"Punyetang mga labada! Laba ng laba!" sigaw ko habang nilalagay sa washing machine ang maruruming damit. Palagi nalang ba kaming maglalaba? Kailan pa ba sila matututong maglaba ng kanya-kanya? Eh, halos wala naman dito mga damit ko.
"Ate, susumbong kita kay Mama. Mura ka ng mura," pananakot naman niya habang sinasampay ang mga damit. Inis akong lumingon sakanya atsaka binasa ng tubig ang paa niya. "Inggit ka? Gayahin mo'ko," pamimilosopo ko pa.
Napaka-sumbungero talaga ng kapatid ko kahit kailan, palibhasa favorite kasi siya ni Mama kaya nagkaka-ganyan.
Pagkatapos namin maglaba, nakahanda na agad yung tanghalian. Nag-aayos na din si Mama nang mga plato, tanging pag-upo nalang ang inatupag ko atsaka kumuha ng kanin.
"Ma, paabot nga ng tubig." utos ko naman habang nagsasandok ng kanin. Ganito palagi ang routine namin kapag may labada-- si Mama ang kikilos sa buong bahay, habang kami ng kapatid ko ang maglalaba.
Hindi naman kami gaanong naguusap-usap kapag kumakain, madalas palagi kasi akong dumidiretso sa kuwarto.
Pagka-akyat ko ng kuwarto, agad akong nag-scroll sa cellphone ko. Wala pa din namang nagbabago kaya lumipat nalang ako sa Messenger.
Angel Regala : bes, kamusta?
Dina Marie : okay naman, laba ng laba. Ikaw?
Angel Regala : eto may kachat ako hahahaha.
Dina Marie : sana all nalang ako hehe.
Wow, first time ko yatang makita sa talambuhay ko na may kaharutan ngayon si Angel. Sabagay, sino ba naman ang hindi maiinip ngayong lockdown? Pashnea! Gustong-gusto ko nang sugurin ang haliparot na umagaw sa jowa ko. Charot, wala pala kaming label.
Dina Marie : saan mo nakilala?
Angel Regala : sa neargroup.
Dina Marie : huh? Ano yan?
Angel Regala : pwede kang makahanap ng makakachat diyan, basta chat lang.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Angel. Hindi ko akalain na mayroon palang ganito sa Messenger. Maya-maya pa, tinuruan niya ako kung paano ko makikita 'yon. Tinulungan niya din ako kung paano i-set up ang profile ko.
Angel Regala : mayroon naman duyang instruction kapag gusto mo nang i-end, or maghahanap ka.
Dina Marie : oh, i see. thank you!
Mukhang wala naman masama kung susubukan ko ang ni-recommend sa'kin ni Angel diba? Naghahanap lang naman ako ng makakausap. Promise, kausap lang talaga-- ayaw ko na kasing ma-engage muna sa mga relasyon relasyon. Sobrang sakit pa din kasi.
Chat Now
Yay! You are now connected!
Say hi to Christopher Jay!
18 years old 90km awayhi
Sobrang bilis naman pala makahanap ng makakausap dito. Mukhang malilibang ako ngayong gabi dahil mayroon akong makakausap.
hello
anong ganap? haha
BINABASA MO ANG
Pang-Quarantine Ka Lang! (On-going)
Teen FictionPinanganak yata ako para maging ka-chat niyo ngayong Quarantine - Dina Marie B. Nalik Ann Date Written : August 4, 2020