TWY .2

15 0 0
                                    

Charlotta Embeyr Rooseveltun

Maagang natapos ang klase namin kaya dumiretso ako sa benches malapit sa soccerfield. Madami rin palang naglalaro ng soccer dito..,

"Magaling ka rin palang magtago." napatingin ako sa nagsalita at sandaling tumigil sa pagsipsip ng mogu-mogu.

"Haist.., hindi sinisipsip iyan.. just gulp it." Napanganga ako sa ginawa niya.

"Ah, tsanga pala... yung shirt na pinahiram mo sa akin nung natapunan mo ako ng iniinom mong blue lemonade kahapon." may kung ano akong hinalungkat ako sa bag ko at kinuha yung bagong laba ng plain tshirt.

"Ahuh! Magkausap pala kayo ni Yannah!" halakhak ni Devyn sa tabi ko.

"Inabot ko lang naman yung damit na pinahiram niya sa akin." hinatak ako ni Devyn at hindi na ako muling pinagsalita pa.

"Gago ka ba? Yung babae na inabutan mo ng plain shirt ay girlfriend ng kapatid ni Top. Si Russel! Baka mabugbog tayo noon. Hindi ka talaga nagiisip!" sabay kaltok niya sa ulo ko.

"Chloe, can you please put a sign here? Please..."

"Same, Chloe!"

Agad kong hinatak si Devyn para magtago sa tagong puno malapit sa alumni. Umiling-iling at tumawa nang mahina si Devyn.

"O, ano? hanggang tago ka nalang kay Chloe? Bakit hindi mo nalang aminin na nagugustuhan mo na rin siya!" binatukan ko siya.

"Hindi pwede tsaka ayokong magkasiraan kami ni Top kung gusto mong mangyari yung sinasabi mo."

"Hindi naman kayo magbestfriend ni Top so you have a chance to grab Chloe with her. 'Wag na don kay Yannah, may Russel na yon..." umiling ako sa kalokohang namuo sa isip ng kaibigan kong mas tanga pa sa akin.

"What are you doing here? You didn't go in your class. Anong mayroon?"

"Ah.. kasi itong si Jianné, nakipagkita sa kaibigan niya tapos inabot yung plain shirt. Mesyo matagal ang paguusap nilang iyon kaya hinawi ko sila.. tapos-" tinakpan ko yung bibig ni Devyn at hindi ko na siya pinatapos sa pagkukwento.

"You may leave us here." seryosong utos ni Chloe at ngumiti ng tagumpay.

"Sige.. kita nalang tayong apat sa Larrily Shop..." kumaripas ng takbo si Devyn at iniwan na naman akong magisa kay Chloe.

"Umm... punta na ako sa susunod kong klase.." hinatak niya ako pabalik sa harap niya at may pinakitang papel.

"I held your schedule. What time is it? It's noon so you don't have class yet. May nakalagay na vacant. Mamaya pang 2 ang pasok mo di'ba?" akward akong ngumiti sa kanya sabay kamot sa aking ulo.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" Napakamot ako sa yamot dahil hindi ako pinagbigyan na makalaya.

"Simple, you. Tutulungan mo akong magpamigay ng flyers sa mga seniors para makabenta ng album ko tsaka promotion na rin ng musical club ni Leader Cha." inabot niya sa akin ang makapal na flyers at sinundan ko siya.

Tamad kong inabot sa mga nagdadaanang estyudante yung mga flyers at matipid ko silang nginitian.

"Pambihira ka naman... hanggang ngayon ay walo palang ang napapabigyan mo?" iritang binawi sa akin no Chloe yung flyers na nasa kamay ko.

"Of course. It is lazy to give flyers so I will hand over this to you. Ikaw naman ang pagmigay."

"Hindi pwede... tungkulin mong sumunod sa akin dahil tumupad ako sa kasunduan natin na fake relationship. By this time, ako naman ang masusunod."

Together With YouWhere stories live. Discover now