Portville Village,Sembreak
Day 1
Eveything has changed. I looked around at the greenery of the village at sa mga house situated along the village. May mga tao nang nakatira sa mga dating bakante at mala-eerie ang katahimikan sa mga bahay na dati ay deserted. I took a stroll along the village. I spotted our dating place, lalong lumaki 'yung puno ng mangga pati na rin 'yung mga camachile trees. I smiled as I merrily basked sa mga pagbabagong nakikita ko. I took a look sa white house na dating tinirhan ni Mrs Teresa, it had been renovated. It looked like may nakatira na rin doon.
Ngayon, unti-unting gumaan ang kalooban ko, there was no such place like home, and Portville would always be a home for me. Hmm.. napaisip ako, nandoon pa rin kaya ang cabin niya? It took a few minutes bago ako nakapagdecide na pumunta roon. A feeling of nostalgia swept on me habang naglalakad ako as I listened to my ipod. In the spur of the moment, someone yanked me away from my spot. Bumagsak ang katawan ko sa grassy area, at doon ko lang narealize na may sasakyang dumaan. Nanlaki ang mata ko para tignan kung sino humila sa akin, no, kung sino ang nagligtas sa akin from the impending accident. Hindi ko kasi narinig na may paparating na sasakyan dahil busy ako sa pakikinig ng music, Carelessness at it's recklessness.
"Shit! Tanggalin mo kasi. yang..."
He stopped by midsentence and we stared at each other, pareho kaming nagulat nang makita namin ang isa't isa.
"Ikaw?" We both uttered in surprise.
He rose up from the grass habang pinapagpagan ang sarili nya. Yes, he was the same guy na nakabangga ko nang hanapin ko si Eslov one year ago. He was that guy--the badass version of him, kamukha niya talaga.
"Tagarito ka?" I asked as I got up.
"No, I'm from hell," he replied brusquely.
I scowled at him. He threw me a disgruntled look.
"Wait, ayokong makipag-away sa'yo. Salamat sa pagligtas mo sa akin." I said smiling sheepishly at him.
Am I having déjà vu? Nangyari na ito sa akin before with Eslov, at dito rin sa spot na ito. I was starting to get thrilled as I mused at him.
"You're not welcome," he said glumly.
"Ano bang problema mo?" I asked petulantly.
"'Yang carelessness mo ang problema dito. Muntik ka nang masagasaan ng kapatid ko kundi ka ba naman engot at tinanggal mo 'yang earphone mo eh di sana naging aware ka sa paligid mo?! Well nagpa-practice kasi siya magdrive kaya hindi ko siya masisisi kung hindi pa siya ganung kapulido sa driving niya. And labag man sa aking kalooban, ako na ang humihingi ng dispensa sa'yo for her," he said bitterly as he tied his long hair up in a ponytail.
"Well 'wag kang siga, dahil mas nauna akong tumira sa'yo sa village na ito. Dito rin ako last sembreak, and here I am again." I countered.
"Walang nagtatanong okay?" Pasuplado niyang tugon saka umalis, ngayon ko lang na napansin na may dala pala syiang guitar bag na nakasakbit sa likod niya.
I was left there pissed off by his arrogance. Eslov the second? Hay, Eslov sana buhay ka pa at napasuntok ko sa'yo ang lalaking 'to. My mind wished. Pero nagtataka ako kung bakit kamukhang-kamukha niya ito. Hindi kaya'y magkamag-anak sila?
Nawala na sa isip ko na pumunta ng cabin at bumalik na lang ako pauwi. Hanggang sa pagtulog ko iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. That night, I dreamt of Eslov--pinapapunta niya ako sa cabin niya and I went there and dinner by the candle light was set. Tinakluban niya mga mata ko for a surprise as I took a seat and when he asked me to open my eyes, nagulat ako kung sino na ang bumulaga sa harapan ko... 'yung lalaki kanina na kamukang-kamukha ni Eslov, and this time, ngumiti siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Portville Village
ÜbernatürlichesPaano kung ang inaakala mong ordinaryong sembreak ang siya pa lang sobrang gugulantang sa iyong katawang-lupa? Halina't samahan natin si Enidh sa kaniyang hindi malilimutang bakasyon sa Portville Village as she falls in love, have her heart broken a...