Day 10

6 0 0
                                    

Day 10

"Miss ka na namin talaga sis, kailan ka ba pupunta dito?"My friends asked me over our skype session;ka-skype ko ang mga kabarkada kong babae sa tropahan namin ni Travis noong highschool.

"Ako rin, sobra." I said, smiling at them.

"Weh? Hindi halata." Wika ni Jovy.

"Oo nga. Hmmp. Hey wait, parang blooming ka ata ngayon sis," puna ni Ritz.

Napatingin tuloy ako sa sarili ko sa cam."Hindi nga?' I basked.

"Naniwala ka naman hahahaha!" pang-aalaska nilang tatlo.

I pouted my lips. "Kayo talaga, anyway lagi naman akong blooming eh hihi."

"Sus hanggang ngayon GGSS ka pa din (Gandang ganda sa sarili)" wika ni Mitch, ang pinakapetite sa aming lahat.

"Bakit talaga namang maganda ako ah?"

"Oo na. Teka, baka ipinagpalit mo na si Trav diyan ha. Kumusta pala diyan? May pogi ba diyan?" singit ni Jovy.

Upon her query, I felt the sting of betrayal washed all over me. It burned me.

"Huy, tulaley? Guilty ba?' tukso ni Mitch.

"Wala namang katao-tao masyado sa village na ito. Ang lungkot-lungkot nga eh kaya lalo ko kayong namimiss," I lied. I hope it did convince them. Pero totoo din nmang miss ko na talaga sila, okay that was a half lie. Sa totoo lang, masaya ako sa village na ito lalo't pa nagiging close na kami ni Eslov. Bigla tuloy akong napangiti.

"Hala. Tignan mo oh ngiting-ngiti, bakit kaya?" Tukso na na naman nila.

Shit, halata sa camera pagba-blush ko. Buti ako lang nakakapansin ng pamumula ng pisngi ko.

"Wala, masaya lang ako at nakaskype ko kayo. Oh paano bye bye na muna pakikamusta na lang ako kina Mark, Jester, at Prince."

"Okay we love you sis! See you soon!Mwah!" They all chorused.

"Loveyou more girls!" I said and then I logged out.

Nagdecide ako na magwind up muna sa mall. As I stepped outside, nakatitig sa akin si psychopath, ewan ko pero natatakot pa rin ako sa kanya. Hindi naman nya ako tinitigan ng masama then she mouthed, "Goodmorning" Aba totoo nga sinasabi ni Eslov.

"Goodmorning din po," tugon ko. Lumapit sya sa akin. I was about to flinch nang bigla niya akong sinabihan ng "Thank you".

Then she bolted out of my sight at nagtungo sa loob ng bahay niya. I stood there aghast bigla nang bigla na lang may kumalabit sa akin.

"You look like you've seen a ghost,"

"Eslov..uhm.. eh kasi lumapit sakin si psychopath at nagthankyou"

"Wow," he muttered in disbelief.

"Yeah I know. So far, wala ng unusual na nangyayari sa akin dito sa village. Namimiss ko tuloy bigla," biro ko.

Bigla syiang natahimik na para bang may mali sa sinabi ko.

"Okay ka lang?" I asked warily.

"Yeah. Saan ang punta mo ngayon?"

"Sa mall, magpapalamig" Sama ka? Gusto kong idugtong pero as usual hanggang sa isip ko na lang ang mga katagang nais kong sabihin sa kanya.

"Oh sige ingat ka," matipid niyang sagot. Medyo umasa akong sasama siya at nadismaya ako sa sarili ko.

"Ikaw din," was all I managed to say as I clutched my sling bag.

Masyado ka nang nasasanay Enidh having him around, na feeling mo susundan ka niya at magtatagpo kayo palagi. Feeling mo hahabulin ka na naman niya by the road para iligtas ka sa nakaambang panganib, feeling mo yayayain ka niya to go elsewhere by the village, hihiga sa ilalim ng puno ng mangga at pagagaanin ang loob mo, feeling mo iaangkas ka niya sa bike niya papabalik sa bahay niyo o 'di kaya'y papunta sa cabin niya, feeling mo mauulit 'yung pagbigay niya sa iyo ng rose at ang pagpahid ng mga luha mo gamit ito, gaga peace offering lang 'yun remember? At higit sa lahat, feeling mo may feelings siya sa'yo!

Portville VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon