Chapter 3 : Moving On

33 2 0
                                    

Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang umalis






"Whaaaaaa" pagd-drama ko pa habang binabato isa-isa ang unan. Naka-ilang bawal na din ako kay Mama dahil kanina pa kumakalabog dito sa taas.





Kasalanan ko bang pinagpalit ako ngayon quarantine? Bakit ganyan yung mga lalaki? Pare-prehas lang silang mang-iiwan! Mga manloloko! Porke't malayo ka na sa tabi nila, makakahanap na sila ng bago?





"Kumain kana dito Dina, huwag mo'kong hintayin na umakyat diyan!" sigaw naman ni Mama, galing sa baba. Nakakainis! Hindi pa ako tapos mag-drama, sumisingit agad siya! "Eto na bababa na!" sigaw ko naman pabalik saka inayos ang sarili.





Sobrang mugto na din ng mga mata ko at kulang pa sa tulog. Pagkababa ko nang hagdan, agad tumambad sa akin si Evan. "Ate, anong nangyari sayo?" natatawa niyang tanong habang sinusubukan akong kuhanan ng litrato.






"Tanginamo, wala ako sa mood." pambabara ko naman atsaka umupo sa hapag-kainan. "Hotdog na naman," reklamo ko habang nagsa-sandok ng kanin. Mamaya pa, kinaltukan ako ni Mama sa ulo dahilan para mapalingon ako sakanya.






"Ma! Ano ba!"  sigaw ko pa pero sama lang ng tingin ang sinukli niya. Alam ko yung mga titigan na 'yan eh, yung mga titig na kulang nalang palayasin ako ng bahay.





Pagkatapos 'kong kumain, agad 'kong hinugasan iyon atsaka umakyat papuntang kuwarto-- hindi pa kasi ako tapos mag-drama. "Aba, anong balak mo sa buhay Marie?" tanong naman ni Mama habang paakayat ako sa hagdan.





Hindi na sana ako sasagot, pero naisip ko baka pagalitan at utus-utusan na naman niya ako. "Talagang, plato mo lang ang hinugasan mo? Tarantado ka talagang bata ka." panenermon na naman niya habang binabalibag ang mga pinagkainan nilang dalawa ni Evan.





Lumingon naman ako sakanya, saka inayos ang sarili. Kanina pa ako nagtitimpi sayo Mama, wag mo ng dagdagan ang pasakit ko. "Ma, maglilinis ako ng kuwarto ko. Ayaw niyo ba 'yon?" tanong ko naman ng mahinahon atsaka nagpatuloy sa paglalakad.





Pagkapasok ko ng kuwarto, agad akong humiga atsaka nagpatugtog ulit. Mas lalo akong naiyak dahil saktong-sakto ang mga lyrics ng kanta sa'kin.





Tayo ay pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Hanggang dito nalang tayo






"Putangina, whaaaa!" sigaw ko pa habang pinipigilan maiyak. Tangina, sobrang sakit ng ginawa mo sa'kin Prince. Hindi ko akalain na lolokohin mo ako ngayong lockdown. Ilang oras pa akong nag-drama, sobrang maga na din nang mga mata ko.






Naisipan ko namang maligo at ituon ang ibang sarili ko sa ibang bagay. Nakakainis! Mga ganitong oras, palagi kaming magkausap at naghaharutan ni Prince eh.




"Sa akin ka lang?"





"Oo naman," malambing 'kong sagot sakanya habang naka-yakap sa isa't-isa.





"Promise?"





"Promise!" sagot ko naman atsaka nag-pinky swear sakanya.





Whaaa! Mga pangakong hanggang ala-ala nalang! Bwiset na pangako 'yan, mas nauna 'pang nawala kaysa sa virus! Kagaya ng sinabi ko kay Mama, nilinis ko ang buo 'kong kuwarto-- para na din mahibang ako kahit papaano. Mas lalo lang kasing dumami ang oras ko noong nawala si Prince.






Pang-Quarantine Ka Lang! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon