Chapter 2 : Sabihin mo, Salamat Quarantine

27 2 0
                                    

Monthsary namin ngayon ni Prince, pero hindi na siya nagpa-paramdam. Grabe, hindi ko alam kung ano na ang kaganapan sa buhay niya. Ni-hindi man lang nga niya ako sini-seen eh. Sobrang sakit, hindi ko expect na magiging ganito ang relasyon namin.





Dina Marie : loves...



Dina Marie : busy? Btw, happy monthsary..




Kahit na online siya, hindi niya sini-seen. Naka-'sent' lang siya pero hindi 'delivered'. Dahil hindi ko naman siya makakausap ngayon at bawal din namang lumabas. Lumipat nalang ako sa facebook at nag-scroll, nagbabaka-sakaling mag-reply maya maya si Prince.





Agad akong dumiretso sa timeline niya. Active now pa rin naman ang nakalagay. Pagka-tingin ko sa wall niya, may tatlong sharedpost agad. Mas lalo akong nagulat dahil 3 minutes ago palang 'yon. Ibig sabihin, online siya pero mas pinili niyang hindi aki replyan!





Nang mag-refresh ako sa timeline niya, may bago siyang sharedpost. Aba, nakikipag-lokohan yata siya sa'kin.





Prince Nucum shared a post.

baka naman.

single ako hehe.





Agad akong nag-react ng 'Wow' sa sharedpost niya. After 10 seconds, agad niya din binura ang share na 'yun. Isa lang talaga ang natatanging sagot sa mga katanungan ko....




Active na active siya tapos hindi man lang ako re-replyan.




Ganon ba talaga? Kapag hindi kayo magkasama humihina yung relasyon niyo? Signal lang ang peg natin Prince ha?





Dina Marie : uyyyy

Dina Marie : busy ka ba o trip mo lang ha?


Prince : busy ako.





Wala na naman akong magawa kung hindi hintayin siyang matapos sa ginagawa niya. Lahat ng gawaing bahay ay pinatos ko na, kaya pati si Mama nagtataka sa'kin.




"Hoy, anong nakain mo? Bakit ka kumikilos?" tanong naman niya habang naka-pamewang. Hindi ko naman siya kinibo dahil gusto 'kong mabusy at makalimutan yung sakit na dinaramdam ko ngayon.





Ito na siguro ang pinaka-malungkot na monthsary namin.






Lumipas ang tatlong araw, tuluyan na nga siyang hindi nag-chat. Walang umaga, tanghali o gabi na hindi ako nagc-chat sakanya. Palagi ko din siyang pinapa-alalahanan na kailangan niynag kumain ng tama.





Dina Marie : goodmorning!! Don't forget to eat your breakfast.



Dina Marie : kakatapos ko lang po kumain ng tanghalian.



Dina Marie : happy dinner.... Goodnight loves.





Halos paulit-ulit nalang ang mga chat ko sakanya pero ganoon pa din naman ang pakikitungo niya sakin, hindi niya pa rin ako nire-replyan.







Kinagabihan, sobrang bigat na talaga ng pakiramdam ko. Ilang araw na din kasi akong hindi kumakain ng maayos. Maya-maya pa, kumatok si Mama sa kwarto. "Hindi ka ba kakain anak?" tanong naman niya.







Buti nalang at naka-lock ang pintuan, hindi niya basta-bastang mabubuksan 'yon. "Ewan," sagot ko naman saka nag-talukbong ng kumot. Kamusta na kaya si Prince? Bakit hanggang ngayon hindi pa din siya nagre-reply.





Pang-Quarantine Ka Lang! (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon