Chapter 27
Dalawang branch lang ang inaral ko kagabi at hindi na ako nagpuyat dahil nonsense kung ma-sleep deprived ako kaka-review at lalo lang walang papasok sa utak ko. Baka hindi pa ako makapag-exam.
It's already 6pm and I have to go to somewhere I haven't gone since I've got my heart broken. I must face things that can hurt me and show how courageous I am.
I wore a simple white dress and brown heeled sandals. Hindi ko na inabalang mag-curl pa ng buhok dahil baka isipin niya na ginagandahan ko siya. Off muna ang heart ko at kailangan kong mag-med muna bago ulit lumandi.
"Where are you going?" tanong ko dahil pagkababa ko ay nakita ko si Ella na nakabihis din at mukha gagala. "Gabi na!"
"Gabi na!" ginaya pa niya ang boses ko at patuloy lang sa pag-aayos sa harap ng salamin. "Kala mo siya hindi gagala, edi wow!"
"Shut up. Saan ka pupunta?" seryoso kong tanong sa kaniya habang pinapanood siyang maglagay ng pulang lipstick.
"Rio," ngumiti siya sa akin. Ang kapal pa ng red lipstick niya na parang rarampa sa club.
"Salvadera?!"
Tumango siya at naglakad papalabas.
Hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin dahil sumakay siya sa motor na naka-park sa labas ng gate. Agad-agad pinaharurot ng lalaking naka-black na jacket na sa tingin ko ay si Rio. Woah, astig. Kung alam lang niya kung gaano ka-gago ang mga Salvadera. Tulad ni Mat. Hindi na siya magsasayang ng oras.
Bahala siya sa buhay niya.
Dinala ko ang mga reviewer sa maliit na sling bag na nakasakbit sa left shoulder ko. Kailangan ko ring humingi ng tulong kay Sian sa pagre-review.
Pagkalabas ko ng bahay ay may nakita akong familiar na sasakyan. Isn't this Sian's? Open car din tulad ng sa kaniya. Pero walang tao sa loob ng sasakyan kaya lumingon ako sa kaliwa at pinagmasdan ang mga bahay pero walang tao.
Maybe it's just the same model as Sian's open car. I beeped my car using the key fob and was about to open it when, "Ay, holy mary!" napahawak ako sa chest area ko sa pagka-gulat nang biglang sumulpot si Sian sa kanan ko. "Bwisit!" hinampas-hampas ko sa kaniya ang kamay ko na hawak ang susi ng sasakyan.
"Ouch!" iniiwasan niya ang mga pangha-hampas ko sa kaniya. Pero ayokong tumigil dahil muntik na akong atakihin sa ginawa niya. "Ouch! Ouch! Ouch!"
"Bwisit ka!"
"Ouch! Tama na!" natatawa niyang sabi habang umiiwas at napapayuko pa rin sa bawat hampas ko.
"Why did you come here without telling me first?" I calmly asked and walked to his car and opened its door. Sinundo pa talaga niya ako.
"Oops, who said I'm letting you in?" hindi natuloy ang pagpasok ko dahil sa sinabi niya.
"I thought you fetched me..." ma-amo akong napalingon sa kaniya at nakita ko ang ngisi sa mukha niya.
"You thought?" sumingkit lalo ang mga mata niya nang ngumiti siya. "I didn't tell you I am here to fetch you though."
So... does that mean... I assumed?
F-ck. That's embarrassing.
"I-is that so?" I tried to calm myself from embarrassment. Ipinahiya ko ang sarili ko. I thought I'm his friend. Masyado akong naging comfortable. "Then, kita na lang tayo sa park?" I leaned to my car and walked towards it.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang naramdaman ko ang malamig niyang kamay sa braso ko. "You're too serious," hinila niya ako papunta sa sasakyan niya at tinulak papasok sa passenger's seat.
BINABASA MO ANG
Honest Goodbye [COMPLETED] #Wattys2020
General FictionMy sight became blurry as he slowly leaves. All I can see is the darkness he brought. He was the one who gave me light, and now, I'm in the end where he takes away the light he has given. It was nothing to him, he didn't care. He gave me love no ot...