Day 13

4 0 0
                                    


Day 13

"Ma, tumataba ba ako?" I asked cautiously.

"Bakit mo naitanong?"

"Wala lang po. Pero tumataba ba ako?"

"Hindi naman anak,pumayat ka nga nang kaunti e." She beamed.

"Really? Great!" I basked as I twirled gracefully.

"Ano'ng meron anak ha?" she asked suspiciously.

"Eslov asked me out." I beamed.

She mirrored my buoyancy.

"Wow kaya naman pala eh. Wait, do you like him?"

"'Di ba halata?" I retorted with a smile.
"Okay naman siya para sa akin. I'm happy for you anak, mukhang over ka na nga talaga kay Travis," and she gave me a bear hug.

"I know, but sometimes I feel guilty, sinabi ko kasi noon sa kanya sa puntod nya na hindi sya mapapalitan sa puso ko, siya lang." I sighed.

"No anak. It's okay. It really happens. Sabi nga nila wala namang permanente rito sa mundo lahat pwedeng mabago, lalo na feelings ng isang tao. It will attest by time. Your wounds are perfectly healed now and I'm sure masaya rin para sa iyo si Travis."

"I hope so. Lagi nga ako nagsosorry sa kanya."

"Aww. Don't feel guilty anymore nak' basta lagi na lang natin ipagpray ang eternal peace nya."

"Yeah right mom, I'll always do that and I've been doing that since he passed away."

Napagkwentuhan namin ni mama si Eslov habang nagmamanicure ako. Ikinuwento ko sa kanya na parehong mga special someone namin ay nasa piling na ni Lord. Hindi ko na ikinuwento ang malagim na pagkamatay ni Cindy. She was thrilled upon her discovery.

"Maybe itinadhana talaga kayo para sa isa't-isa," she beamed again.

"Mom, 'wag nyo ngang sabihin yan baka lalo akong umasa," biro ko.

"Why not?" She retorted.

I looked at the clock routinely. Ang tagal naman mag alas kwatro. I decided to take a nap after lunch. Nagbilin din ako kay mama na gisingin niya ako around 2:00 so I could prepare already for the anticipated first date.

She did wake me up around 2:00 pm. I started to curl my hair, para naman maiba sa paningin niya, nauumay na siguro sya sa plain look ko. Ang totoo, 'di ako ganong kaarte with my looks, 'yung madaming arte sa buhok, make-up, etc. Hell no, sapat na sa akin pressed powder, lipbalm at simpleng lipstick, 'yun lang ayos na ako roon. Pero pagdating sa pananamit doon ko na ibinubuhos ang kaartehan ko.Haha.

3:45 pm

"Ms. Enidh Sarmiento your handsome date had just arrived!" A voice crowed over the megaphone.

Eslov? Paano nagkamegaphone ang lokong 'yun?

I peeked over my window, ayokong bumulaga sa kanya agad, gusto ko 'yung kagaya sa mga napapanood ko, slowmotion akong tatambad sa paningin niya at mapapanganga siya sa itsura ko. Natawa tuloy ako sa pinag-iisip ko, knowing him baka buskahin lang ako nun. Pero hindi naman siguro this time? He wore a gray suit and his tousled hair was gelled. He was holding a boquet of peach roses...again. He looked like a dropdead dashing prince from head to toe.My mom let him in.

"Wow may megaphone ka din pala iho,"puna ni mama. Naririnig ko sila mula sa kwarto ko.

"Opo,binili ko po ito nung isang araw nainggit kasi ako...este nahawa na kasi ako sa anak niyo," biro niya.

Portville VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon