Chapter 28

64 20 0
                                    

Chapter 28

Sian decided to sit beside me in his car. Hindi niya ako tinanong kung bakit ayokong bumaba. He just made it clear that he will follow what makes me comfortable.

"Isn't the sun so beautiful?" his eyes are on the sunset. Naka-titig lang ako sa kaniya

"Yep," I shortly said. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga ala-ala na bumalik sa akin kanina.

"Want to eat?" lumingon siya sa akin at ngumiti. "Ako na ang taya,"

"Ako na," ako naman talaga ang dapat manlilibre sa kaniya this time.

"Umiiyak ka e. Wala ka sigurong dalang pera, 'no?" ang singkit na mga mata niya ay lalon sumingkit na para bang sinusuri niya ako.

Ako? Nagdala nga ako ng cash at card ngayon dahil baka kung ano ang ipa-libre niya, e. "What?!" napalakas ang boses ko dahil sa sinabi niya.

"Umiiyak si Krisha kase walang pera!" parang bata siya kung mang-inis at dumidilat-dilat pa. "Ah, walang pera!" tinuturo-turo niya ako na parang bata na nakikipag-away sa kalaro. "Kawawa," binukaka niya ang isa niyang mata gamit ang daliri at bumelat pa.

Hindi ko alam kung matatawa ako o mapipikon e. Gumagaan na ng kaunti ang pakiramdam ko dahil sa ginagawa niya.

"Let's go shopping?" pag-aya ko sa kaniya dahil baka nababagot na siya rito sa sasakyan niya. In-open niya na ulit ang ceiling neto kaya nakakalanghap kami ng fresh air.

"Libre mo?" he started the engine of his car and drove to the nearest mall. 3-minute drive lang mula sa high street ang Uptown Mall.

"What do you want?" ayos lang naman sa akin na ilibre siya ng kahit ano. Hindi 'yon problema sa akin.

May kaya naman sina Sian at alam kong kaya niyang bilhin ang mga kaya kong bilhin, pero iba pa rin kapag may thought ang gift na ibibigay.

"Are you..." natatawa siyang bumaba sa sasakyan kaya bumaba na rin ako, he continued, "sure?" lalo lang sumingkit ang mga mata niya dahil natatawa siya nang pumasok kami sa loob ng mall. "I was just kidding. Ikaw na lang ang ilibre ko," he smiled.

"No! Ako na!"

"Nope."

"Please? I just want to show you how grateful I am." pangungulit ko dahil nakakhiya kung siya na nga ang tumulong sa akin ta's ako pa ang ililibre niya? Sinuswerte naman yata ako kung ganon.

"No, no, no. It's weird having a girl to treat me," naglakad siya papunta sa isang store na puno ng mga keychains at mga souvenirs. Meron din sa side na mga clips na may iba-ibang design.

I also saw some handkerchief na mga pastels ang color. "These are so cute!" I heard him say that. Napalingon ako sa kaniya at hawak-hawak niya na ang isang clip na may design na witch wand. Hinahawakan niya pa sa'kin at tinuturo-turo pa na nagkukunwaring nagca-cast ng spell.

"What are you, a witch?" natatawa kong tanong.

Kinuha ko ang clip na may design na kutsilyo at lumapit sa kaniya. "Ouch. Ouch. Ouch." nagkunwari siyang nasasaktan nang nag-act ako na sinasaksak ko siya.

"Ang pangit mo umarte!" sigaw ko sa kaniya kaya nagtawanan lang kami at naghanap pa ng iba-ibang gamit. "This is also cute!" lumingon siya sa akin nang inabot ko ang isang clip na may design na condom.

"HOY!" mukhang nagulat siya sa pinakita ko sa kaniya. Halata ang pagkagulat dahi lumaki ang mata niya na singkit. Ang lakas ng halakhak naming dalawa kaya napatingin ang mga tao sa loob ng shop sa'min. "I'm sorry po," yumuko-yuko pa siya sa mga tao sa loob kaya gumaya ako sa kaniya.

