintuan kagabi?!




"Hi ate, kamusta yung cellphone mo? Full-charge ba? Sana all. Sana all hindi na-charge HAHAHAHA."




Hindi na ako nagdalawang-isip at agad akong bumaba papuntang kusina. Pero wala na siya 'don! Alam niyang hindi ako nagbubukas ng cellphone pagkagising kaya ginawa niya 'yon. Dali-dali akong dumiretso sa taas para katukin ang kuwarto niya.




"Hoy, punyeta ka! Anong ginawa mo sa cellphone ko!?" ilang beses ko na 'din kinatok ang kuwarto niya.




Maya-maya pa, rinig na rinig ko ang hagalpak niya sa tawa. "Ano'ng sabi mo? Hindi ko marinig? Pakiulit nga?" pang-aasar niya. Napairap nalang ako dahil sa inis. Bwisit! Bakit ba ganito yung kapatid ko?! Nakakaubos ng pasensya!




Pang-Quarantine Ka Lang! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon