Epilogue

156 18 0
                                    

Epilogue

It's our 1st anniversary. Time passed by really fast. Each day that I'm with him feels nothing but heaven. He really makes me feel loved.

Medyo may tampuhan, pero hindi naman tumatagal dahil hindi namin natitiis ang isa't-isa.

Dad liked the idea that Sian and I are together. Ang sabi niya ay habang masaya kami ni Si, ay mas lumalago rin daw ang business nilang dalawa ni uncle Kim.

Business-minded talaga si Dad.

Sian is the new CEO of their architecture company. And me? I'm now on my second year of med school.

Everything is fine already. Walang gulo. Just us, together.

After all this time, sa kaniya lang din pala ako babagsak.

I really love this guy, so much.

"'Wag ka nang mag-diet, okay na ako sa kung anong meron ka." kinurot niya ang pisngi ko at pinagpatuloy ang pagkain. We are now in a restaurant in BGC. Dito na lang daw namin i-celebrate ang first year anniversary namin at next month ay magta-travel kami sa Europe.

"Sus, ikaw nga puro ka gym, hindi naman kita binabawalan." Inirapan ko siya at kumain na rin. He was the one who ordered all of these foods. Ewan ko ba sa kaniya ayaw niya akong mag-diet. Gusto niya ay kain lang ako nang kain.

"Well," he just shrugged and surrendered. "Okay. Talo na'ko." nagtawanan kaming dalawa dahil sa sinabi niya.

Every time na may pinagtatalunan kami ay 'yon agad ang sasabihin niya para hindi humaba ang usapan.

He just too good to be real.

Is he even real?

God gifted me a guy like him. I'm so blessed.

"Masarap?" tanong niya sa akin habang kagat-kagat ang isang pirasong cherry. Tumango ako sa kaniya at ngumiti. "I told you, diet is not worth it dahil mas masarap ang kumain."

"Demonyo ka talaga!" sinipa ko ang paa niya na nasa ilalim ng mesa.

One more thing about him that I really love is that, he knows how to handle things. He is a 4th year med student, a CEO, and at the same time, a good boyfriend.

"I love you." he murmured while his eyes are on me.

Napangiti naman ako dahil sa biglang sabi niya non.

"You know what I would say," kumindat ako sa kaniya. He just chuckled. "I love you too, Si."

It's already 11 in the evening at napagdesisyunan na lang namin na mag-detoxify sa Haze. Dito na siguro ang tambayan namin since last year. Kilala na nga kami rito ng mga bouncer. The DJs are our friends already.

My red tank top with my high waisted jeans is partnered with my high heels. "Libre mo?" natatawa kong tanong sa kaniya.

"Of course!"

"Really?"

"Of course, not!" humalakhak siya't tuluyan nang pumasok sa loob ng Haze. Isang beses lang niyang sinwipe ang card niya at binelatan niya ako.

I was about to swipe my card, but he went back and swiped his card again. Hinila niya ako papunta sa bar counter at agad na nag-order ng drinks. "'Di mo ko matiis, no?" I chuckled.

"Because I love you that much." kinindatan niya ako at hinalikan sa pisngi.

He ordered our drinks and sat at the chair in front of the bar counter. I also sat beside him and held his hand. "You sure, Europe?" I faced him.

Honest Goodbye [COMPLETED] #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon