Day 5

8 0 0
                                    


Day 5

Tanghali na akong nagising mga 9:30 am na at tirik na tirik na ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. I stretched my arms and yawned. Napasulyap ako sa tapat ng bahay namin. Wala naman si psychopath doon siguro. I quickly took a bath at kumain ako ng oatmeal na iniwan ni mama sa table.

"I'll stay indoors na lang, baka masira na naman araw ko kapag nakita ko ag lalaking 'yun. Dito na lang ako mag-iingay." I said to myself.

Kinuha ko ang megaphone. "Hello ang saya-saya din pala kahit nasa loob ka lang ng bahay. Walang buwiset na sisira ng araw mo!" I crowed.

Naghanap pa ako ng pwede pang pagkakalibangan nang hindi nalabas ng bahay. Movie marathon na lang kaya? Pero nagtitipid nga pala kami sa kuryente, I sighed.

Wala rin namang magawa sa internet, magdownload na lang kaya ako ng mga kanta? Pero wala rin akong maisip maidownload.

I ended up feeling bummed out. Wala rin palang kathrill-thrill, unlike kapag nasa labas ako nagagagala lang, at makakasalubong ko si Eslov at may nangyayaring unusual. I like the adrenaline rush in everything combined...around him. Wait what the hell I'm thinking? No. No. I hate him matapos niya akong ipahiya kahapon, buminggo na siya kahapon sa akin at kapag naulit pa iyon, I swear to the deepest pit of hell, sasapakin ko talaga siya. Naalala ko tuloy 'yung gf niya na patay na then I realized what we both have in common, both of our loved ones were already dead. I wondered how he endured that pain with the aching loss. Siguro kaya umaasta siyang ganoon, way nya lang 'yun para 'di sya masyadong magdwell sa kalungkutan na nadarama nya. But still, 'di pa rin makatarungan ang inaasal ng gagong 'yun!

In the rosy view, I admire him. Paano niya nakakayanang mag-isa sa dulo ng vlillage na 'yun? Paano niya nakakayanang mabuhay mag-isa malayo sa mga magulang niya? Paano niya nakakayanan ang pagkawala ng minamahal niya? Higit sa lahat, paano niya nakakayanan mamuhay sa maganda pero malungkot at nababalot ng misteryo na village na ito?

Hindi rin ako nakatiis after an hour, lumabas na rin ako. This time, dala ko na rin ang phone ko.

Ewan ko kung anong nagtulak sa akin maglakad papunta sa dulo ng village kung saan nandun nakatirik ang cabin nya. I uttered a prayer as I walked by, praying na 'wag na naman akong pagtripan ng pulang kotse ng psychopath na 'yon.

I grew tired when I reached the frontyard of his cabin. Nagmatiyag muna ako, ayoko namang basta na lang sumulpot basta-basta sa may trangkahan ng pintuan ng cabin nya.

"Hello?" This time wala akong megaphone na dala.

Walang sumasagot.

"Eslov!" tawag ko.

Wala pa ring sumasagot.

"Eslov! Mayabang ka! Lumabas ka diyan!" I didn't sound threatening though. Suddenly, biglang umihip ang malakasna hangin. I wrapped my arms around me. Buti na lang, nakalongsleeves ako.May papel na namang naglanding sa paanan ko. I was frozen in tracks nang mabasa ko 'yung letter. His love killed me. Written in cursive and still, onion paper pinaggamitan. I could feel my heart skipped in a beat. Hindi na maganda ito, hindi ko namang masasabihang natangay na naman ito ng hangin mula sa basurahan. Itinapon ko na ito somewhere noon, but it kept on coming back at me. Sino ba sumulat nito at anong nais niyang iparating? Obviously, babae siguro sumulat nito pero sino 'yung "his" sa sinasabi niya? Napaisip ako nang malalim habang hawak pa din ang papel na iyon. I smelled the paper for the very first time. My nose wrinkled, amoy ipis.

"What are you doing here?" Nagulat ako nang marinig boses niya. I spun around.

"Eslov..." my voice croaked.

Portville VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon