Chapter 33
Sian's been busy with the clinic where he was assigned. It's been 3 days since he started to go to the clinic. Ganoon pala rito, first and second year of college is all about books and learning with your professors, but when third and fourth year comes, you'll have to do training.
Nakabuo na rin naman kami ng circle of friends ni Ysa. Not literally nakabuo, we just hang out every now and then.
"So how is Sian?" Ysa asked me. In fact, hindi ko rin alam ang sagot diyan dahil tatlong araw na puro kumustahan lang ang nangyayari at hindi ko siya nakikita in person.
I summarize my real answer into a one sentence, "Okay naman, quite busy being a third year med student."
Kumuha ako ng bacon sa tray ng pagkain niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Oh, there are Tricia and Bianca!" kumaway ako sa kanilang dalawa nang naglakad sila papalapit sa amin.
We all sat down to our chosen table and started eating. Last one subject na lang mamaya ang anatomy pero three hours 'yon kaya kailangan ko nang magpaka-busog ngayon at baka kumulo pa ang tiyan ko mamaya.
"Oh, nasaan ang boyfie mo, girl?" bungad sa'kin ni Tricia at sinimulan niya nang i-subo ang pagkain niya.
"Anong boyfriend? Single ako, no!" lagi kaming napapagkamalang mag-jowa ni Sian dahil akbay siya nang akbay everytime na makita niya ako sa campus. Siya rin madalas ang naghahatid sa akin sa classroom. "Ang issue niyo, ha."
"Ano yan, no label?" si bianca naman nang-intriga sa akin ngayon. "'Wag kang magpa-harot sa mga no labels lang! Iiyak ka lang, sus."
"Kahit naman may label, iiyak ka pa rin." bulong ko sa sarili ko at isinubo ang isang kutsara ng kanin.
Hindi ko alam na narinig pala nila ang bulong ko kaya lalo silang dumaldal. "Humuhugot ka diyan, wala namang jowa." ani Bianca kaya tumawa lang si Ysa dahil hindi naman talaga siya ang pala-salita sa grupo. Sanay na kami sa kaniya dahil mag se-second month na ng klase at minsan lang dumaldal 'yan.
"Hindi pa talaga kayo?" hindi ko gaanong maintindihan ang tanong ni Tricia dahil puno ang bibig niya ng pagkain.
"Hindi nga!"
"Oh, ba't ka sumisigaw? Crush mo lang?" pang-asar pa sa'kin ni Bianca.
"Wala akong balak." sabi ko sa kanila kaya lalo kong hindi naintindihan kung bakit sila humalakhak.
"Pero nanliligaw naman?"
"Tama na, please. Kumain na lang kayo." pinagpatuloy ko ang pagkain ko at hindi ko na lang sila pinansin dahil pilit nila akong binubugaw kay Sian, e wala naman talagang kami.
Dumiretso na kami sa loob ng room at nagtabi-tabi na lang dahil may sariling grupo ang lahat ng kaklase namin kaya no fun talaga kung makiki-halubilo kami sa hindi namin masyadong ka-close.
"Where's Ms. Laraña?" napatingin ang lahat kay Ysa. Siya yata ang favorite student ni Sir. Vasquez kaya siya lagi ang nauutusan. Anak din kasi siya ng school counselor kaya kilala siya halos ng mga prof namin. Buti na lang at hindi ako ang tipo ng istudyante na nagiging favorite ng mga prof.
Tumayo si Ysa at napatingin kay Sir. "Yes, po?"
"Get this list here, make all your classmates sign. We will be discussing about the anatomy of a frog." nagbulungan na ang lahat dahil sa sinabi ng prof namin. Tumingin si sir sa'ming lahat. "If you can't do the anatomy of a frog or anatomy of whatever or whoever, then better quit med school." natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Sir.
BINABASA MO ANG
Honest Goodbye [COMPLETED] #Wattys2020
Aktuelle LiteraturMy sight became blurry as he slowly leaves. All I can see is the darkness he brought. He was the one who gave me light, and now, I'm in the end where he takes away the light he has given. It was nothing to him, he didn't care. He gave me love no ot...