"Alam mo, tangina ka talaga. Nananahimik ako tapos reto ka ng reto!"
[Tangina mo 'din, ikaw na nga binibigyan ng kaharutan ayaw mo pa,]
Nakakainis! Bakit hindi man lang nagpaalam sa akin si Angel?! Nagdadalawang isip pa ako kanina kung ia-accept ko siya, kanina pa siya nanggugulo sa messenger. Kinabukasan, maaga akong nagising para tumulong sa paglalaba. Hindi ko rin binuksan ang cellphone ko para hindi ako makonsensya sa nireto ni Angel.
Hindi naman mukhang dugyot si Gabrielle, base sa picture niya. Mukhang may kaya din sa buhay at.. hindi nang-iiwan? Hindi ko sigurado.
Pagdating ng tanghali, wala na akong ginagawa. Bumalik na naman ako sa pagkukulong sa kuwarto. "Sige. Magkulong ka diyan, wag ka ng lalabas." pagbabanta pa ni Mama bago ako tuluyan na maka-akyat sa taas.
Pagkabukas ko sa Messenger, bumungad sa akin ang madaming message request ni Gabrielle. Mukhang hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ko siya nirereplyan.
You and Gabrielle can now see each other.
Gabrielle : buti naman at inaccept mo na ang message req ko :)
Dina : oo para tumigil ka na
Gabrielle : ops ops, teka lang
Gabrielle : makikipag kaibigan lang ako sayo, promise
Dina : wews, reto ang sinabe saken eh
Bakit parang nagmukha akong demanding sa huli 'kong sinabi? Hayaan mo na, hindi ko naman siya papatulan. Kung gusto niya akong maging kaibigan, edi go lang. Basta huwag lalagpas doon, hindi pa ako ready.
Gabrielle : kaibigan nga tapos mapupunta din doon sa something na alam mo na
Dina : huh?
Mapupunta sa something na alam ko na? Siraulo ba siya? Anong pinagsasabi neto? Mukhang walang maganda na maidudulot 'tong lalaki na 'to. Hinayaan ko lang siya na dadaldalan ako sa Messenger.
Kung anu-ano na din ang mga na-kuwento niya. Samantalang ako, tanging 'hahaha' at 'ganon ba?' ang nirereply ko. Halatang walang pakealam sa nagku-kuwento. Minsan tinatanong niya ako kung bakit hindi ako nag oopen.
Dina : kasi hindi ako close. K
Gabrielle : tatawa na ba ako?
Dina : oo, mga 45
Gabrielle : hahahahaha 9x
Dina : ???
Hay nako! Ginagamitan niya pa ng math yung reply niya! Wala ako sa time makipag biruan ngayon.
Gabrielle : bilangin mo yung haha diba lima tapos i-multiply mo ng 9 edi 45
Dina : gago
Tangina?! Bahala siya sa buhay niya, basta ako sasakyan ko lang lahat ng trip niya. Pagdating ng gabi, biglang tumawag si Gabrielle sa Messenger. Ilang beses ko ng pinatay ang call niya, pero paulit ulit niyang ginagawa. Wala akong choice kung hindi sagutin.
"Bakit ka tumatawag?!" galit na bungad ko sakanya. Tahimik ang kabilang linya pero maririnig mo yung ingay ng mga sasakyan. "Nasa labas ka 'no? Ma-curfew ka sana," pahabol ko pa atsaka umirap.
![](https://img.wattpad.com/cover/235628510-288-k542648.jpg)
BINABASA MO ANG
Pang-Quarantine Ka Lang! (On-going)
Teen FictionPinanganak yata ako para maging ka-chat niyo ngayong Quarantine - Dina Marie B. Nalik Ann Date Written : August 4, 2020