In the end, wala kaming binili at ginulo lang namin ang mga paninda doon. It's already 8pm kaya kaunti na lang ang mga tao sa loob ng mall.

"Tara Italianni's?" pagyaya ko sa kaniya. Hindi naman siya nakatangi dahil hinila ko na ang kamay niya. Parang wala ding sense ang pagyaya ko sa kaniya dahil sa bigla kong paghila sa kaniya.

"You didn't notice you're actually running, right?" napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. At doon ko pa lang napansin na ang bilis ko pa lang maglakad papunta sa Italianni's.

Binagalan ko ang lakad ko pero hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya habang hila-hila ko siya.

Kailangan namin makapunta doon dahil baka hindi na kami makakain dahil oras na.

I breathed heavily as we reached our destination. "Woooh!" Napagod ako sa paglalakad, pagtakbo rather. "That was a jogging!" tumutulo ang pawis sa mukha ko at ang white dress at heels ko ay ayos pa naman. 'Yon nga lang ay medyosumakit ang paa ko pagkaupo namin ni Sian.

"Bakit ka kasi nagmamadali?" natatawa niyang tanong at kinuha ang menu na kanina'y nakalapag sa mesa.

Nang dumating na ang order namin ay sinimulan ko nang kumain. He also did the same thing. "Is their ceasar salad good?" tanong ko sa kaniya dahil inorder niya 'yon. Ako ay pasta lang na hindi ko alam bigkasin ang pangalan ang inorder ko. Habang siya ay pasta rin at salad.

"Average," nguya niya.

We ate our meal and got out of mall at exactly 9:40pm.

While we are walking to the parking lot, he faced me, "Ano?" tanong ko sa kaniya dahil tinataas-baba niya ang kilay niya at ngumingiti na nakakaloko.

"Tara?"

"What?" patuloy lang ang paglalakad namin at pinindot niya ang key fob ng sasakyan niya. "Huh?"

"Haze," he smilingly said and stopped walking when we reached his car. "Please?"

"No!" ayoko talagang mag-bar muna for the whole month dahil may mga kailangan pa akong aralin. "Ayaw." I said with a period.

"Please?" tumingin siya nang nakaka-awa at pinagsama pa ang dalawa niyang kamay at kinakaskas pa. "One time? Libre mo 'ko sa Haze, nilibre kaya kita doon last time," ngumisi pa siya at hindi pa rin pumapasok sa sasakyan. "Hay, dami pa naman nainom noon, sayang pala, tsk, tsk."

Umupo na ako sa passenger seat at hindi siya kinausap.

Hindi ko alam pero parang na-konsensya ako nang binanggit niya paano niya ako nilibre last time.

Sinabi pa niya sa'kin noon na libre niya ako dahil first time ko raw sa Haze.

"Hey?" kinalabit niya ang balikat ko kaya nawala sa bintana ang tingin ko at napalingon sa kaniya. "You're spacing out." ang singkit ng mga mata niya na parang isang korean pero ang pagkaka-alam ko ay chinese ang family nina uncle Kim.

It's 5 minutes before 10pm.

Inilabas niya ang sasakyan mula sa parking lot ng Uptown Mall. "Huy!" nilakasan niya ang boses niya dahil hindi ako nagsasalita.

Ngumiti lang ako sa kaniya at pinagpatuloy niya ang pagda-drive.

I noticed that our way we're passing by is going through our house. Papunta sa Magallanes ang daan at hindi sa BGC.

Lumingon ako sa kaniya, "I thought we're going to Haze?" I asked.

Napatingin siya sa akin at sumilay ang ngiti sa labi niya. "Oh! YES!" niliko niya ang sasakyan at dumaan patungo sa BGC. "Lakas ko sa'yo." he chuckled.

Honest Goodbye [COMPLETED] #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon