Chapter 8 : Ano 'to, sumpa?!

14 0 0
                                    

"Confirmed! Madaling ma-attach si ate!" sigaw pa ni Evan, nang ma ikwento ko sakanya ang nangyari tungkol kay Franklin.



"Sino ba kasi ang aamin? Eh, ka-duo mo lang sa ML," pahabol niya pa atsaka umiling uling. "Anong magagawa mo?! Yun yung nararamdaman ko?" depensa ko pa pero tinawanan niya lang ako.



"Ay nako," napamasahe pa siya sa sentido niya, mukhang nastress sa akin. "Kapag laro lang, laro lang. Wag idadamay yung buhay pagibig," umiling na naman siya at tumawa ulit.



"Ayoko na mag ML, panira ng mood." naiinis 'kong sabi atsaka umirap. Gosh, iyon na nga lang ang libangan ko tapos mab-broken pa ako? "Sige, bigay mo nalang ulit yung account. Pataasin ko nalang, incase na bawiin mo ulit." sagot naman niya atsaka dumiretso sa kuwarto.



Huminga ako ng malalim atsaka nanood nalang ng Netflix maghapon. Mas gusto pa nga ni Mama na nakababad ako dito sa sala kaysa nagmumukmok sa kuwarto at puro cellphone lang ang inaatupag. Kapag may ipapautos siya, sa akin niya inuutos.



Pagdating ng tanghali, sabay sabay kaming kumain. Pakiramdam ko, payapa yung araw ko ngayon dahil wala akong iniintindi sa cellphone. "Oh dati ganitong oras ka palang bumabangon, Dina. Himala ata?" panimula ni Mama.



Ayan na naman sila, nagsisimula na silang asarin ako.



Uminom muna ng tubig si Evan bago magsalita. Pinandilatan ko pa siya ng mata, sinasabing itikom niya ang bibig niya pero ngisi lang ang sinukli sa'kin. "Ehem, game set ko." pagpaparinig ko, agad siyang nabigla dahil nilabas ko yung alas na meron ako.



"Paano kaya, pati sa ML broken."



Punyeta. Hindi ba marunong magtago ng sikreto yung kapatid ko?! Bakit kailangan niya pang sabihin kay Mama na broken ako ngayon!?



"Panay naman atang broken yan eh, hindi ka talaga nagmana sa akin." pagbibiro naman ni Mama atsaka kumain ulit.



Pagdating ng hapon, nanood lang ulit ako ng series at movies sa Netflix. Ni hindi ko nga namalayan na alas-sais na ng gabi. Agad kong hininto ang pinapanood ko atsaka nagsaing na, para pagkagising ni Mama, siya na ang bahala sa ulam.



Pagkatapos naming kumain, dumiretso na ako sa kuwarto para maligo at humilata sa kama. Maya-maya, nang i-connect ko ang cellphone ko sa Wifi, sunod-sunod ang messages sa akin ni Angel.



Angel Regala : uy



Angel Regala : broken ka 'no?



Angel Regala : nagchat si Franklin sa'kin, sorry daw talaga



Angel Regala : okay lang yan, ml lang nasa isip 'nun



Angel Regala : uy, dika talaga sasagot?



You missed a call from Angel Regala.



You missed a call from Angel Regala.



Angel Regala : wow, broken hearted ampeg



Siraulo talaga siya. Paano nakarating kay Angel si Franklin? Tinignan ba niya friend list ko para lang makisuyo ng sorry sa iba? Sumasakit lang lalo ang ulo ko sakanya, ayaw ko na siyang pag usapan. Wala na akong pakealam kay Franklin, at bahala na siya sa buhay niya.



Dina Marie : bes, walang may pake doon sa lalaking yon okay?



Dina Marie : payapa na yung buhay ko ngayon.



Pang-Quarantine Ka Lang! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon