Chapter 1 : Lockdown

42 3 0
                                    

Angel Regala : bes!!!



Dina Marie : Oh? Bakit?




Angel Regala : Hindi mo pa ba nababalitaan?




Dina Marie : hindi? Ano 'bang meron?





Angel Regala sent a photo.




Angel Regala : ano ba yan bes, puro ka kasi harot ng harot. Wala ka tuloy alam sa mga nangyayari sa paligid.







Agad 'kong tiningnan ang picture na sinend ni Angel sa'kin. Duh? Kasalanan ko 'bang may jowa ko? Ay! Mali pala, wala pala kaming label. Oo bHie, wala kaming label. Imagine, nagi-iloveyou-han kami pero walang label.





Agad akong napahiyaw sa kuwarto ko nang makita ko ang nakasulat doon sa picture. "Yes!" sigaw ko pa atsaka paulit-ulit na gumulong sa higaan. Suspended ang pasok namin dahil sa pandemic.






Nagmamadali akong bumaba ng hagdan para ipakita sakanila ang picture. "Maaaaa!" sigaw ko pa atsaka humarang sa pinapanood nila. "Maaaaa! Tingnan mo 'to!" sigaw ko pa saka tumabi sa gitna nila ng kapatid ko.





"Ano 'yan ate?" tanong naman ni Evan saka sumilip sa cellphone ko. Pagkatapos niyang mabasa, agad siyang napahiyaw dahil sa tuwa. Si Mama naman ngayon ang tumingin, mukhang hindi pa yata siya masaya dahil suspended ang klase namin.






"Legit ba 'yan?" tanong naman niya sa'kin. Napa-tango nalang ako bilang sagot sakanya atsaka nag-scroll sa facebook para ipakita ang  original na post. "O'siya," maikli naman niyang sabi atsaka nanood nalang ulit.






Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko makikita si Prince. Pinagbawal din kasi lahat ng mga under-age na lumabas ng bahay. Hays, mukhang matatagalan pa ako bago ko siya makita.






Prince : loveee



Dina Marie : yes love??



Prince : miss you :"<



Dina Marie : imissyoumoreee!!! Lockdown ngayon, hindi na niyan kita makikita.




Prince : oo nga eh, videocall nalang tayo ha!! iloveyou!!




Dina Marie : opoooo, iloveumore!!






Buti nalang at napaka-considerate ni Prince. Hindi naman sa pagmama-yabang pero 5 Months na kami ni Prince. 5 Months na kaming walang label, punyeta. Schoolmate ko siya noong highschool hanggang ngayon. Naging crush niya daw ako since Grade 9.





Incoming Grade 12 na kami sa susunod na school year. Sayang nga lang at magka-iba kami ng strand na kinuha. ABM ang kinuha ko, samantalang siya HUMSS.





Sa lahat ng mga naging jowa or ka-M.U. ko, siya ang pinaka-humble at mabait. Although, hindi pa kami legal both sides. Pakiramdam ko siya na talaga.





Kinabukasan, maaga akong nagising para lang batiin si Prince. Hindi pa siya online pero mas maganda kung ako na ang unang bumati sakanya.





Dina Marie : Goodmorning sunshine!!






Pagkatapos 'kong i-send 'yan, kumilos na ako para tumulong kay Mama. Baka magsimula na naman kasi siyang kumuda kapag hindi ako kumilos dito sa bahay. "Himala!" pang-aasar naman niya pagkababa ko palang ng hagdan.






Pang-Quarantine Ka Lang! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon