Day 9
The dream still lingered in my thoughts upon waking up. Bakit ba palaging gruesome ang ending ng panaginip na iyon? Ano ba 'yung epal na kutsilyo na 'yun? Kung noong una umeksena ito as our lips were only an inch away, last night naman sinaksak nito 'yung guy a walang iba kungdi si Eslov! Bigla akong kinilig upon thinking him. Ibang level na ito, napapaginipan ko na rin sya. Ako rin kaya napapaginipan niya? Naalala ko na naman ang kilig moments namin under the mango tree; kung paano niya pinunasan ang luha ko gamit ang rose, kung paano nya pinagaan ang loob nya with his words of wisdom. Ang sweet pala niya, ang swerte ni Cindy sa kanya. Sayang nga lang at maagang kinuha sa kanya si Cindy ni Lord.
"Enidh, quick get dressed. Pupunta tayong Manila ngayon!"
Nagulat ako sa sinabi ni Mama.
"Ha? Anong mayroon, Ma?" I didn't like to go there ngayon pang kilig na kilig na ako.
"Nasa ospital lola mo, malubha na siya,"
With that, I suddenly felt the pain twisting in different patterns in my heart. My granny, ang lolang kinalakihan ko. Siya ang lola ko sa side ni dad. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa inyo, wala na rin akong ama, he died n a heart attack grade 6 pa lang ako. Close kami ng lola kong 'yun and I couldn't bear na hindi ko siya makita sa mga panahong kailangan niya kami.
"Okay po." All the feeling of kilig dissolved at napalitan ito ng takot at pangamba para sa butihin kong lola. Time couldn't wait any longer. Kailangan niya kami. I quickly get dressed not minding kung maayos o pormada ba ang outfit ko besides, walang mahalaga sa akin ngayon kungdi makita ang lola ko. My lips curled in a bitter curve sa posibilidad na it'll end up in loss. I couldn't afford to lose a loved one at this time. Alam ko namang doon tayo lahat tutungo pero sa ngayon, 'wag muna. Hindi ko na kaya mawalan na naman ulit ng minamahal.
Nang naglalakad na kami papuntang kalsada para mag-abang ng bus, may narinig akong tumatawag sa akin.
"Enidh!!!" Si Eslov. Hingal na hingal habang tumakbo. Huminto ito nang maabutan niya ako.
"Sino siya?" tanong ni Mama.
"Ah siya po 'yung sinasabi ko sa inyo na nakilala ko noong first day, alam niyo na," I said grinning. Ayoko namang sabihin pa 'yung mga derogatory slurs na sinabi ko about sa kanya sa harapan pa nya.
"I see. Bakit iho?"
He was on his knees, hingal-kabayo pa rin.
"Buti naabutan kita. Pupunta ka bang Manila? I suggest 'wag na kayong tumuloy,"
My mom scowled at him. "What are you talking about?" She snapped.
"Please po, napaginipan ko kasi ikaw Enidh, sakay ka raw ng bus...and you tragically met an accident. It's a bad omen." Eslov said worriedly.
My mom just scoffed at him "It's just a dream iho, hindi 'yan magkakatototoo!"
"No. Para po sa safety niyong dalawa, just heed my advice," he asserted, still laced in fear.
I looked at him. I don't know what to say. Kailangan na ako ni lola, pero paano kung magkatotoo ang panaginip ni Eslov? Wow, napaginipan nya rin ako 'yun nga lang ang panget ng panaginip niya about me.
"Let's go Enidh." My mom admonish sternly.
"Sorry.. Eslov..." was all I managed to say.
"Please natatakot ako sa posibilidad na magkatotoo 'yun Enidh. I can't afford to lose someone again!"
His words burned me pati si Mama natameme sa sinabi nya. She just threw me a puzzled look.
"Wait, nanliligaw ka ba sa anak ko?"
BINABASA MO ANG
Portville Village
ParanormalPaano kung ang inaakala mong ordinaryong sembreak ang siya pa lang sobrang gugulantang sa iyong katawang-lupa? Halina't samahan natin si Enidh sa kaniyang hindi malilimutang bakasyon sa Portville Village as she falls in love, have her heart broken a...